Friday, June 7, 2013

alinlangang puso


 
NAKAUSAP ko si Luke noong isang araw. Dati ko siyang kasamahan sa isang publication at naging instrumental ako para malaman niya ang kanyang potential at makahanap ng trabaho na mas maganda ang kita. Ang bagay na iyon ay labis niyang ipinagpapasalamat sa akin.

Mahusay magsulat si Luke, mabait at magaling makisama. Isa siyang gay, pero hindi lantad. Aminado siyang puso lang ang bakla sa kanya. Hindi siya nagbo-boyfriend. Sabi ko sa kanya, baka naman at the end of the day ay umibig pa rin siya sa isang babae.

Paminsan-minsan ay nababanggit niya sa akin na “humahanga” siya sa isang babae. Usually, ang mga nakakakilala niya na hanga siya, kung hindi nakakailang boyfriend na, single mom naman. May isang insidente pa nga raw na isang single mom na close sa kanya ang nagpasama sa kanya na mag-grocery, nakita sila ng mga kakilala nito at inakala na siya ang ama ng anak nito. Na hindi naman daw kinontra ng babae.

Sabi ko, siguro ay gusto siya noong babae, at ang hindi nito pagsansala sa akala ng mga kakilala ay pahimakas na aprubado rito na maging ama siya ng anak nito. Natawa siya.

At nagkuwento ako sa kanya ng mga sitwasyon na may mga kakilala akong gaya niya na may pusong babae na pinakakasalan ang isang babaing may nakaraan na. Kung minsan naman, pag medyo nagsosoltero na ay saka naghahanap ng companion na opposite sex. ‘Yung iba naman na pinaninindigan ang pagiging gay, ay kapwa lalaki rin ang nagiging companion. Ayaw raw naman niya ng ganoon.

Naikuwento na raw niya sa mga kapatid ang kanyang kalagayan. Late 20’s na siya nang magtapat sa kanyang mga kuya. Nang sumapit naman siya sa edad treinta ay nagtapat na siya sa kanyang ama’t ina dahil nai-stress na siya sa mga ito at hinahanapan siya ng apo. Apo raw agad ay ni wala pa nga siyang girlfriend.

Naunawaan daw naman siya ng kanyang mga parents sabay payo na huwag na huwag uubusin ang kanyang pera sa mga lalaki. Natawa tuloy siya sa perception na basta bakla ay parang hayok naman sa lalaki ang dating at kailangang bumayad ng kandungan.

Ang naging pag-uusap namin ay tungkol sa pagyao ng kanyang lolo. Mahal na mahal raw niya ang matanda. Isa pa, habang nakatingin daw siya sa namayapa niyang lolo ay nag-iisip siya. Paano pag siya na ang dumating sa sukdulan ng buhay? Kung wala siyang asawa, sino ang mag-aasikaso sa kanya? May mga kapatid nga siya pero paano kung hiwa-hiwalay naman sila sa panahong siya’y may sakit?

Nakaramdam daw siya ng takot.

Saka niya na-realize na darating ang panahon na nag-iisa siya. Kung ngayon daw na nakakulong siya sa pusong babae ay pakiramdam niya’y nag-iisa na siya, paano pa kaya sa kanyang pagtanda?

Sabi ko sa kanya, naging maganda ang kanyang disposisyon na kahit pusong babae siya ay hindi siya pumatol sa lalaki. Bagaman at may ilang nakakahalata na gay siya, at aminado siya sa bagay na ito sa kanyang pamilya, buo pa rin ang kanyang pagkatao. Malinis ang kanyang personalidad. In the long run, sakali mang dumating na ang babaing para sa kanya; birhen man ito o may karanasan na, maipagmamalaki niya rito na siya bilang lalaki ay walang madilim na kahapon na kailangang pagtakpan.

Si Luke ang isang halimbawa ng mga may alinlangang puso na dapat tularan. Oo, babae ang kanyang puso pero hindi dahilan iyon para pumatol sa kapwa lalaki at magpakabalahura. Hindi nga ba’t kaya babae ang puso, dapat ay may respeto sa sarili dahil ang turing sa sariling pagkatao ay babae rin?

Sabi ko pa sa kanya, posibleng ang pagkawala ng kanyang lolo ang susi para makita niya ang tunay na sarili. Na baka nag-enjoy lang siya sa thought na isa siyang girl, pero sa bandang dulo, gagamitin pa rin niya ang tunay niyang kasarian na bigay ng Diyos.

At nakita ko sa kanyang mukha ang pagsang-ayon. Dahil dito, umaasa akong sa pagkikita naming muli ay baka may maikuwento na siya sa akin na babaing sa pagdating ng panahon ay gusto niyang maka-share the rest of his life with.

 

1 comment:

Anonymous said...

KC: Nag-iwan ako ng sagot dito, hindi pumasok. Kaya uulitin ko na lang. LOL.

Itong si Luke, bakit naman niya pipigilan ang kanyang sarili kung talagang sa kapuwa-lalaki ang hilig niya, he should just go for it. Mas mahirap kung makipag-re;asyon siya sa isang baba tapos hindi naman siya magiging maligaya dahil sa lalaki nga nakahilig ang kanyang damdamin. O, di ba? Hindi naman porke't makikipag-aafair siya sa kapuwa lalaki ay magiging mababa na ang kanyang pagkatao. Ang ibinababa ng pagkatao ng isang nilalang ay kung gagawa siya ng hindi maganda sa kanyang kapuwa tao. Kung iibg lang sa kapuwa lalaki, ano'ng masama doon? Ang pag-ibig, kahi't para sa babae, lalaki, o sa aso pa iyan, pag-ibig pa rin at iyan ay isang mabuting bagay. Payo ko kay Luke: Go for the guys! Dapat kang lumigaya.

Now, tungkol naman doon sa pagiging solo at natatakot siyang tumanda, et al. Naalala ko tuloy si Pablo S. Gomez noong ak'y mga 15 years old pa lamang. Sa aming pag-uusap nina Victor Wood, nabanggit ang tungkol sa pagtanda. Malinaw pa rin a=sa aking ala-ala ang mga katagang biniwan ni PSG:

"I was born alone, I will die alone."

At hindi ba't tumpak naman ang sinabi niya? Kaya ang pagtanda at pagkamatay ay hindi dapat katakutan. Para sa akin:

"To be born is a miracle; to die is a sure thing."

Ayan. Natural na daloy ito ng buhay sa mundo, kaya Luke, habang bata ka pa, alisin mo na iyang takot na ganyan. Just go for the guys! O, di ba?

Ngayon, Kuya, KC—pihadong magtataka ka kung bakit hindi na ako makasagot sa mga postings mo sa FB. Ako kasi'y naparusahan sa aking mga sinabi tungkol doon sa TATLONG BRUHANG mamamatay-TUTA. Yung tatlong nanapak ng walang malay na mala-anghel na tuta. Dahil sa mga sinabi kong extreme dahil sa labis na galit at disgust, tuluyan na akong na-banned from FB.

Mabuti naman at ako'y makakapag-hiking nang husto sa mga kagubatan. Hahaha.

JM