Sunday, April 18, 2010
sa susunod ulit, ha?
(Sa dami ng bisita, ilang cartolina ang ginamit para maging guest book. Hindi pa lahat pumirma diyan, ha?)
NEXT week is deadline week for The Buzz Magasin, at bago matabunan ang nakaraang Komikon, kailangang may blog report. Masaya, and just the same, marami muling natutunan.
Ang pinakaimportanteng bahagi rito ay nagkikita-kita ang mga nagsusulong ng Pinoy indie comics, mga suki (na patuloy na nadaragdagan), at mga dating magkakakilala at magkakaibigan.
Wala akong pressure sa event na ito ngayon dahil sumali ako na handang malugi. Malaki ang bilib ko sa story na aking ginawa, pero dahil nag-experiment ako, it might boomerang kaya inilagay ko na sa isip ko just in case na hindi mabenta, okey lang. Charge to experience… at sa ATM card, he-he.
Partly correct ako sa aking intuition. Hindi na-sold out ang ‘Wala Pa No’ng Internet’ at may natira pang 15 copies (na bibilhin naman daw ng aking mga kaopisina at contributors ng The Buzz kaya technically ay mauubos din). Naparami kasi ang kopya na ipina-print ko, pero sa dami na rin naman ng nabenta sa Komikon, break even na sa lahat ng gastos.
Ang revelation sa akin ay ang unang edition ng Comicspotting na majority ng story ay guhit ni Novo Malgapo. Wala na sana akong planong magpa-print nito pero last minute ay nagdesisyon akong magpahabol ng kopya. Maagang naubos, at tingin ko, kaya lang nabibili ‘yung ‘Internet’ ay dahil dito. Nang ‘Internet’ na lang ang ibinebenta ko, medyo matumal na. At ito ang mga factors:
1. Prosa kasi ang ‘Internet’ at mas gusto pa rin ng mga bumibili sa Komikon na fully-illustrated ang bilhin
2. Medyo turn off sa mga kababaihan ang cover na tinutuli, at nauunawaan ko iyon
At any rate, masasabi kong dahil sa ganda ng benta ng unang volume at halos naubos din naman ang ikalawa, wala na akong mahihiling pa.
Marami pa ring tao kahit bakasyon ang mga estudyante at sobrang init ng panahon. There were diehard comics fanatics na galing pa sa probinsya at halos lahat ng kopya ay binibili.
Highlight ng event ang autograph signing ng Renaissance book na kasama sa mga artist ang Kapamilyang si Ner Pedrina, at ang talagang kapamilya ko na si Ben Nacion. Bennac (nickname niya) is my wife’s first cousin. Nagpaliwanag din ang buong grupo ng Bayan Knights kung paano sila nabuo, and to what direction this amazing group is heading.
As usual, ang main attraction ng event ay si Gerry Alanguilan na talagang napakaraming fans. Nakakainggit ang mamang ito; ang husay na, ang guwapo pa.
Nagbasa muna ako ng mga blogs ngayon at dinalaw pala si Gio Paredes ni Sweet Lapuz. Sikat na rin si Gio. Ops, mas tamang sabihin na lalong sumisikat si Gio dahil dati na nga pala siyang sikat.
Malakas din ang benta ni Macoy ‘The Mascot’ ng kanyang mga comics, at may mga bago pala siyang inilabas ngayon.
Nag-launch si Hazel Manzano ng ‘Proud Callboy’ kasunod ng napakamabentang ‘Callwork.’
Successful din ang dalawa kong katabi sa mesa. Ayon kay Ner ay maganda ang kita niya ngayon mula nang magkaroon siya ng sariling printer. Pag colored kasi ay puwedeng mas mataas ang cover price. Sold out naman ang ‘Love Story’ ni Omeng Estanislao, bukod pa sa kanyang mga merchandise na marami ang humanga dahil ang liliit na nga, at kinamay lang. Marami na ring fans si Omeng kaya laging inspired basta may Komikon.
Nakamayan ko na rin Carlo Vergara na bumili ng aking komiks. Naroon din si Dennis Villegas na hindi nagpapalagpas ng Komikon.
Nasorpresa ako na naroon pala ang aking Pareng Fermin Salvador. Meron silang ginagawang project ni Randy Valiente. Nagulat si Fermin sa dami ng tao, lalo na ‘kako kung hindi bakasyon.
Marami ring mga dating taga-GASI gaya nina Arman Francisco, Ron Mendoza, Ronald Tabuzo at mga artists na hindi ko masyadong matandaan ang mga pangalan. Sa obserbasyon ko, mas active ang mga taga-GASI sa pagsilip sa Komikon kaysa sa mga taga-Atlas dati. Maliban kay Jason na sabi sa akin ay assistant editor ngayon sa Atlas, wala na akong nakitang dating kasamahan. Busy siguro sa mga raket sa kampanya.
Malapit lang kami sa table ng mga beteranong artists gaya nina Rico Rival, Abe Ocampo, Jun Lofamia at Karl Comendador. Marami pa ring fans ang mga veterans—na sa palagay ko ay walang tatalo pagdating sa dami ng nagpapagawa ng portrait. Ang daming naghintay kay Mang Nestor Malgapo, pero sabi ni Novo sa akin sa text, pag Sabado talaga ay sagad-sagad ang schedule ng kanyang tatay. May portfolio naman si Mang Jess Jodloman na inayos ng kanyang anak na si Grace. Ang tindi ng artworks ni Mang Jess—walang adjective na pwedeng gamitin para ma-describe ang kanyang drawings.
