Monday, November 28, 2011

day-off

Photobucket

ISANG araw ng Linggo iyon at may kakatagpuin akong kliyente sa isang fast food sa may Quezon Avenue. After lunch ang aming usapan, at dahil ako’y laging maaga sa mga ganitong usapan at ayokong nale-late, alas onse pa lang ay nasa meeting place na ako at nagbabasa ng Sunday news. Tinitingnan ko ang aking horoscope nang marinig kong may nagsalita sa aking harapan.
“Kanina ka pa?” boses babae iyon.
Nang tumunghay ako, hindi naman iyon ang aking kliyente. Ang babae sa harapan ko ay medyo maskulado, maitim, makapal ang buhok na walang style ang gupit pero may matamis na ngiti at mapuputing ngipin. Ang pagiging stocky niya ay lalong naging define sa suot niyang stripes na polo shirt at skinny jeans na generic.
Hindi ako maka-react. Agad siyang naupo sa harapan ko. Pagpapatuloy niya, “Buti nakita ko agad ang Spider-man sa T-shirt mo kaya nakilala agad kita.”
Tzing!
Naisip kong napagkamalan niya ako na ka-eyeball niya dahil sa kamisetang suot ko. Pero bago pa ako nakapagpaliwanag ay nagsalita siya uli. “Pakainin mo naman ako, gutom na ako. Naglaba pa kasi ako bago ako umalis sa bahay.”
Ewan kung bakit nagpatianod ako. Tiniklop ko ang binabasa ko at tinanong ko siya. “Ano’ng gusto mong kainin?”
“Kahit ano,” sagot niya. “Basta libre masarap kainin.” At sinundan niya iyon ng masarap na hagikhik.
Nagpunta ako sa counter at umorder ng combo para sa kanya. Nagkakape na ako noon kaya nagdagdag na lang ako ng hash brown para sa akin. Inalok niya ako pagkaabot ko sa kanya ng pagkain, tumango lang ako at humigop ng kape.
Nagtanong muli siya. “Dala mo ang kotse ng amo mo?”
Muntik ko nang naibuga ang hinihigop kong kape! Confirmed na househelp ang kaharap ko, at ang ka-eyeball niya na napagkamalan niyang ako ay isang family driver.
Nakatuwaan ko nang magpanggap. “Ah, hindi ko pwedeng gamitin iyon pag day-off, kasi sina Sir ang gumagamit. May lakad pag Sunday ang buong pamilya.”
Nagpakawala siya ng isang maikling, “Aah…”
Nagsimula kaming maghuntahan. Pinilit kong maging creative para makakuha ng mga datos sa kanya. Beinte uno anyos, panganay, laging nagpapadala ng pera sa pamilya. Tipikal na kuwento ng mga anak mahirap na napapadpad sa Maynila para makahanap ng magandang bukas. May BF sa province na di naman siya tine-text. At kapag nalulungkot at nangungulila sa minamahal, naghahanap ng ka-text para kapag day-off ay may ibang aktibidad maliban sa regular Inday routines.
Noong buhay pa ang Atlas ay marami akong kaibigan na madalas makipag-phone pal sa mga Inday at idine-date kapag day-off. Nagunguna na rito ang kababayan kong si Alex Areta, ang kumpare kong si Meyo de Jesus at bayaw na hilaw na si Benjie Valerio. Si Omeng Estanislao, once upon a time yata ay may naka-phone pal ding Inday.
At naitanong ko kay Inday, este, hindi ko nga pala alam ang pangalan niya, kung ano’ng probinsya niya.
“Ikaw naman makakalimutin,” sagot niya. “Sabi ko nga sa text Masbate.”
Masbate…
At nagbalik sa akin ang isang alaala noong third year high school ako.
Nag-aalaga kami ng baka noong nasa bukid pa ako at kalimitan ay mula sa Masbate ang naipapadala sa mga pamilihan sa Batangas. Excited ako isang umaga dahil sabi ng aking ama ay darating na ang torete (binatilyong baka) na aalagaan ko. Nang dumating ang trak na kinalululanan ng mga bagong dating na baka at isa-isang ibinaba, itinuro sa akin ng aking ama ang nakatoka para sa akin. Matapos pumirma ng aking ama sa dokumento (may rehistro ang mga baka), hinila ko na ang aking torete at isinoga sa isang haligi ng aming bahay.
