Sunday, June 20, 2010

the best father's day ever...

JUNE 20, 2010
Happy father's day sa mga tatay na bumibisita sa aking blog.
Kahapon ay nagtapos na sa kolehiyo ang aking unica hija. Sa mga tatay na mayroon na ring anak, o mga anak, na graduate na sa college, you know the feeling. Walang kasinsarap, at kahit pala pinanday na sa apoy at bato ang puso ng isang ama... hindi maaaring hindi papatak ang luha sa pagsaksi sa anak na tumatanggap na ng college diploma. 'Ika nga ay isang pasanin sa balikat ang nawala, at bukod pa roon ay armado na ang anak sa pakikihamok sa buhay na kanyang haharapin.
Gusto ko sanang gumawa ng mahabang blog kung paano ako nagtiyaga para mapagtapos lang ang aking anak sa isang magandang college pero hindi na lang. Sasarilinin ko na lang iyon. Gusto ko lang na ipaalam na masayang-masaya ako, at ito ang pinakamasayang father's day sa akin.
Salamat sa aking anak at hindi ako binigo. You're only 17 years old, at sana ay makatulong ka sa bayan sa mga magagandang pagbabagong mangyayari sa hinaharap. Kung ano man ang iyong mga natutunan sa loob at labas ng unibersidad, magamit mo sana sa pagtulong sa kapwa at sa bayan... at sa iyong mga mahal sa buhay. Magkaroon ka rin ng takot sa Maykapal para tahakin mo ang tuwid na landas kapag ikaw ay tuluyan nang naging isang propesyunal na naglilingkod sa iyong kapwa Pilipino.
Bukas, June 21, ay birthday ng aking mahal na ama. Ang regalo ko naman sa kanya ay ang pagtupad sa kanyang payo na tulad niya, dapat ako ay maging isang responsableng padre de pamilya. Sa pamamagitan ng kanyang apo, I guess I did make my father, and my mother proud.

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

17 comments:

Reno said...

17 pa lang nagtapos na ng kolehiyo? Kapuri-puri naman pala talaga ang iyong anak.Congrats at Happy Father's Day na rin, KC.

kc cordero said...

Reno,
Oo, maaga kasing nagsimula. Salamat, and belated HFD din sa 'yo. Next year pa siya mag-e-eighteen... di rin siya pinayagan ng PRC na kumuha ng board, pero okey lang para makapagpahinga rin muna.

Wordsmith said...

Congratulations to your only child, a lovely, brainy daughter no doubt.

Pero mas mainit ang aking pagbati sa inyo ni Misis. Tunay ngang mahirap ilarawan ang kaligayahan ng magulang sa pagtanggap ng diploma ng isang anak.

:-)

rockyvillena said...

pare, congrats at happy father's day na rin.

kc cordero said...

Salamat, Ma'am Josie. Sana makapagkape tayong muli nina Tita Opi in the near future. My treat. :)

kc cordero said...

rocky boy, ty! sana maging tatay ka na rin, ha-ha! :)

TheCoolCanadian said...

Dikong KC:

It's always good to let a child go to school as early as possible. This way, she becomes more responsible and she could start a career of her own choice earlier as well.

Congratulations.

kc cordero said...

uncle joe,
maraming salamat. 17 ka rin nang magtapos ng kolehiyo, kahit sana 1/4 ng achievements mo ang makuha ng anak ko... masayang-masaya na ako kasi alam kong napaka-succesful mo. yep, sa ngayon sabi ko sa kanya, siya na ang bahala sa career path na gusto niyang tahakin.

Anonymous said...

congrats, pareng kabayan.

masuwerte si Inez, armado na ng diploma at mula pa sa isang may pangalang school.

happy father's day kahit late na.

alex areta

kc cordero said...

salamat, kabayan. iilang hinga na naman at pasasaan baga... sa ganito na rin ang direksyon ninyong mag-ama ni thea. kita tayo minsan, long time no see. baka di ko na maalalang hawig ka kay piolo, hehe. :)

Anonymous said...

Congrats KC! maagang natapos ang isang obligasyon ng magulang sa anak- yung bigyan ng edukasyon, para maging self-sufficient...



Auggie

kc cordero said...

Thanks, auggie, email me kapag luluwas ka, kita tayo.

Rey Villegas said...

Congrats, KC. sorry na- belated ngayon ko lang nalibot ang blogsphere... Mabuhay ka.

kc cordero said...

thanks, rey. kitakits uli tayo pag nagbakasyon ka. :)

Anonymous said...

angkel..... musta na! i was trying to search for you in every social networking sites as i could imagine and found you here.. congratulations to my cousin... bata bata pa hehehe! what are her plans? will be glad to here from you soon... email ko is mgsuarez_1974@yahoo.com.

Unknown said...

omg! kuya kc!!!!!! i haven't seen you in ages! i super miss the old days. regards to t weng and congratz to your unica hija! hope to see you soon, NINONG! let's keep in touch. =)

kc cordero said...

Hi, cecille...
email mo lang ako. doon pa rin kayo ni joey sa cubao?

-kuya kc