Keep on practicing, Gerald. Malayo rin ang mararating mo, at sana mag-attend ka ng Komikon sa UP sa November 22.
Tuesday, August 19, 2008
'gerald cura's art'
ISA ang batang ito sa unang nagpadala sa akin ng kanyang sample artworks nang mag-announce ako na magkakaroon ng gallery para sa Sindak! Hindi ko lang agad siya nabigyan ng assignment dahil hindi ako sure kung magtutuluy-tuloy ang magasin. Nagtatrabaho si Gerald sa may bandang Muños, Quezon City bilang designer ng 3D model ng mga rack modules, kiosks, booth designs, fixtures, etc... mga lalagyan ng mga products sa supermarkets & malls.
Keep on practicing, Gerald. Malayo rin ang mararating mo, at sana mag-attend ka ng Komikon sa UP sa November 22.

Keep on practicing, Gerald. Malayo rin ang mararating mo, at sana mag-attend ka ng Komikon sa UP sa November 22.
Wednesday, August 13, 2008
'bagyo ang talent ng taga-baguio city!'
Ang maganda kapag may inisyatiba kagaya ng Komikon 2008 at ng kontes na ini-announce ko kamakailan lang ay may mga lumulutang na talent na naghihintay lang ng tamang venue. Matapos mabasa ang nakaraan kong blog entry ay agad nag-e-mail sa akin si Ron Ruiz ng Baguio City para sa mga detalye at kung pwede raw siyang sumali. Nang malaman niya na open lang para sa mga officially ay kalahok sa Komikon 2008 ang munting kasayahan, pero may pinaplano ako next year para sa mas malaking comicsa contest, paghahandaan na lang daw niya ang para sa susunod na taon.
Napakalaki ng potential ni Ron. At malaking factor talaga ang Komikon para magkaroon ng venue ang mga ganito ka-talented na Pinoy artist.
Hiniling ko sa kanya na i-feature ko muna ang ipinadala niyang sample comics sa akin entitled “IRKED” at pumayag naman siya. Heto ang kanyang e-mail sa akin:
Hello.
My name is Ron Ruiz from Baguio City. I came across Mr. Gerry Alanguilan's blog on his Multiply site about your enthusiasm for local indie comics and your generous support for local comics talent.
I visited your site via the link that Mr. Alanguilan posted on his site and I thought I'd give it a shot.
Problem is, since I live and work in Baguio with my wife and 6-month old daughter, I won't be able to attend the comics’ convention. So, I decided to email my 6-page comics for your consideration.
A short background on the attached comics - It was all hand-drawn and hand-lettered. I wrote the story and script (which really isn't saying much since there is little or no plot). It was done in 1999. I have always been a comic book fan and dabbled in comic book writing and illustrating ever since I was a kid. In 2001, strapped for cash, I hawked it to Pulp Magazine. It was published in December of the same year. I have had two more short comics published in Pulp in early 2002.
Originally, it was a 12-page comics. I had to compress it in half as the editors at Pulp said they could only accommodate 6 pages. Hence, my comics seem cramped and confined which, in my opinion, hampers the storytelling. The page constraints also compelled me to use formal and conservative paneling.
Lastly, kindly excuse the following "typos" and flaws:
1. (1st page, 2nd panel) - ..."I used to rid this city of IT'S scum..."
2. (2nd page, 1st panel) - ..."This is for OLD TIME'S sake!"
3. (Last page, 3rd panel) - ..."Every vein, every muscle in my body TRUMMIN' in anticipation!" I invented the word because it sounds like one.
4. Inconsistencies in Irk's narration - I had wanted Irk to talk like Bogart and The Thing, using 'EM instead of THEM, omitting the last Gs in words like TRUMMING and FREAKING, etc. But on certain panels, Irk's narration is inconsistent with my intention. For example, on the 2nd panel of page 3, Irk states: "I hope Sal ain't too shirty to do some serious stitchinG."
5. There are probably a lot more flaws and oversights that I may have over overlooked. Suffice to say, I am now more cautious with my writing. Man, I seriously need an editor.
I think I have wasted your time enough.
I planned to edit these errors before sending it to you but I decide against it at the last minute. I would really appreciate it if you find the time to check it out and perhaps, if you're not too busy give your critique and how I can improve my craft.
***
AT heto naman ang malulupit niyang pages ng “IRKED” na lalong ikai-insecure ng mga insecure na ayaw magpakilala:

Wednesday, August 6, 2008
'best pinoy indie comics for me'
HINDI ako sure kung makakasali ako sa mga darating na Komikon 2008 dahil may tinatapos akong book version ng isang TV show at aabutin iyon ng hanggang December. Pero sana, with a little help from my friends. Ang sigurado ay pupunta ako sa nasabing events at bibili ng LAHAT ng indie comics.
