Sunday, July 11, 2010
kapit-bisig project
MEDYO busy sa ngayon dahil sa Kapit-Bisig project. From July to August ay under contract sa ABS-CBN Foundation and we're doing a storybook and a magazine on proper wastewater disposal. Hindi pa ako gumawa kahit kailan ng storybook dahil takot akong magsulat ng pambata. Mahirap na audience/market ang mga bata, at wala akong proper training sa story writing for kids. It so happen na mahuhusay ang mga kasama ko sa team, at magaling ang coordinator namin sa project na mula sa Foundation mismo kaya after a series of brainstorming sessions ay nakagawa ako ng outline.
Nakakagulat ang mga natutuklasan ko sa proyektong ito, lalo na kung paano maisasalba ang Ilog Pasig. Kailangan talaga ng himala, in the sense na ang pinakamahirap na aspeto ay kung paano mapapaalis ang mga taong naninirahan malapit sa mga anyong tubig na ito. At kahanga-hanga ang dedikasyon ng mga taong nagsusulong sa proyekto makita lang nilang malinis na uli ang tubig sa mga ilog at estero sa Kamaynilaan.
Nakadalawang draft ako ng kuwento at 'yung pangalawa ay medyo pumasa na sa pamantayan ng Foundation. Rommel 'Omeng' Estanislao is doing the illustrations and layout. Sa magasin naman ay supported ako ng magagaling na ka-team na hasang-hasa na sa mga magasin na pambabae.
Matagal na akong hindi gumawa ng proyektong may advocacy. At kahit mahirap dahil sa mga aspetong teknikal, masarap na rin sa pakiramdam lalo pa at alam kong magiging malaking instrumento ito para matuto ang mga tao na maging concern sa ating kapaligiran.
Nag-compose din ako ng rap song for the storybook (na hindi ko pa rin ginawa kahit minsan), na kung magiging okey ay posibleng maging jingle pag magsasagawa ng storytelling activities sa mga lugar na kailangan ang edukasyon sa pagsagip sa ating mga ilog.
After these two projects, sisimulan ko naman ang mga plano para sa Komikon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment