Friday, October 15, 2010

neglect, and paying dearly for it...

Photobucket

Photobucket

MATAGAL akong hindi nagpraktis mag-cartoons dahil naging sobrang busy sa kung anu-anong bagay. Ngayong umaga ay parang kinagat ako ng ‘artist bug’ at gusto ko sanang mag-doodle. Hindi ko na rin nabubuklat ang aking mga reference books na nasa ilalim ng aming hagdan. Nang kunin ko ang mga iyon, I got the biggest shock of my life...
Inanay lahat ang mga cartooning books!
Para akong binaril ng stun gun sa nakita ko. Paanong inanay ang mga libro samantalang ang plastic bag na pinaglagyan ko ay nakasarado naman? Regular din akong nag-i-spray ng Baygon. Wala akong makapang sagot pero nakakapanghina, nakakapanlumo ang hitsura ng mga libro. At wala ni isa na maisa-salvage sa mga ito.
Naalala ko ang maraming pagkakataon na naghahalungkat ako sa mga sales na art books. Ang iba na brand new kahit pikit-mata ay pinilit bilhin kahit masira ang budget. Nayari rin ng mga anay ang pinakapaborito kong reference na libro ni Randy Glasbergen na obviously ay ang style na kopyang-kopya ko talaga.
Ang problema sa mga ganitong libro ay hindi naman laging available sa mga bookstores at suwertihan din ang pagbili. At kung matagal mo nang ginagamit, kabisado mo na. Kung medyo hindi naagos ang creative fluid, isang tingin lang sa mga pahina ay makaka-sketch na. Para itong girlfriend na when you’re weary and feelin’ small ay parang bridge over troubled water na sasamahan ka sa kalungkutan.
Ngayon ako nagsisisi na hindi ako nag-provide ng Xerox copies, o kaya’y inilagay ko ang mga ito sa mas safe na lalagyan. Wala na...
Nangangahulugan ito na kailangan ko na namang magkakalkal sa mga bookstore, mag-ipon ng pambili at umasang suwertihin muli na makahagilap ng copy.
Kasalanan ko. Call it negligence, and I paid dearly for it...

7 comments:

Ner P said...

sayang talaga yung mga libro.

di bale, makakabuo ka rin ulit!


ikaw pa!

:D

kc cordero said...

nerp,
sana nga... :)

Anonymous said...

KC,

Ganyan talaga, sa sobrang busy, hindi mo napapansin.Pero makaka- buo ka ulit.Relax lang.I-Check mo na rin yng hagdan ninyo at baka puro anay na din iyan.Mas malaking gastusan iyan.BTW bakit wala ka pa rin doon sa Pisbuk?

Auggie

kc cordero said...

Thanks, Auggie! Ops, long time no hear, ah. Bumili na ako ng plastic na may takip na lalagyan ng mga books para sure.
Hindi na ako naggawa ng Facebook account, di ko na rin maaasikaso. Gusto kong mag-stick na lang dito sa blogspot.
Email mo ako pag nasa Manila ka.

Robby Villabona said...

Sayang... sa susunod ebook na lang bilhin mo -- di pwedeng kainin ng anay. Pag na-delete, pwede i-download uli.

kc cordero said...

Rob,
he-he. Kailangan munang mag-save para sa iPad. :)

Anonymous said...

sayang naman sir tong mga libro na to...inanay lang

sir musta na...long time no talk..

sorry at di na tayo nagkausap pa after nung last time. di ko na maalala kung kelan yun.

ni hindi mo na nakita yung drafts ng ginagawa ko para sa napag usapan natin.

anyway andito lang ako sir..

medyo busy nga lang sa ngayon. may ginagawa akong biology textbook. full color at medyo madugong gawin..daming illus.....kaya di na ako naka-follow up sa yo.

kala ko magkikita tayo last komikon.

ingat na lang sir...kita tayo minsan...

dino copreros (laging bata)