http://s163.photobucket.com/albums/t309/kc013_photos/?action=view¤t=toast.jpg" target="_blank">http://i163.photobucket.com/albums/t309/kc013_photos/toast.jpg
" border="0" alt="Photobucket">
ANG 2013 ay Year of the Snake, at dahil
ako ay isinilang sa animal sign na ito sa Chinese Zodiac, malakas ang aking
kutob na susuwertihin akong lalo ngayong taon. Sinabi kong “lalo” dahil lagi
kong itinuturing ang aking sarili na masuwerte.
Sabagay, basta masipag ka naman at
walang masamang tinapay sa trabaho tapos ay sasamahan mo pa ng konting tipid,
susuwertihin ka talaga.
Anyway, looking back sa nakalipas na
taon, unang-una ay nagpapasalamat ako na hindi nagunaw ang mundo noong December
21, 2012. Sa pagpasok kasi ng 2012 ay ito agad ang sumalubong sa atin—na
magugunaw nga ang mundo sa petsang nabanggit. May mga tao talaga na sawa na
yata sa kanin at gusto nang mamatay, gusto pa tayong idamay!
At aminin natin na bagaman at hindi
tayo naniniwala, medyo kinabahan tayo lalo pa’t may mga binabanggit pa ang mga
so-called experts and doomsayers na Mayan civilization and calendar. Buti na
lang at ang Nasa Itaas na totoong nakaaalam kung kailan ang wakas ay
nananatiling nagmamahal sa sangkatauhan.
Kaya sana ay mas magpapatag ito ng
ating faith sa Kanya.
May mga goals ako last year na marahil
naman ay aking na-achieve. Unang-una na rito ang pagtutok sa health. Paglalakad
nang malayo ang aking naging form of exercise at dahil doon ay na-maintain ko
ang aking timbang at lumiit ang tiyan. Sabi ng misis ko ay medyo gumanda rin
daw ang aking balikat.
Naging matipid din ako sa pananalapi.
May hinuhulugan kasi akong maliit na lote at medyo malapit nang matapos. Baka ngayong
2013 ay makumpleto ko na ang bayad.
Wala rin akong masyadong nakaaway last
year dahil pinanindigan ko na maging cool sa kabila ng napakaraming epal sa
paligid. “World peace” ang aking mantra, kaya naman ‘yung mga nakaaway ko ay
binati ko na. Maging ‘yung isang tao na pinagplanuhan kong saksakin pag nagkrus
ang aming landas ay nakipag-areglo na ako. Mas masarap ang payapang buhay kaysa
napakaraming nakapatong sa balikat.
Mayroon din akong ilang nabiling “luho”
pero ayaw ko nang ikuwento at baka maging mayabang ang dating sa readers. Pero
iyon po ay mga necessity at kailangan sa trabaho at ng pamilya.
Kami namang mag-anak ay lalong naging
close. Last year ang taon na medyo madalas kaming mag-bonding sa mall at
mag-window shopping. Masaya na kami na busog ang mga mata sa gustong bilhin,
pero hindi namin naiuuwi. Minsan kasi, may mga bagay na masarap lang pangarapin
na nasa iyo kaysa talagang hawak mo na at wala na ang mystery.
Sa downside naman, ang 2012 ay taon sa
akin ng mga “pagkasira” ng gadgets. Unang bumigay ang aking smartphone. Nawalan
ng contact ang mga keypads at sabi ng technician ay naputol na ang mga linya ng
circuit. Hindi ko na ipinagawa at nag-settle muli ako sa basic phone.
Bumigay rin ang aking monster laptop.
Bago pa ito, more than two years old, kaya lang ay tapos na ang warranty nang
masira. Nang ipa-check ko, ayaw nang galawin ng technician dahil lalo lang daw
akong malalakihan sa gastos. Well, malaki-laki na rin naman ang kinita ng unit
na iyon, pero siyempre ay nakakapanghinayang. May gustong bumili for P5,000
dahil ibebenta raw niya ang mga spare parts pero hindi ko pa dini-dispose. Iniisip
kong baka minsan pag ini-on ko ay muling mabuhay. Fingers crossed.
Sumabog naman ang aking monster desktop!
Earlier last year ay nagpa-assemble ako ng malakas na PC. Nang masira ang
laptop ko ay ito naman ang lagi kong ginagamit. Minsang ini-on ko ay bigla na
lang sumabog, parang dalawang inihagis na rebentador! Nang ipasilip ko sa
computer store na binilhan ko, power supply raw ang bumigay. Under warranty pa
naman kaya wala akong naging problema sa gastos.
Gayunpaman, medyo nagka-phobia ako na
gamitin iyon kaya paminsan-minsan ko na lang binubuksan.
Tatlong nasirang gadgets, medyo
malaking lugi. Pero ganoon talaga ang buhay. Minsan ay may sudden flow of affluence,
may mga insidente naman that would cost you a fortune. Ang pasalamat ko lang,
tapos na ako sa ganoong dilemma.
Ngayong taon, gusto kong mag-focus sa
pagsusulat. Matagal na akong di nakapagsusulat nang mahaba kaya medyo
nangangati ako na muling tumipa sa keyboard nang matagalan.
Tuloy pa rin ang concern sa health.
Masarap namang maglakad-lakad at mag-exercise pag umaga.
Last year ay di ako masyadong
nakapagbasa ng books, sana kahit tatlo man lang na libro ay makabasa ako this
year.
Naroon pa rin ang plano ko na sana
matuto na akong magbisikleta. Kung may magbibigay, thank you! Kahit luma, okey
na okey iyon.
Hindi ko pa rin maituloy ang pagtatapos
sa kolehiyo. Sa ngayon ay nag-iisip ako ng mga paraan para finally ay
makatanggap na ako ng college diploma.
At sana, ngayong taon ay marami pa ring
dumating na projects, manatiling healthy kaming mag-anak at mas kokonting
stress ang dumating.
Happy New Year sa inyong lahat, at wish
ko rin ang magandang kapalaran para sa inyo.
3 comments:
Another year, another adventure, another step towards the end of our destiny, before we cross over to another dimension, perhaps, to where the sky and earth meet.
JM
KC...I'm happy for you sa blessings na natatamo mo at ng iyong pamilya. Para malubos at masementuhang lalo ang iyong true foundation, this time, may I suggest, cherise the love of God,the true God!...for serving Him 'right'.
Time and chance happen to all, bayaw. That's from the Good Book. Of course it goes without saying that we always have to do our part. Hindi naman puwedeng maghimas na lang tayo ng tiyan, LOL, at hintayin ang suwerte. There are things beyond our control, and there isn't anything we can do about it. That's God's concern, I guess. At any rate, it's good to be always positive...no matter what.
Post a Comment