Thursday, April 8, 2010

I’ve read the news today, oh boy!

Photobucket


ACTUALLY napanood ko sa TV. At hindi ako makapaniwala na ganito na pala ang news reporting sa atin ngayon.
You’re a news reporter, nakakuha ka ng ‘dokumento’ sa isang internet site, you printed out the document and considered it as an ‘evidence’. And then pinuntahan mo ang subject sa document at tinanong mo kung totoo ang nilalaman niyon.
Kung ikaw ang subject, kahit gaano pa kaganda ang sinasabi sa iyo ng isang dokumento na hindi mo alam kung saan nanggaling, aamin ka ba? Much more kung negative iyon.
Anyway, may binanggit na isang institution ang nasabing document from the internet. Hindi ba mas tama na unahing tanungin ang nasabing institution dahil diumano ay galing dito ang nasabing dokumento dahil sa letterhead? Hindi ba at mas makapagpapatunay ang nasabing institution sa pagiging authentic ng nasabing document kaysa ipababasa mo sa subject at tatanungin ito, pointblank, sa katotohanan ng mga nilalaman?
Kasinghina ang pangyayaring ito ng pagbabalita na gumagamit ng “reliable source” o kaya ay “source na ayaw magpakilala”. At ang mga internet sites ay hindi maituturing na reliable source of information, alam naman natin iyon. Ang ganitong paraan ng news reporting na gumagamit ng hindi authentic na mga impormasyon ay hindi ang tamang pagbabalita—kundi paggawa lang ng balita.
Sana ay hindi ganito ang itinuturo sa mga journalism class ngayon.

11 comments:

Robby Villabona said...

Naku, pagalitan mo nga yang si Ces Drilon (sa kanya ko nakita ito eh, hehehe).

kc cordero said...

Oo nga, e. he-he. Btw, magaling na ba kamay mo? nabasa ko 'yung post mo ke gerry, ayoko na tuloy maupo nang matagal ngayon.

Anonymous said...

Parang rumor mongering yun. Maraming hoax sa internet di ba? kaya marami ring journalists ang nadededo, dahil siguro sa ganito?



Auggie

PS. Rob: kumusta na ang kamay mo? mi relief ba?

TheCoolCanadian said...

Dapat every 20 minutes man lang ay tumayo at lumakad from the computer.

Sa kauupo nang matagal, sa halip na magkakaroon na ayo ng TOS, lalapad pa iyang puwitan ninyo. Kung gusto ninyong manatiling bilog ang iyong puwitan, huwag masyadong maupo sa salumpuwit (original tagalog term for chair). Kapag lumapad ang inyong puwit, wala nang kukuha sa inyo para mag-modelo ng Ralph Lauren o Calvin Klein underwear, kayo rin. Baka Bench na lang ang kumuha sa inyo, mas mura daw magbayad iyon. Imbes na Jaguar ang mabili ninyong kotse, Mercedez na lang. Bahala kayo. Nasa sa inyo na iyan. Kapag lumapad na nang husto'ng puwit ninyo, SARAO JEEPNEY na lang ang ma-a-afford ninyo, hala kayo diyan.
:)

Robby Villabona said...

Malaki na pinagbuti ng sintomas ko dahil sa physical therapy. Dati nagigising ako sa gitna ng gabi sa sakit, ngayon wala na akong nararamdaman. Maliban lang kung makalimutan ko uling bigyan ng pahinga ang katawan ko paminsan-minsan.

Pero marami pa akong kailangang gawin para maiwasan ang pagbalik nito. Bagong lifestyle.

ns said...

sabi ni maria ressa ng abs-cbn gusto lang daw nilang malaman ng manonood ang totoo. ano ang totoo peke nga dokumneto? para di mapahiya pinag-pipilitan 2 taga nationalista ang nagbiagy sa kanila ng dokumento pero hindi raw pwede pangalanan dahil pinangangalagaan nila aknialng source.
aminin na nila kuryenteng balita. pwe!

Robby Villabona said...

Ang ABS-CBN consistent na lang talagang nagiging subject ng balita, imbes na tagapamalita.

Naaalala ko yung mga reporter nilang na round-up (kasama ng lahat) nung nagsubok si Trillianes mag rebolusyon sa Manila Peninsula. Ang GMA 7 at ibang TV station walang reporter na hindi sumunod sa payong lumabas ng hotel. Tapos feeling mga biktima yung mga ABS-CBN reporter nung sinama sila sa round-up. Suppression of press freedom daw. Hello?

Tapos itong si Ces Drilon, against company orders, humabol ng exclusive interview sa Abu Sayaff. Ayan, nakidnap tuloy. But wait, after her ransom was paid by the company, may trabaho pa rin siya! Sarap maging empleyado sa ABS.

Tapos ito naman!

And every time, si Maria Ressa ang taga explain (confuse) sa madla na ang unprofessional conduct is not a concern when you're defending "press freedom".

kc cordero said...

Para patas naman, heto ang kanilang explanation:
http://tl.gd/qlb8d

Robby Villabona said...

http://www.abs-cbnnews.com/insights/04/11/10/black-ops-and-nature-2010-campaigns-maria-ressa

Iyan naman kay Maria Ressa. Really sad reasoning. If you read between the lines, it shows they know they made a bad decision, because of pressure that they might get scooped by their rivals.

Confidential daw ang sources nila, pero sinasabi nila kung taga-saan. Trying to have it both ways to save her ass and deflect the blame.

I have to say (again). ABS-CBN news spends an unusual amount of time having to justify its actions time and time again. It's a sign that it's not professionally run, and it's most likely due to Maria Ressa. She gives me the impression she is unable to control her staff. That, plus the prima donna culture of many of its news reporters that's been built up over the decades beginning with the conception of "TV PATROL".

kc cordero said...

kanina sa balita ay inilabas ang hinaing nina willie at kris sa diumano'y hindi pagiging patas ng dos sa kani-kanilang mga manok.
matapos ang news clip, ang closing remark ng reporter dahil parehong binigyan ng pansin sina willie at kris sa kanilang campaign complaints, ito na raw ang totoong paraan ng pagbabalita.
siguro para sa kanila...

stampychan said...

Anu po ba yang mga reporter sa Dos, kung umasta pa na ring mga artista...
Nalalagay rin sa mismo sa mga balita. At meron pa silang tagline na "Panig sa Katotohanan, Panig sa Bayan," pero hindi naman sumasaklaw sa tunay nilang layunin. Tapos pag nalalagay sa alanganin, idadamay pa nila ang taumbayan kesyo "ginagawa nila ito para ipakita ang totoo sa taumbayan,""pinaglilingkuran nila ang taumbayan," etc.

Haay...sana nga po hindi ito ituro sa mga Journalism schools, dahil nung nasa school paper pa ako, galit teacher ko sa mga ganyan!
May posibilidad pa po bang magkaroon ng malawakang seminar sa lahat ng mga news reporter nila?