Friday, August 12, 2011
pagbisita kay omeng
MAHIGIT kalahating taon ko na palang hindi nakikita si Omeng (Rommel Estanislao). Last time na nag-meet kami ay noong magkaroon ng komiks event sa Rockwell Makati early this year. Bagaman at nagkaka-text kami at nagkakausap sa telepono, iba pa rin siyempre ang pisikal na komunikasyon.
Nami-miss ko na ang grupo nila sa Creatives ng ABS-CBN Publishing; Pol, Popoy, Gary. Halos lahat kasi sila ay umalis na roon. Wala na akong nakakasama pag kumakain sa Loop, wala na ring nakakahuntahan ng mga kabastusan, komiks, photography, arts, massage, etc.
Anyway, last Wednesday, August 10 ay dinalaw ko siya sa kanilang haybol sa San Roque, Marikina City. Konting trivia, almost two years akong tumira sa lugar na ito. Ito rin ang una kong pagbabalik sa nasabing place after more than a decade. Tagarito ang bayaw ko na nagturo sa akin na gumawa ng bag, at nagtrabaho ako sa Saniwares Mfg. Co. na ang planta naman ay nasa Santolan, Pasig City. Uh, patay na ‘yung bayaw ko, at sarado na rin ang Saniwares.
May isang magasin kasi na gustong i-feature ang mga mini sculptures ni Omeng at kung paano niya ginagawa. Kinontak ako ng staff ng nasabing magasin at nakiusap na ako ang maging tulay nila para ma-interview ang uber popular cartoonist/artist na ito. Nagpaunlak naman si Omeng, at kahit busy ay nagbigay ng kanyang 110% para sa interview.
May masarap pang meryenda na mismong siya at ang daddy niya ang nagluto matapos ang interview. Nagbigay rin siya ng mga sikat na komiks niya sa mga dalagang nag-interview sa kanya.
Mukhang OK na OK naman si Omeng at ine-enjoy ang kanyang artistic freedom. Minsan ay dadalawin ko siya uli, hindi dahil nami-miss ko na naman siya. Masarap balikan ang masarap niyang pameryenda!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Dikong KC:
Ano ba ang pameryenda ni Omeng na parang hinahanap-hanap mo na. Addicted ka na yata. Hindi kaya hinaluan ni Omeng ng COCAINE kung ano man iyang ipinakain sa iyo? Lol.
Diyata't puro dalaga pa ang nag-interview! Omeng, ingat. Baka lahat iyang mga dalagang iyan ay magkaroon ng FATAL ATTRACTION sa iyo, lagot ka. He-he.
Pakibigay na rin tuloy sa akin ng recipe nitong meryendang KINAHAHAYUKAN sa kasalukuyan ni Dikong KC.
Wha-ha-ha!
wow! super naman si kapatid na omeng...super high na ang level..pero syempre madali pa ring ma-reach...katuwa naman..
yeseri...sya ang isa sa mga kaibigang pag napasyalan mo eh..walang katapusang estima ang ibibigay sa yo..parang unli-rice, bottomless ice tea at unli-gravy hehehe..
kung malapit lang ako dalas ko sya papasyalan...kaso kalayo ko sa marikina hehehe...takot ako sa malayong byahe sa manila....di baleng malayong byahe sa province...tahimik ang byahe...
sana next time soon.....eh makagawi ako sa lugar nila at mapasyalan sya...at sana rin eh mabawasan ang kabisihan ko para makapasyal at makacontribute na rin sa Onward Publishing...nabinbin na ung concepts ko sa baul...hayyyy....
keep in touch, ser...and thanks
Post a Comment