Thursday, July 12, 2012

'National Nutrition Month'

Photobucket


LUMILIIT na ang bilang ng mga Pilipinong kumakain ng gulay. Ang konsumo ng isang Pinoy noong 1978 mula 145 gramo kada araw ay bumaba sa 110 na lamang kada araw noong 2008.
Ang datos noong 2008 ay mas mababa ng 290 gramo kaysa 400 gramo ng gulay at prutas na karaniwang konsumo kada araw na rekomendado ng World Health Organization.
Ang Cordillera ang pangunahing pinagmumulan ng temperate climate vegetables at may pinakamataas na konsumo ng gulay na 169 gramo kada araw noong 2008. Ang CALABARZON at ang Autonomous Region of Muslim Mindanao ang nagtala ng pinakamababa na 92 gramo kada tao kada araw.
Dahil dito, isinusulong ang pagkain ng gulay tuwing Lunes sa mga paaralan kaugnay na rin ng pagdiriwang ng National Nutrition Month tuwing Hulyo at nakaangkla ngayong taon sa temang "Pagkain ng gulay, ugaliin, araw-araw itong ihain.”
May 10 dahilan sa mababang konsumo ng gulay na matatagpuan sa FNRI sa isang pag-aaral na ipinagawa ng National Nutrition Council 2005 gaya ng impluwensiya ng mga miyembro ng pamilya na hindi kumakain ng gulay, hindi pagkagusto sa gulay dahil sa lasa at pagkayari nito, preperensiya sa karne, mga kulturang paniniwala sa gulay (gaya ng ang pagkain ng kalabasa ay nagdudulot ng ketong), mahal ang mga gulay, pagkatakot sa mga kemikal at pestisides, mas mahabang preparasyon sa pagluluto ng gulay, preperensiya sa mga fast food at instant foods, kakulangan ng supply, kakulangan ng pagkakaunawa sa benepisyong nutrisyunal at pangkalusugan ng mga gulay.
Sa isang ulat ng WHO, ang mga gulay, bilang kasama sa malusog na diyeta ay nakakatulong sa pagharang ng mga pangunahing hindi- nakakahawang sakit at kakulangan sa micro-nutritionist. Halos 1.7 milyon ang namamatay araw-araw sa buong mundo na sanhi ng mababang konsumo prutas at gulay.
Sa buong mundo, ang kakulangan sa pagkain ng prutas at gulay ay tinatayang sanhi ng may 14 porsiyento pagkamatay sa gastro-intestinal cancer, 11 porsiyento kamatayan sa ischemic heart disease at may siyam na porsiyento ang namamatay sa atake sa puso (stroke o heart attack).
Upang maengganyo ang mga bata na kumain ng gulay, ang mga magulang o mga tagapag-alaga ay kailangang pangunahan ang pagkain ng gulay. Kailangang imonitor ang mga magulang ang sarili nilang uri ng pagkain upang ma-develop ng kanilang mga anak at panatilihin ang malusog na uri ng pagkain.

(NOTE: Ang blog entry na ito ay bahagi ng promosyon ng National Nutrition Month campaign. Ang illustration ay kay Phillip V. Cruz (SKP), courtesy of The Batangas Post.)

2 comments:

TheCoolCanadian said...

Manong KC na ngayon ay INGKONG na yata:

Bakit hindi makita ang dibuho ni Philip Cruz. Subali't hindi iyan ang mahalaga. Ang mensahe mo tungkol sa gulay at prutas ay napakahalaga. Sa totoo lang, ang vegetarian diet ay mas malasa pa sa karne o seafood. Kailangan lang ma-orient ang mga Pilipino kung paano i=prepare ang gulay. Diyan kasi sa atin, ang pagluto ng gulay ay halos pare-pareho lang: stir-fry, pinakuluan, frito, hilaw. Napakaraming ibang paraan ng pagluto nito na tiyak na mag-aappeal sa panlasa ng marami kung tulad halimbawa ng preparation ng mga East Indians. Nagkalat na ngayon sa internet ang mga recipe ng gulay na tiyak na magiging gabay ng marami para maging creative ang kanilang putahe. Ang prutas ay isa pang napaka-importanteng bahagi ng nutrition ng isang tao. Huwag na nating sabihin ang masarap na lasa ng mga ito, sagana rin ito sa sustansiya. Dapat na sigurong lagyan ng halong gulay ang mga pagkaing ipinagbibili ng mga fast food. Puwede namang gawing ilagay ito ng hindi mahahalata, either giniling or hinihwa nang maliliit, maikubli lang sa mga mata ng kakain na mga baliw dahil minamatamis pang kumunsumo ng animal fat na tiyak na bad health ang aanihin, kaysa kumain ng walang fat at manatiling malusog habang nabubuhay. Ang tokwa at toge ay mga pagkaing napaka-sustansiya, gayon rin ang malunggay, at lahat ng nakapaloob sa kantang BAHAY KUBO. Isa pa, kung sa lugar ng mga iskwater ay magkaisa ang mga residents na maglagay ng mga garden sa mga bakanteng lugar, kahi't maliliit lang na space ay tiyak na may aanihin silang pagkain at hindi na sila maghahalungkat ng tinatawag na: PAGPAG FOOD. Ito'y isang tunay na kabaliwan. May solusyon sa pagkagutom, kailangan lamang ang edukasyon para magising sa mga possibilities ang mga mamamayan.

kc cordero said...

JM,
inayos ko na ang image. tama ang iyong obserbasyon. hindi lang kasi ipinagpatuloy ng mga sumunod na administrasyon kay makoy ang green revolution project kahit pa napakagandang ideya dahil lalabas na sila'y mga copycat lang ng mga idea ni apo.
anyway, ngayon naman ay isusulong nga ang pagtatanim kahit sa lata para lang sumibol muli ang mga gulay at maihain sa kusina. sabihin pa, sa mga promding gaya ko ay mas masarap ang gulay kaysa sa instant noodles. :)