Tuesday, August 31, 2010
Goodbye, Diet...
NAMATAY na pala si Diet, naibalita sa akin ng isang staff ng Risingstar Printing. Si Diet ay ang dog na kasa-kasama ko sa opisina nang sinimulan ko ang nasabing company. Umpisa pa lang ay mabait na siya sa akin. Isa siyang bichon frise. Kinakatok niya ang pinto kapag naramdaman niyang nagbukas ako ng aircon, mahilig siya sa malamig na lugar. Lagi rin siyang nakaupo sa isang silya at nakatingin sa akin kapag may ginagawa ako na para bang nagbabantay kung nagbubulakbol ako kaya tinawag ko siyang Sir Diet. Lagi rin kaming naglalaro kapag nababato ako sa harap ng computer. Mahusay siyang sumalo ng pinira-pirasong pandesal.
Nasobrahan daw sa garapata si Diet at hindi na inasikaso ng may-ari. Hindi nakapagtataka. Kung ang mga empleyado ng Risingstar ay hindi maasikaso ng may-ari nito, ang aso pa kaya?
Ang photo ni Diet sa itaas ay kuha ko sa kanya noong last day ko sa Risingstar, and that was almost 3 years ago. Pareho kaming malungkot noon, na parang alam din niya na iyon na ang huli naming pagkikita. Nasa expression niya ang hindi maisatinig na nararamdaman nang mga oras na iyon. At kahit noon pa lang, ganito na siya napapabayaan.
Goodbye, Diet. Man, you made me cry...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
kamukha niya yung aso ko noon. Pero poodle yun. Kakalunkot naman... Kawawa ang aso kapag napabayaan sa garapata.
Nakakaiyak talaga kapag isang asong napamahal sa'yo ng sobra ang namatay. Naalala ko rin ang aso naming tumagal ng walong taon at namatay din dahil sa garapata (na nahawaan ng asong galising inampon ng kapatid ko). Napakabait na aso niya, hindi pa narereklamo ng kapitbahay, hindi pasaway at marunong din sumalo ng kahit anong pagkaing ihagis mo sa kanya.
Nalulungkot po ako sa pagkawala ng kaibigan nyo sa RisingStar.
Post a Comment