Nagtititigan kami ng torete. Hinimas-himas ko ang ulo niya. Iniisip ko na after one year ay mabebenta na ito sa malaking halaga, at may porsyento ako sa pag-aalaga. Kausuhan ng cassette recorder noon at walkman, ‘yun ang plano kong bilhin sakaling mabenta ang baka. By next year din ay graduating na ako, may pambili na ako ng Truvenize na susuutin sa graduation.
Habang lumilipad ang aking isip, nagulat na lang ako sa ginawa ng torete. Bigla niya akong sinuwag! At kahit di pa siya masyadong malaki ay napakalakas, humagis ako at bumagsak sa bunton ng mga sinibak na kahoy na panggatong. Naramdaman kong may umagos na mainit sa bandang kanan ng noo ko. Nang kapain ko, dugo!
Kasunod niyon ay nagrumpi ang torete. Nagwala nang todo. Sumaklolo sa akin ang aking ama at binuhusan ito ng tubig para kumalma. Nilagyan ko naman ng dahon ng bayabas ang sugat sa aking noo.
“Mailap (wild) pala ito,” komento ng aking ama. “Mahihirapan kang alagaaan ‘yan.”
True enough, ang torete mula sa Masbate ay isa palang cow from hell. Lagi kaming nagbubuno kapag ililipat ko siya ng puwesto. Maraming beses niya akong nasuwag. Marami naman akong naubos na palapa ng saging sa kapapalo sa kanya. Nagkaroon ako ng galit sa kanya kaya pagkakagaling ko sa school at pupuntahan ko siya kung saan nakasoga, magbubuno agad kaming dalawa. Titiyakin ko na ang pagkakatali sa kanya ay hindi magbibigay sa kanya ng espasyo para masuwag ako. Sabi nga ng tatay ko, ako raw ang gumawa ng paraan para ito maging maamo.
At nang masanay na siya sa akin, naging mabait naman kalaunan. Nahahaplos ko na siya nang di nagiging bayolente, nasusubuan ng damo nang di na ako sinusuwag. Naging kaligayahan na ang pag-aalaga at pagpapataba sa kanya.
Mahirap mag-alaga ng hayop sa loob ng mahabang panahon dahil magkakaroon ka ng emotional attachment dito. Magiging bespren mo kahit pa kambing, baboy o manok. Kaya nang dumating ang time na ibebenta na ang bakang alaga ko na mula sa pagiging mailap ay naging maamo, nalungkot ako. Nakatingin siya sa akin nang isasakay na sa trak para dalhin siya sa pamilihan, parang nagpapasaklolo. Gusto kong mapaiyak sa isipin na baka gawin siyang de-lata. Iyon ang dahilan kung bakit di ako kumakain ng anumang luto mula sa karneng baka. Hanggang ngayon ay di ko pa rin siya nakakalimutan dahil sa aking pilat sa kanang noo.
“Manonood na ba tayo ng sine?”
Nagbalik ako sa kasalukuyan nang magsalita si Masbate girl. At may plano pa pala silang manood ng sine ng kanyang ka-eyeball! Eksakto namang nag-text ang ka-meet ko. Change venue raw kami, puntahan ko siya sa isang mall.
Time na rin sa akin para magpa-excuse sa kaharap ko. “Naku, pinauuwi na ako ng amo ko,” dahilan ko sa kanya pagka-reply ko sa kliyente. “Next time na lang tayo magsine.”
“Okey…” sabi niyang malungkot.
Na-guilty naman ako sa reaction niya. Nagbalik ako sa counter at nagpa-takeout ng dalawang combo at ibinigay ko sa kanya. Dalawa para sakaling dumating ang tunay niyang ka-meet, meron na silang makukukot. Binigyan ko rin siya ng P100. “Pantaksi,” sabi ko. At iniwan ko na siya.
“Text, text, ha?” pahabol niya.
“Sure,” sagot ko.
Hindi ko alam kung ano na ang nangyari pagkaalis ko. Dumating kaya ‘yung family driver? Natuklasan kaya niyang nagpanggap lang ang mamang naka-Spider-man T-shirt?
At ano kaya kung sumama ako sa kanyang manood ng sine?
Ah, siguro itatanong ko na lang kina Alex Areta, Meyo de Jesus, Benjie Valerio at Omeng Estanislao kung hanggang saan ba sila nakararating kapag day-off ang ka-date.