Trip lang.
Pipili ako ng ISA sa mga indie comics na bibilhin at babasahin ko. Kung aling indie comics ang makapagbibigay sa akin ng kakaibang reading pleasure will receive some goodies, courtesy of yours truly.
For a start, ang siguradong giveaway na ibibigay ko sa mapipili kong indie creator na magpapabilib sa akin ay isang 1-gig SAMSUNG yepp mp3. Napakaganda ng mp3 player na ito, with AM-FM, shown in the above photo, complete set with box (unit, CD installer, headset, USB, manual). Hindi pa ito nagagamit.
Ibabato ko na rin ang ilan sa manga art books na nasa akin, ilang hardbound comics (What, I’m giving away Frank Miller’s ‘300’?), some art supplies, and ABS-CBN goodies.
I’ll add some CASH. I’m thinking of soliciting from some of my well-off comrades like Alex Areta, Wordsmith77, and well… Cool Mom among others.
Big names in the indie comics industry are not included in this konting kasayahan, gayundin ang mga kaibigan ko na sasali sa Komikon this year.
Ilalagay ko rito sa aking blog kung sino ang aking napili. Kung taga-malayo, I’ll send the goodies and cash thru LBC. Kung taga-Metro Manila, I’ll see him/her at ABS-CBN, and will feature him/her in The Buzz Magasin.
Sana maka-inspire ito sa mga indie comics creator.
***
By the way, bili kayo ng The Buzz Magasin September 2008 issue na lalabas ngayong mid-August. Anniversary ng "Timawa" at ng prose novel na "Meant For Each Other". Timawa is created by the real talented Gerry Alanguilan of San Pablo, Philippines, while Gener 'Ner' Pedrina of ABS-CBN Interactive do the spot drawings for MFEO.
Wednesday, July 16, 2008
'quo vadis, jero?'
Si Jero ay likhang karakter ni Benjie Felipe na editor-in-chief ng Sindak Horror Thriller Magazine at ng iba pang writers ng The Buzz Magasin, at binigyang-buhay naman ni Gener Pedrina. Ito ang nag-iisang nobela sa Sindak.
Ang mas tama yatang titulo ng blog entry na ito ay ‘quo vadis, sindak?’ lalo pa at ang FAQ sa akin ay: “Kailan lalabas ang Sindak 2?”
Maganda kasi ang expectation ng marami sa nasabing horror mag.
Kahit ako, naniniwala na maganda ang future ng magasin. Kung nagustuhan ninyo ang first issue, ang mga nakahandang materials para sa #2 ay may malulupit, lalo na ang tambalan nina Rommel Fabian at Roderick Macutay.
Sa ngayon ay uncertain na ang future ng Sindak. Wala pang final say ang management lalo pa at nasa kategorya naman ito na special project (pasulput-sulpot lang ang paglabas at hindi regular), pero ayoko rin naman na hindi ipaalam sa lahat ang tunay na estado nito. So, I am making it clear na sa ngayon ay uncertain pa ang future nito.
Inayos na namin ang payment para sa mga nag-submit ng materials sa issue number one, just wait for my email kung kailan ninyo masisingil ang inyong fee—it won’t be long. I apologize sa ibang nag-pitch na hindi na nagamit ang materials. ‘Yung iba na naabala ko, I’ll get in touch with you, guys.
As for Jero, I’ll suggest to Benjie and his co-creators to have it finished for the forthcoming Komikon. It’s a great concept; great character that’s why Ner is always excited doing it.
I can sense everyone’s dismay, and I’m taking full responsibility with what happened.
Friday, July 11, 2008
the buzz august 2008 issue
OUT na ito sa market middle of July 2008. Masaya ako sa issue na ito dahil sa mga mahahalagang desisyon na ginawa ko, at dahil na rin sa isang napakaimportanteng development na hinihintay namin ng aking mga kasamahan.
Loaded ito ng pinakamaiinit na local showbiz buzz, blind items, at present din ang local superhero na si Timawa. Masarap basahin para malibang naman tayo kahit pa patuloy na tumataas ang presyo ng langis.
Thursday, June 26, 2008
'hiwaga'
TAONG 1991 pa ako huling nagkasakit ng malubha. Humina ang lungs ko at halos isang buwan akong namalagi sa Capitol Medical Center. Bukod sa lung problem ay nagsulputan pa ang iba-iba kong sakit. Namayat ako nang todo, at isang umaga ay nagising akong nalalagas ang buhok. Akala ko ay mamamatay na ako.
Hindi pa naman pala. Marami pang nangyari sa buhay ko, at mula noon ay naging maingat na ako sa aking kalusugan.
Sa simula nitong buwan ng Hunyo ay hindi ko alam kung bakit bumabagsak na naman ang katawan ko. Pagkatapos ko ng deadline ng The Buzz Magasin ay nagkaroon ako ng severe diarrhea. Common health problem naman ang diarrhea at akala ko ay makukuha ko sa over the counter meds at pahinga. Pero hindi. Dalawang linggo na ay matindi pa rin ang atake.
Nag-panic na ako. Hindi ko ugali ang magpunta sa doctor pero napilitan ako. Sa loob ng isang linggo, tuwing hapon ay nasa klinik ako ng doctor, pero sa kabila ng medikasyon ay hindi nawawala ang sira ng tiyan ko. Lalo akong nag-panic. Walang masakit, basta sira lang, at wala ring mali sa lab test. Talagang sira lang at sabi ng doctor ay posibleng naglalabas pa ako ng toxins kaya hindi pa normal ang dumi ko.
Kamamatay lang ni Daboy, at dahil napa-paranoid ako ay nag-research ako sa net ng tungkol sa kanyang sakit. Kung bakit naman lahat ng symptoms ng naging sakit niya ay nararamdaman ko. Lalo akong natakot at napadalas ang punta sa CR. Nag-research din ako ng iba pang alternative cure sa net, at isa sa numero unong reply at ‘the best’ daw na solusyon na nabasa ko ay ito: Lots and lots of toilet paper!
Magkakaiba rin ang opinion tungkol sa fiber diet bilang solusyon kaya lalo na akong nagulumihanan. Naghanap din ako ng dahon ng bayabas para ngatain at lunukin ang katas, wala naman akong makita.
Ayaw ko man, kinagabihan ay nagdesisyon ako na kinabukasan ay magpapa-confine na ako dahil iba na ang nararamdaman ko sa katawan ko.
Nang matutulog na ako nang gabing iyon ay naisip ko ang aking namayapang mga magulang. Totoo talaga na kahit may-edad ka na at pamilyado, sa panahon ng mabibigat na problema ay hahanapin mo pa rin ang balikat ng mga magulang. Hindi siguro ako matatakot kung nasa tabi ko sila. Noong bata pa ako, kung anu-anong dahon lang ang ipinaiinom nila sa akin at bumubuti na ang pakiramdam ko. Haplos lang nila sa noo ko o sa alinmang bahagi ng katawan ko na masakit ay tila pinahid na dumi iyon na sa isang iglap ay mawawala.
Nakatulog akong ang pagpapa-confine sa ospital kinabukasan ang bumabagabag sa isip. Makakasira kasi iyon sa budget dahil alam naman natin kung gaano kamahal ngayon ang magkasakit.
Kalaliman ng tulog ko nang bigla ay nakita ko ang sarili ko na naglalakad sa mahabang kalsada na ang paligid ay puro berdeng halaman. Natandaan ko ang lugar na sa Cuenca, Batangas at tinutugpa ko ang daan patungo sa aming baryo sa Balete. Mahabang paglalakad iyon na parang mula sa SM Fairview, Quezon City hanggang sa Mall of Asia, Pasay City. At nakapagtatakang hindi ako nakakaramdam ng pagod.
Alam ko rin na panaginip iyon.
Patuloy ang aking mahabang paglalakad sa gitna ng makitid na kalsada na napapalibutan ng mga halamang berde. Nalaman kong malapit na ako sa lugar namin mismo nang makita ko ang ilan sa aking mga kababata na umiinom ng alak sa isang tindahan pero hindi nila ako pinansin at tuloy lang sila sa pagtagay. Saglit pa ay nasa may tarangkahan na ako ng aming bakuran.
Hindi ko maipaliwanag ang saya na sumapuso ko nang matanaw ko ang aming bahay. Ang kayarian nito ay noong hindi pa naipapa-remodel. Malaking bahay iyon na karaniwang nakikita sa mga probinsya noong dekada sisenta. Yari sa kahoy na may matataas na haligi at butas o lampas an ang hangin sa ibaba. Idinisenyo ito ng kapatid na arkitekto ng aking ama, at yari sa purong tablang yakal. Capiz ang malalaking bintana at may malaking balkonahe. Nang pumanhik ako ay sinalubong ako ni Limbas, ang unang aso namin na nakamulatan ko na mula pagkabata. Si Limbas ay isang Great Dane at regalo sa aking ama ng may-ari ng hardware store na kinunan niya ng mga materyales na ginamit sa pagpapatayo ng aming bahay. Noong may isip na ako, malaki pa si Limbas sa mga alaga kong kambing. Matagal ko siyang kasa-kasama sa bahay. Grade three na ako nang mamatay siya dahil sa katandaan—sa mismong balkonahe namin siya binawian ng buhay habang hinahaplos ko ang kanyang ulo at pilit iminumulat ang mga mata. Natatandaan ko pa rin kung saan siya inilibing—sa ilalim ng puno ng avocado kung saan ako madalas maupo kapag nagkakayas ng gagawing walis tingting.
