ITO ang kaisa-isa kong litrato noong bata pa ako. Hindi ko lang sure kung two or three years old ako rito. Kuha ito ng first cousin ng aking ama sa farm ng uncle niya. US Navy officer ang pinsan ng aking ama at isa sa mga libangan nito pag nagbabakasyon ang i-Polaroid ang mga kamag-anak.
May isa pa siyang kuha sa akin noong grader na ako na may kasama akong baka pero hindi ko na makita ang kopya. Naitago lang ito ng nanay ko at nakita ko sa aparador niya nang maghalungkat ako kamakailan.
Masuwerte ang henerasyon ngayon dahil kahit segu-segundo ay pwede nilang kunan ang kanilang sarili. Hindi gaya noon na suwerte kung may kamag-anak na may camera.
Natuwa lang ako rito sa kuha kong ito dahil medyo chubby pala ako noong baby pa samantalang mula elementary hanggang napapasok ako sa Atlas Publishing ay mukha akong kalansay na naglalakad.
Masarap talaga pag bata pa ang hitsura; inosente, healthy, walang problema,walang allergy, walang stress sa katawan, walang iniisip na bills at pagkakagastusan, malinaw ang mata, walang sumasakit na kasu-kasuan—at higit sa lahat, hindi ka natatakot na baka balang araw ay kailanganin mo ang stem cell therapy para lang maging healthy muli, he-he.
2 comments:
Kuya KC siguro pinagkukurot ka sa pisngi ng mga chicks noong babay ka. LOL. Kapag napag-uusapan ang kabataan at katandaan, nakakatuwa dahil mapag-uusapan rin tiyak ang KAMATAYAN. Ang kagandahan ng kamatayan ay mababago ka and will turn into an energy to finally really belong to the universe. Then, you become indestructible. You can visit the sun (while singing Here Comes the Sun) and not be burned by it, tour the moon and the stars and marvel at the beauty of the planets, and once and for all – will find out where the alpha and the omega of the universe.
Sometimes, when I think of death (let me correct that - I always think about it), it can be FASCINATING. It is the ultimate TERRA INCOGNITA, the finality of everything. Whether one believes in the existence of the soul (energy), or the end of everything (nothingness), both won't be too bad after all: because one will be absolutely free from the physical existence – a situation where one will be subjected to pain, agony, sadness, longing, helplessness.
Finally, one will be free and be where he should have been in the first place.
Sa iyong pagbubulay-bulay, anong edad ba ang gusto mong abutin bago ka lumipat sa kabilang ibayo?
JM,
pag sarado otsenta na ako, mula roon ay puwede na. :) magaganda naman at makukulay ang mga dekada na pinagdaanan ko, kaya sa palagay ko sa panahong iyon ay okey na para ako ay magpahinga.
napakabata mo pa at napaka-talented para mag-isip ng kamatayan. minsan nga ay magbakasyon ka rito sa pilipinas at baka pag nagkahuntahan tayo ay dito muna sa pisikal na mundo umikot muli ang iyong kaisipan. :)
Post a Comment