Marami ring tao sa indie section, at malulupit ang komiks ng mga kabataang naroroon. Ginagastusan na rin nila ang printing ngayon.
May magkabarkada, isang babae at isang lalaki, na lumapit sa table ko. Hinawakan ng lalaki ang komiks at tinanong ang babae: “Ano’ng ginagawa sa kanya?” Sagot ng babae, “Tinutuli, ano ka ba? Hindi mo ba alam ‘yon?” Ibinaba ng lalaki ang komiks at umalis na. I have a strong suspicion na…
Na wala siyang pambili, he-he.
Maraming nakahilerang Komikon this year, at sa nakita ko noong April 17, magandang senyales na magiging banner year ito para sa mga indie comics creators.
My advice, huwag silang maapektuhan ng mga comics review. Gawa lang nang gawa ng comics. Pag may nagre-review kahit negative, ibig sabihin ay may nagbabasa at bumibili. At ang mga kritiko naman ay talagang laging ang negative ang sasabihin kasi nga critic sila. Ang kritisismo ay 97 percent OKRAY, 3 percent OKAY. At sa aking palagay, mas may challenge gumawa ng komiks kapag ang komiks mo ay inookray.
Okay?
At sa mga readers at suki na patuloy na dumarami, salamat sa suporta at kitakits uli sa susunod, ha? I’ll ask PIOLO PASCUAL to sit in my booth para lang matalo ko sa haba ng pila ang nagpapa-autograph kay Gerry Alanguilan!
(SUPER SUKI: Galing pa sa Sta. Rosa, Laguna si Paulo at namakyaw na naman ng komiks. Basta may Komikon, ang daming budget nito.)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
13 comments:
congrats ser kc! daming nagboblog ng magandang sales. nakakataba ng puso.
huy, hindi ako na turn off sa tinutuli na larawan ha.. lolz! astig nga e!
Onga, sir KC. Malamang, wala lang syang pambili. Hahaha!
Dikong KC:
I think dahil prosa, kaya hindi inunang bilhin ng mga buyers. Nagpuntahan siguro sila doon para sa illustrated book. Balita ko nga raw na sa Pilipinas ngayon ay napakaraming kabataan na ayaw magbasa ng prose. Kabaligtaran sa first world. Halos lahat ng mga tao rito ay nagbabasa ng prose, at konti lang ang mga nagbabasa ng komiks, yun lang mga die-hard comic fans.
Medyo na-surprise nga ako kung bakit hindi full illustrated ang ginawa mo sa taong ito. Siguro, kung komikon, huwag prose. Sana, dahil sa lakas ng benta, nabili mo sana ang buong Mall of Asia.
:)
Markus,
o kaya sa doktor siya tinuli kaya di alam pag sa albularyo. o baka hindi pa siya... he-he.
JM,
kinapos ako sa oras, actully i should have entered my other story na 'as tears go by' na illustrated pero hindi umabot ang drawings. 'yung 'internet' naman tiningnan ko lang ang response ng readers, baka pag sa bookstores mas mabebenta ito. lessons learned. :)
JM,
Totoo ang obserbasyon mo.Mas visuals-oriented na nga ang mga juvenes ngayon.Very short attention span, at walang tiyaga sa prose. It's because of the media-environment.
BTW, bumalik na pala ang CLASSICS ILLUSTRATED. Check out: www.papercutz.com
Yung WIND IN THE WILLOWS, galing ng drowing, French artist. Available na dito sa BOOKSALE Outlets
Auggie
Sir KC, congrats ha...alam kong tyak maganda yang prosa mo pero mas binili ko yung illustrated....tamad ako sir magbasa ng prosa eh...sensya na... magaganda yung laman nung nabili kong komiks mo...mula sa sagrado hanggang dulo..wala ka pa ring kupas...pero hindi ko pa nababasa yung yoyo..tamad talaga ako magbasa ng prosa hehehe...pero babasahin ko rin, tityempo lang hehehe..
salamat pala sa sandwich na lunch natin sa komikon hehehe...pantawid gutom...at sa 2 english comics na ibinigay mo sa kin...sana meron uli sa susunod ...joke..hehehe
sana sa susunod na komikon..mas madami baon kong salapi..para madagdagan naman ang mabibili kong komiks..kaingget yung maraming bitbit na komiks paglabas ng komikon...
congrats sa lahat ng nagbenta at bumili ng komiks...kitakits sa susunod na event..
dino,
salamat din. :)
Hi KC,
tagal ko na ring di nag comment though i always visit your blog dahil gustong gusto ko an mga kwento mo. Parang lyrics ng country music. simple pero maganda, at nakaka- relate ako being someone from the province too.
I'll be coming home for vacation this 1st or 2nd week of June and i'll be dropping by Manila for around two days. Hope to meet you, though alam kong napaka- busy mong tao.
Sana makabili rin ako ng komiks at prosa mo by that time.
Rey,
sure, p're. di na ako busy ngayon, graduate na ang anak ko kaya puwede nang medyo magbulakbol, he-he.
mukhang ikaw ang busy, di ka na halos nag-a-update ng blog mo.
kitakits. :)
Hahaha, walang pambili daw ung lalaki. XD
Hay anlaki ng panghihinayang ko na hindi ko napuntahan ang isa sa mga konting natitirang matitinong convention dito sa bansa...magbebenta pa po ba kayo ulet sa susunod na Con??? Sisiguruhin kong makabibili na ako!
stampy,
sure na sure na magbebenta uli. :)
Post a Comment