Thursday, September 23, 2010
iPod, mP3 docks
HINDI ako nag-e-enjoy makinig ng music sa earphone o headset kaya hindi ko rin masyadong nagagamit ang iPod na hand-me-down mula sa aking anak. Ayoko ring nakikinig sa laptop, at kung may deadline ako, gusto kong ang music ay mula sa ibang source. Kaya meron akong micro/hamburger speakers sa bahay para sa aking iPod at mP3. Ang problema lang sa mga ganitong klase ng speaker ay kailangang laging i-charge.
Natiyempuhan ko ang Logitech iPod, mP3 docks sa SOS Computer Store sa may Park Square 1 sa Makati. Batay sa karanasan, okey sa akin ang mga Logitech products. At sa presyong P800, 'ika nga ay steal na ito. Dati ay almost P2,000 ang presyo nito. Mas mahal ang mga mas kilalang iPod docks gaya ng Bose, JBL at Altec Lansing.
Maganda ang sound quality, at nagre-recharge automatically ng iPod kaya dire-diretso ang pakikinig. Kung hindi naman iPod ang inyong mP3 ay may saksakan din para roon, kailangan n'yo lang bumili ng connector. Power supply is 120-220 autovolt.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
okey naku sa celphone... mapagtyatyagaan na...
Iyang background music habang nagtatrabaho ang talagang hindi mo na maalis sa akin. Hindi na ako pihikan sa kelangang marinig. Uubra na rin sa ken kahit kanta ng mga bulilit kong apo.
Post a Comment