Saturday, January 1, 2011
cheers!
WOW!
Ang hirap magpaalam sa 2010, isang taon na sobrang charmed ang buhay ko. Pero ang 2011 ay nangangako rin ng isang makulay at matagumpay na taon para sa akin. I saw the signs.
Looking back, ang pinakamalaking achievement ko last year ay nang magtapos ng college ang aking anak, 17 years old, and with honors, na halos kasabay pa ng selebrasyon ng Father’s Day.
Makinang din ang career. Nag-four colors na ang ‘Wow ‘Pinas!’ at bago matapos ang 2010 ay naaprubahan ang Saudi edition na magki-kickoff this year.
Nagkaroon ako ng dalawang projects sa ABS-CBN Foundation at Asian Development Bank tungkol sa Ilog Pasig.
This year ay lalabas na rin ang “Eksena Magasin”, a new project from the publisher of the glossy Asian Dragon. Kasama ko rito ang mga “tiyahin” ko na sina Tita Opi at Tita Josie at ilan sa mga dati kong kasamahan sa The Manila Times (though baka bi-monthly lang ang labas nito). Matutunghayan din dito ang “Sanduguan” novel ni Ner Pedrina (na nagustuhan ng publisher).
Eleven years na pala ako sa The Batangas Post, ang pinakamatandang newspaper sa Calabarzon area. Bago natapos ang taon ay nakatanggap pa kami ng sulat mula sa Department of Trade and Industry dahil nag-react sa ginawa kong editorial tungkol sa pagtaas ng mga bilihin. Mapapansin ninyo, kahit community paper lang, tinututukan ng mga ahensya ng pamahalaan. Dito ko rin madalas i-promote ang Komikon at mga indie creators in a positive way. Kaya kayong mga gumagawa ng komiks, chances are ay kilala kayo sa Calabarzon. Too bad na hindi ako nakapagtatabi ng copies.
Magbubukas din ang isang online publication na magpi-feature ng mga Tagalog romance pocketbooks. Isa ako sa mga naimbitahan para kunin ang rights na mailagay rito ang mga nasulat kong pocketbooks. I’ll let you know kapag open na ang site.
I still have a live contract with The Buzz Magasin. TBM is my baby. Kahit kung minsan ay medyo nakararanas ako ng problema sa magasin na ito ay ito ang pinakamahal ko. Basta panahon ng deadline, tutok talaga.
My failures last year, hindi ako masyadong naging aktibo sa Komikon kaya babawi ako ngayong 2011. Maraming bagets na artists na gusto yata akong maka-tandem. Game. Sana kaya ko ang budget n’yo. Gusto ko ring mag-Manga. Right now, I’m having a certain Kathleen Estampador (female artist) as a “project”, may ipinapaayos pa ako sa art style niya. Ibinigay kong peg sa kanya ang Monster Allergy para kahit Manga, mapapalabas na Pinoy pa rin ang characters. Na-impress ako sa characters and layout niya kaya naisip kong bigyan ng break.
Hindi rin ako nakapag-enroll para matapos ang course. Wala rin akong nadaluhang workshops maliban sa in-house ng WP at TBM.
Seventy percent naman ang sa palagay ko ay na-achieve ko sa health. Regular akong nakapag-e-exercise, walking at maingat sa pagkain. Na-maintain ko ang waistline na 29” (by Levi’s standard), at weight na 130 lbs. na normal para sa aking edad at height. Nagpa-check up din ako ng mata dahil lahi kami ng may katarata. Medyo malabo na kasi ang mga mata ko. Okey naman, walang problema ayon sa ophthalmologist pero hindi na nga lang 20/20 ang vision.
Nagkasundo na rin kami ng mga kapatid ko na matagal na panahong hindi ko kinausap. May mga pamangkin akong binigo ako sa pagpapaaral sa kanila na pinatawad ko na rin. Maging ang mga taong nagkasala sa akin ay pinatawad ko na, at ang mga nagawan ko naman ng kasalanan ay hiningan. Ganito pa rin ang mantra ko this year. Walang pinakamainam kundi ang buhay na puno ng kapayapaan, at magagalit lang ako paminsan-minsan para mabalanse naman.
Plans for this year, gusto ko pa ring mahasa ang English ko. Okey naman, hindi nga lang ako confident. Siguro ay isang mahaba-haba pang session sa AIEP at lalakas na ang loob ko.
Ipinaaasikaso ko na rin sa isa kong pinsan ang aking transcript of records sa pinanggalingan kong kolehiyo sa Batangas. Ayoko nang lumampas ang panibagong pagkakataon na makapag-enroll ngayong 2011.