11 comments:

dino (laging bata) said...

hahahahaha...wala akong masasabi sir kundi isang malutong na IDOLLLL!!!!!!!!isa kang magaling na tagapag alaga ng baka at isang galanteng ka- eyeball....palagay ko di mo na isusuot yang spiderman tshirt mo...ung superman naman hahahaha...

kc cordero said...

dino,
angry bird na lang na t-shirt para nakasimangot. :)

DYNACOIL (Dynamic Concept-Illustrated) said...

Anak ng baka, KC...iba ka talagang magkwento! mahu-hook mo ang magtatangkang bumasa ng sulat mo! May sinabi noon si Spielberg na tip sa pag-analize ng isang movie: Dapat, sa loob ng 10 minutes na pagsisimula ng film ay ma-hook ka na para huwag bumitiw sa panonood...meaning to say na dapat ay makuha na ang interes mo at ituloy ang panonood. After 10minutes na hindi natugunan ang layuning hinahanap mo, i-(r)eject mo na ang movie at tiyak na sasayangin lang ang mga oras mo dahil mabubuwisit ka na lang. (or lumabas ka na lang ng sine!)

Kuha mo si Spielberg, Pare...Di ko pwedeng di tapusin ang kwento mo!

DYNACOIL (Dynamic Concept-Illustrated) said...

Anak ng baka, KC...iba ka talagang magkwento! mahu-hook mo ang magtatangkang bumasa ng sulat mo! May sinabi noon si Spielberg na tip sa pag-analize ng isang movie: Dapat, sa loob ng 10 minutes na pagsisimula ng film ay ma-hook ka na para huwag bumitiw sa panonood...meaning to say na dapat ay makuha na ang interes mo at ituloy ang panonood. After 10minutes na hindi natugunan ang layuning hinahanap mo, i-(r)eject mo na ang movie at tiyak na sasayangin lang ang mga oras mo dahil mabubuwisit ka na lang. (or lumabas ka na lang ng sine!)

Kuha mo si Spielberg, Pare...Di ko pwedeng di tapusin ang kwento mo!

kc cordero said...

salamat, mang nes. i'm sure naka-relate kayo... sa pag-aalaga ng baka (hindi sa eyeball, he-he).

TheCoolCanadian said...

Nestor: Ganyan nga ang estilo ng scriptwriting sa Hollywood. Maski sa school ay ganyan ang turo. Traditional yung three acts: Beginning, Middle and End. Sa Beginning ay laging nauuna ang "hook". An incident which is related to the story, that will catch the audience's attention to make them continue watching, because by then the audience is already hooked. The beginning is 15 minutes. 10 minutes for the hook, the remaining 5 is for telling the audience who the leading character is, and what the film is all about. Then, before the first 30 minutes end, there will be a major plot point. This incident will spin the story around and takes it into another direction. Subali't nguni't datapuwa't sa RP, may mga sineng... nasa kalagitnaan na, wala pa ring development, tulad ba ng PUTANG INA MO series ni Ai-ai de las Ahas... este... Alas... pala. Nagkamali akong manood ng isang sequel nito, sa first 10 minutes pa lang, muntik ko nang ibalibag ang isang mabigat na flower vase sa giant screen TV! Terible talaga.

