Saturday, April 24, 2010
watching the peeps
ISANG libangan ko pag Komikon ay manood ng tao at pag medyo sinipag ay kumuha ng litrato. Iba't ibang klase ng tao ang dumadalo sa event na ito; may mga pamilyar na, may mga bago.
Nakakatuwa ring maobserbahan kung minsan ang pagbabago sa mga dumadalo sa Komikon na obvious sa kanilang pisikal na anyo. Sa mga comics creators, makikita naman iyon sa kanilang ginagawang komiks at personalidad.
Ang picture sa itaas ay kuha ko sa isang comics creator sa indie section noong 2007. Ang alam ko ay regular siyang sumasali sa event. Muli ko siyang nakita noong April 17, heto na siya ngayon. Sayang, wala akong kopya ng mga komiks niya. Nalaman ko sana kung ang thought balloon ay may kinalaman sa kuwento niya, o ito talaga ang nasa isip niya while selling her comics.
I would like to believe it was just a mere marketing ploy then. But isn't it interesting?
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
Parehas po tayo ng iniisip noong nakita ko sya. Ilang upuan lang po kasi ang layo ko sa kanya during the event.
Gusto ko sanang batiin sya regarding sa thought balloons nya noong nag punta sya sa harapan ko at nag tingin ng comics, kaso nahiya ako eh.
Gio,
inosente pa rin naman ang aura niya, kaya nga sabi ko marketing ploy lang 'yun, he-he.
kayo talaga mga lalaki kayo... hehe, madaling makuha ang tingin ng mga marketing ploy! dapat pala binentahan namin to ng komikero 5
nakakaintriga nga 'yang komikero 5, next time buy na ako. :)
Post a Comment