NAGKITA kami kamakailan ni Kabayang Alex Areta sa Cubao dahil may niluluto kaming maliit na project. Nasa National Bookstore ako nang mag-text siya na napasilip siya sa Bamboo House, at nakita raw niya roon si Steve Gan.
Ang Bamboo House ay paboritong watering hole noon ng mga old-timer sa Atlas at Gasi. Dito rin natututong uminom ng beer ang mga baguhan sa komiks; editor, writer, illustrator, lettering artist, coloring artist, etc.
Sabi ko kay Kabayan ay puntahan namin para makapaghuntahan naman. Matagal na rin akong walang nakikitang mga dating kasamahan sa komiks.
Bukod kay Mang Steve ay nasa Bamboo House din pala sina Mang Nestor Malgapo at Noly Zamora. Sabi ni Mang Nestor ay may mga darating pa. Nagkataon daw kasi na medyo maluwag ang mga schedule kaya nagpasyang magkita-kita roon.
Okey naman na tambayan ang Bamboo House. Alas tres ng hapon kami napadako roon at walang masyadong tao. Hindi maingay kaya okey ang kuwentuhan. May libreng mineral water. Nasa tapat lang ito ng Farmer’s Plaza, bandang kaliwa. Hanggang ngayon pala ay dito pa rin nagpapalipas ng oras kung minsan ang mga dating nagkokomiks.
Dumating din si Mang Abe Ocampo, Ka Art De Guzman, Nar Castro, Al Cabral, Ding Abubot at ang artist na si Vovoi Tan na sa Gasi concentrated ang trabaho noon.
Inabot kami ng lampas alas siyete ng gabi na busog ang tiyan at mga mata. Kung bakit busog ang mga mata, punta kayo minsan sa Bamboo House.
NAR CASTRO at AL CABRAL
Kaliwa mula sa itaas: AL CABRAL, AKO, MANG NESTOR MALGAPO
Kanan mula sa itaas: DING ABUBOT, VOVOI TAN, ALEX ARETA, STEVE GAN, NOLY ZAMORA
2 comments:
Puwedeng sumama minsan?
Huwag na, tita ops, mai-insecure sa legs mo ang mga female crew doon. :)
Post a Comment