On the other hand, cows are actually very stupid, tama ba ako, kuya KC? Alam ko, medyo mahina ang kukote ng mga baka, ika nga sa kastila eh, "pobre espirito". Walang itama sa aso't pusa. Itong dalawang nabanggit ang mga paborito kong hayop. Gano'n din ang karnero at kambing. Madalas akong magpunta sa mga petting zoo dito dahil doon ay pinapakain ko ng dayami ang mga baby goats at pati daliri ko ay kinakagat. Nakakatuwa magpakagat sa mga baby kambing at napaka-cute ng mga itsura nito, hindi kasing-kyutang ina ni Ai-Ai de las Ahas, ay, alas pala. :) Mukhang mas vivo pa yata ang kalabaw sa baka. Tama ba ang aking sapantaha? Turan mo nga, kuya KC. Siguro ay may "karanasan" ka na rin sa kalabaw. Parang si Dina Bonnevie sa "Katorse." :) Hoy, ano kayo, huwag nga kayong mag-isip ng masama diyan! Ano nga pala ang nangayari sa adoption ni Rommel sa isa mong mga apong tuta? Nasuwertehan ba niya ito? Sana makuha niya yung may black spots. Ang ganda.

DYNACOIL (Dynamic Concept-Illustrated) said...

JM, may isang taga-Texas na nagmumurang nagsabi na ang dami na raw niyang nasirang tv at palagay daw niya ay marami pa ang masisira niya kapag hindi niya mapigilan ang kanyang pagkapikon! Kasi pala...basta may pinanonood siyang movie na palpak at di tumama sa kanyang gusto, ayun...dadamputin na niya ang kanyang magnum at...Blam! Sabog ang tv. Isa pa...kapag nanonood daw siya ng news tapos biglang lumabas ang picture ni Bush...ayun! Sabog na naman ang tv niya!

He he...pareho tayo...Minsan, nung nanonood ng tv ang misis ko at nailipat niya ang channel at bumulaga ang labas ay "Tanging Ina n'yo" ...hindi ako nakapigil...talagang ibinalibag ko ang hawak kong celfone sa tv! Hindi lang yon...lahat halos ng labas sa tv dito lalo na ang mga local telenovela ay talagang nagpapakulo ng dugo ko! Buti wala akong hilig sa baril e...kung hindi, tiyak na pareho kami ng taga-Texas na yon. Mula noon, bawal na ng misis ko na manood ako ng tv. Nagpakabit na lang kami ng cable para di na ako makapanood ng ano mang local productions na hindi ko na masisikmurang panoorin. Iba na kasi ang mga writers ngayon...kabaligtaran ng mga writers noon na matindi ang social and moral conscience! Nakakalungkot...

TheCoolCanadian said...

Nestor: Hahaha. Para ka palang si Elvis Presley. Minsang toyoin sa ulo, biglang baril sa TV. He-he.

Naku po, tinamaan mo iyang mga teleserye na iyan. Talagang numero unong KUNSUMISYON! Ang tatanga ng mga characters. O sadyang ginagawang tanga para gawing MELODRAMA. Buwisit. Halaimbawa na lang yung MIRAMAR na iyon. Por Dios y por santo. Hindi naman MENTALLY RETARDED yung bidang babae, pero akala mo, BORDER LINE ang mentalidad.

Siguro, maghanda na lang tayo ng basketball. Kapag nagpasaway ang mga palabas na galing sa RP, batuhin na lang natin ng bola. He-he.

Hay, talaga naman, oo.gotorks

Anonymous said...

ha ha ha!di naman sine pari, sa farmers lang!bwa ha ha ha !idagdag mo jan si alex, si noli at si ruben ocampo yan ang mga masters ko!bwa ha a ha!at higit sa lahat ay ikaw!!!!!meyo to

Anonymous said...

ala naman... bakit ga naman ako ay nadamay dini? ako naman ay walang nag ing syotang 'inday' he he he!

nag-alaga rin ako noon ng baka... nang kuhanin sa akin ng me-ari (dahil iwi ko laang), aba'y parang tuwang-tuwa pa 'yung baka... namayat ng husto sa kandili ko ha ha ha!

pruweba na hindi ako marunong mag-alaga ng baka.

pero bumawi ako nang ako'y mag-asawa... pinataba ko naman. bwehe he he!

mabuhay ka pareng kabayan!

alex areta

Hazel Manzano said...

OMG!!! nakakagulat naman at pinatulan mo pa! LOL! at nabuko pa si Omeng!