Tuesday, January 4, 2011

FOODCOURT Komiks ni Andoyman

Photobucket

Ang FOODCOURT Komiks ay likha ni Andoyman. Photocopied at nabili ko sa halagang P35, and you guessed it right, wala uling senior citizen’s discount. Wala ring page numbers kaya binilang ko pa, 28 pages.
Hindi takot magdrowing ng maraming tao si Andoy kaya malaki ang potential. Pag ang artist ay mahilig sa crowd scenes, nakakabilib. Hindi pa ganoon ka-define ang mga characters, art-wise ay marami pang kulang pero ang laki-laki ng potential.
Kyut ang kuwento na pang-teeny bopper. First crush. Madaling makakakuha ng atensyon ng readers. Gist ng kuwento, laging inaabangan ng guy ‘yung girl na crush niya sa food court, at magsisimula siyang mag-daydream. Nakakakilig ang mga eksena. The story will remind you kung paano mo naramdaman ang kahulugan ng salitang pag-ibig sa unang pagkakataon. Kung paano magkulay-rosas ang paligid pag nakikita ang lihim na itinatangi, parang naglalakad sa gitna ng lemon-scented rain. Shade of Geneva Cruz’ hit single “Kailan”.
Panalo ang kuwento ni Andoy. Kung nagsulat siya noong ‘80s or ‘90s, tiyak na mapa-publish sa Love Life o sa ibang love story-oriented comics natin ang Food Court. Kung sa akin niya isa-submit noon, approved ito sa Extra Special, and could have been illustrated either by Cal Sobrepena or Nar Cantillo.
May mga dapat ingatan lang si Andoy. Marami sa kanyang mga captions ang kumakain ng illustrations dahil masyadong mahahaba. Siguro ay konting tutok pa sa layout para hindi tamaan ang mga dibuho. Kung mahaba ang captions, puwedeng gawing CAPTION 1 and CAPTION 2, and so on.
Lower frame in page 20 (counting the cover as page 1) is an eyesore and a clear layout violation. Baka punitin ni Mars Ravelo kung nabubuhay pa ang comics legend.
Page 22 (again counting the cover as page 1) could have been better kung ang mahaba niyang caption ay ginawa niyang multiple captions since half of the page is white/blank. Wala naman akong nakitang significance kung bakit white/blank iyon aside from hindi siya naggawa ng collage or flashback ng kanyang narrative.
Medyo off din ‘yung naglagay na siya ng WAKAS na hindi pa naman tapos ang kuwento dahil may kasunod pa. Baka magalit ang ordinaryong reader. Opinion lang naman, siguro mas angkop na gumamit ng teaser na magbibigay ng impact sa kanyang concluding page, na puwede pa rin niyang hindi lagyan ng wakas kundi teaser uli para may aabangan pa ang readers since marami pang puwedeng mangyari sa kanyang mga bida.
Bata pa si Andoy at sa palagay ko ay tama ang genre na kanyang pinili dahil alam na alam pa niya ang feelings ng kanyang mga karakter. Siguro ay hango ito sa kanyang karanasan na sinahugan lang ng creativity. Simple, honest, cute at kahit sino ay makaka-relate; straight, bakla, tomboy, bata, matanda or “in a relationship”. Commendable ang paggamit niya ng punctuation marks, at kung may editing man sa teksto ay napaka-minimal.
Ang challenge ngayon kay Andoy ay hindi siya dapat ma-head over heels sa kanyang FOODCOURT. Anu-ano ang mga susunod pa niyang kuwento? Masisiyahan ba akong muli? Kailangan niyang ma-maintain ang kanyang momentum at sana ay huwag siyang maging one hit wonder.
Sinabi ko sa umpisa pa lang na malaki ang potential ng kanyang artworks kaya sana ay gastusan niya ang pagde-develop ng kanyang skills. Mag-attend ng workshops, bumili ng reference materials, huwag tumigil sa pag-eensayo. Gayundin sa pagsusulat; magbasa pa nang magbasa at mag-attend ng writing workshops para lalong mahasa ang talento. Kung hindi pa siya graduate ay tapusin niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Mapagsasabay naman ang paggawa ng komiks at pag-aaral.
At dahil diyan, may nag-text! Andoy, since bata ka pa at gusto kitang ma-motivate, may libre kang 0.7 Rotring mechanical pencil mula sa akin, and 3 pieces of Uni drawing pen.

7 comments:

Norby Ela said...

maganda talaga ang story nito.

rontan said...

nice review sir kc! tiyak na matutuwa si andoy nito! lalo na sa iyong napaka-talinong rebyu na talagang pinag-isipan at pinag-laanan ng oras! malaking tulong din ang iyong gift pack! hehehe.

i-link ko ito sa FB, para naman matuto rin ang ibang tao na nais gumawa ng review, pero puro panlalait lang alam gawin.

nawiwili akong magbasa ng mga rebyu ninyo kuya kc, at talaga namang marami rin akong napupulot na lessons kahit na hindi ko gawa ang ni-re-review. mabuhay ka sir kc! the komiks industry needs more heroes like you! :D

Hazel Manzano said...

naks! Napakabait talaga ni sir KC! Good job kay andoyman :)

TheCoolCanadian said...

Dikong KC:

Teka muna... ako'y lubhang naguguluhan sa iyong isiniwalat na hindi ka na naman nabogyan ng Senior Citizen Discount. Akala ko ba, yang Senior Citizen Discount na iyan eh, para lamang doon sa mga 65 years old and above. Subali't nguni't datapuwa't... bakit kayo humihingi ng Senior's Discount? Labis na nalalambungan ng makulimlim na ulap ang aking kaisipan. Sa aking pagmumuni-muni'y hindi ko maarok ang kadahilanan kung bakit kinakailangan kang gawaran ng Senior's Discount sa mga India Komiks na ito?

Ang tanging masasabi ko'y kaaya-aya ang iyong pagtalakay sa komiks na ito. Malaking tulong sa mga kabataang nagkokomiks na maigabay sila ng iyong mga pagpapaliwanag.

Ipagpatuli mo iyan, eheste, ipagpatuloy pala. pasensiya na kung nagmistulang KAPAMPANGAN ang pronunciation ko ng katagang IPAGPATULOY. Iba na nga naman pala ang kahulugan ng IPAGPATULI.

Nawa'y ipagpatu... muntik ko na namang makalimutan ang tamang pronunciation nitong kataga. Ipagpatuloy... ito nga pala ang tamang pagbigkas... mo ang iyong pagbalangkas sa mga indie komiks at tunay na nagpapayaman sa aking kaisipan.

Hanggang sa muli.

andoyman said...

waaaaa!!! maraming salamat po sir kc sa review!!! grabe, angandang pambungad 'to ng taon sa akin! maraming salamat din po sa mga puna, hinihintay ko po talaga ang mga ganyan kasi gusto ko mag-improve. maraming salamatsssss po talaga!!! :D Godbless po

kc cordero said...

JM,
ginagawa ko lang joke ang senior citizen's discount dahil nga balang araw tayo nina kabayang alex areta ay maiisyuhan na ng ganitong privilege, mga dalawang dekada pa siguro, ha-ha!
ipagpa... medyo tapos na ako sa rite of passage na ito, he-he. pero ipagpapatuloy ko talaga ang pagbasa ng mga indie komiks habang kokonti pa ang deadlines. happy new year, JM.

Anonymous said...

ang masi-say ko... he he! talagang hinihintay ko 'yan, para naman makinabang din ako sa SSS pension at nang di naibubulsa lang ng ilan. he he he!
mabuhay ang mga magkokomiks!

alex areta