Hinaplos ko si Limbas at kasunod ko siyang pumasok sa loob ng bahay. Malawak ang aming salas na ang sahig na kahoy ay napakakintab. Iisa lang ang malaking silid at kasunod niyon ang aming kusina. Narinig kong nag-uusap ang aking ama’t ina. Napatingin ako sa aming lumang orasan sa dingding, eksaktong alas tres ng hapon. Tapos na ang kanilang siesta sa gano’ng oras at tiyak na nagmemeryenda na sila.
Pagbungad ko sa kusina ay naroon nga ang aking ama’t ina. Katawan lang nila ang malinaw kong nakikita pero ang mga mukha ay hindi. Magaganda ang kanilang katawan na para bang kaylulusog, malayo sa mga katawan nilang iginupo na ng katandaan nang sila’y mamayapa. Naghihimay sila ng mais habang nakikinig sa lumang Avegon radio. Pumapailanlang ang awiting “Downtown’ ni Petula Clark. Ang nahihimay nilang mais ay sinasahod nila sa malapad na bilao.
Hindi sila tumitingin sa akin at hindi rin nila ako binati. Napadako ang tingin ko sa aming mahabang mesang kahoy na yari sa narra at walang nakatakip na mantel. Sa pinakakabisera niyon na paborito kong puwesto ay may isang platong pritong saging—na paborito kong meryenda na hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay ay niluluto nila kapag dumadalaw ako sa kanila. Basta darating ako roon, hindi kumpleto ang pagsalubong nila sa akin kung walang pritong saging. May katabi ring umuusok na kapeng barako ang nakahandang meryenda.
Naupo ako at sinimulang kainin ang nakahandang pagkain. Habang kumakain ako ay pinatay ng aking ina ang radio at bumaba sila ng aking ama sa hagdan na nakakabit sa aming kusina. Sumunod sa kanila si Limbas. Naiwan ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Naubos ko ang napakaraming pritong saging at pinawisan ako matapos higupin ang kumukulong isang tasang barakong kape.
Matapos kumain ay bumaba ako at naglakad nang walang sapin sa paa sa aming bakuran. Ang dating madamong lugar na pinaglalaruan ko noong bata pa ako ay muli kong pinasyalan. Napakasariwa ng hangin, pumikit ako at pinuno ang dibdib ng simoy amihan. Matagal. Nang muli kong pakawalan ang hangin sa aking dibdib ay nagising na ako—na sariwang-sariwa sa isip ang mga naganap.
Nang nag-aalmusal na ako ay naikuwento ko sa aking misis ang aking napanaginipan. Sabi niya ay baka raw nami-miss ko na ang aming lumang bahay gayundin ang aking mga magulang at ang mga bagay na ginagawa ko noong ako’y bata pa.
Ang nakapagtataka ay hindi na ako nakakaramdam ng sira ng tiyan. At noong araw na iyon, hindi na ako bumiisita sa CR kahit minsan. Hindi na rin ako nagpaospital dahil parang himalang naging normal na ang aking pakiramdam. Sa katunayan, nakapag-treadmill na uli ako samantalang ilang araw ang nakalilipas ay halos hindi ako makabangon sa panghihina. Kinabukasan muli nang magbawas na ako, pardon my language… but I would like to say that it was one of the best shits of my life. Salamat sa pritong saging.
Or should I say, salamat sa panaginip ko sa aking mga magulang…
Mahiwaga ang buhay. Kung may naging bahagi ang mga namayapa kong magulang para ako’y gumaling, hindi ko maipaliwanag.
Sa mga may malalawak na kaalaman sa paranormal occurrences, sana ay mabigyang interpretasyon ninyo ang panaginip at karanasan kong ito.
Wednesday, June 4, 2008
'siya...'
ISA pang blind item...
Sikat na komikero at blogger ang magkakaroon ng gig sa MAXIM Philippines. Sabi niya, sigurado raw na mag-e-enjoy siya sa mga assignments niya rito.
OK, ako ang nag-suggest sa editorial ng Maxim na subukan ang mamang ito dahil talaga namang malupit ang kamay at mga ideya. Pinagbigay siya ng sample drawings. After a week ay nagtanong ako sa associate editor kung nagpadala na ba ng samples. Oo raw. Kumusta naman ‘kako? Nag-thumb’s up ang editor sabay sabing: “Excellent!”
Hindi na ako nagulat. Type na type kasi ng mamang ito na tumirada ng mga sexy illustrations.
Inspired, huh!
Sino siya?
Subscribe to:
Posts (Atom)