Mas seryosong health habits, at sabi nga ni JM (The Cool Canadian), dahil malakas ako sa tinapay, iwasan ang white bread. Gusto ko na ring matutong mag-bike this summer. And yes, mag-enroll sa karate school ni Gretchen Malalad. Nagka-green belt ako noong 1988 pero hindi ko na naipagpatuloy. At 40s, naisip kong ito siguro ang magandang body conditioning. I’ve contacted Gretchen via online, at nag-inquire kung puwede pa ako. Actually, may mga estudyante raw siyang 60 years old. Mang Nestor, Mang Abe, Mang Rico, pwede pa!
Well, happy New Year po sa inyong lahat. Salamat sa patuloy na pagsubaybay. Isa pa rin sa plano ko ang makapag-review ng maraming indie komiks, at makapagsulat sa blog na ito at least 5 times a month. Ang wish ko naman ay simple lang: Ang maging masaya kaming mag-anak.
Sumaating lahat ang magandang buhay ngayong 2011!
(Larawan mula sa www.transparent.com)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
11 comments:
Happy new year! Yup excited ako sa mga projects mo this year
KC,
Hapi Nyu Yir sa iyo at sa mga Cordero brood!
Auggie
thanks, hazel.
auggie, email mo ako pag matutuloy ka sa manila this jan.
happy new year sir KC!!! oo tama ka, at gusto ka naming maka-tandem! miss ka na namin! ikaw kasi ang tatay ng AKDA. hehehe. hinahanap-hanap namin ang inyong guidance! madaming plano for comics this 2011! maganda ang mantra/mensahe ninyo about peace, hehe. i agree! GOD bless po to you and your family, sir! kitakits po! :D
ron,
sige... i-career natin ang akda this year. :)
Galing naman...
hirap disiplinahin ang sarili pagdating sa eating habit at sa exercise...sana magawa ko din hehehe...
Happy new year sir... hope to talk to you again soon...
dino
maraming salamat for the Eksena Magasin!!!!
iba ka talaga!!!
more power!!!
Happy New Year Ka KC!
Nakakakita ko ng mga tarpaulin ni Gretchen Malalad dito sa Pasig. Pag natuloy ka silip ako, kaya lang baka masipa ako ni Gretchen hehe.
ka erwin,
happy valentine!
malayo naman ako sa pasig, kaya hahanap ako ng club niya na malapit sa area ko, he-he.
oo, malupit sumipa si gretchen, alam 'yun ni paul alvarez. :)
Natutuwa ako sa magandang takbo ng iyong career, bayaw. Kumpara sa akin, napakalayo na ng narating ng iyong panulat. At sa tingin ko ay malayung-malayo pa ang mararating. Sana ay mabigyan mo ako ng tsansa na makapagsulat sa iyong babasahin sa darating na panahon.
Isang masayang 2011 ang asam ko sa iyo at sa sambayanang Pilipino.
Waaah Sir Baket nyo pa nilantad pangalan ko?>,<
Pasensya na po ng malaki na ako nakakapagbigay ng updates, dahil po sa isang bagay na pagkatapos ata ng ating pagkikita noong Christmas party ng Onward Publishing na nagpabago ng malaki sa buhay ko bilang *ehem* single. Ang napakagaling kong bayaw na hilaw, sumuko na't iniwan na sa akin (at sa kapatid ko na rin) ang pag-aalaga sa napaka-cute kong pamangkin. Kaya, kahit ayoko mang gawin,ngunit kinakailangan para na rin sa aming pamilya kong magsakripisyo at ilaan ang oras ko bilang *ehem* Single at maging, haay...isang ina *insert horror theme here*. Mahirap nang magtanim ng sama ng loob, pero bagong taon ngayon Sir, ayokong unang lalapit sa akin ngayong taong ito ay negative vibes.>,<
Pero kahit papaano'y pinipilit ko talagang mag-sanay ng pagguhit, kahit na buong araw ko'y nailalaan na sa pagpupunas ng puwit at pagtitimpla ng gatas, at ang pagpupuyat ko noon sa pagdodrowing ay paghehele na ng batang umiiyak, iisipin ko na lang na isang magandang oportunidad ito sa akin na makasubok ng ibang larangan sa buhay.XD
Pero sana hindi rin po ito magtagal, dahil nami-miss na ng mga kamay kong humawak ng lapis at magguhit sa ilalim ng punong mangga katabi ang iba ko pang mga anak, isang Jack russell, isang labrador retriever at tatlong pasaway na mga aspin, at siyempre, nami-miss ko ulet maging single.XD
Happy New Year ulet sa inyo at sa Onward Publishing!^___^
Post a Comment