http://s163.photobucket.com/albums/t309/kc013_photos/?action=view¤t=vietnam.jpg" target="_blank">http://i163.photobucket.com/albums/t309/kc013_photos/vietnam.jpg
" border="0" alt="Photobucket">
DUMARATING din ako sa punto na nais kong magtrabaho
sa abroad. Gusto ko naman ng ibang challenge. Makakita ng ibang kultura. At
siyempre, gusto ko ring subukan kung talagang mabilis ang pag-asenso kapag sa
ibang bansa nagtatrabaho.
Madalas mangyari sa akin ito kapag may mga
disappointments ako sa mga kliyente ko rito sa Pilipinas. Ang ibang publication
kung saan konektado ako ay kadalasang may hatid sa akin na sakit ng ulo.
Middle of this year ay nag-browse ako sa internet
ng mga trabahong puwedeng pasukan. Mas gusto ko ang Asean countries para madali
kong mai-adapt ang sarili ko lalo na sa klima at pagkain. Ang prayoridad ko
talagang puntahan ay Vietnam dahil sinasabing papaunlad ang bansang ito.
Nagpunta ako sa kanilang website at naghanap ng job opportunities.
May nakita naman ako na medyo eksakto sa mga
qualifications ko—ang magturo ng Filipino language sa mga Filipino community
roon. May mga kababayan kasi tayong doon na nagkaanak, o nagkaasawa ng
tagaroon. Gusto nilang mahasa pa rin ang mga magiging anak nila sa ating wika—at
suportado iyon ng Vietnamese government.
Nag-e-mail ako sa contact person ng nasabing job
vacancy. Sinabi ko ang layunin ko na makapagtrabaho roon, at maging ang aking
kapasidad para sa posisyon na hinahanap nila. Sumagot naman, at medyo nagulat
ako sa mga alituntunin bago nila ako i-hire.
Ayon sa nag-reply sa akin, once na ma-hire nila ako
ay maninirahan muna ako sa isang village. Libre lahat mula tirahan, pagkain,
damit at iba pang pangangailangan. Isang taon ako sa village na iyon para
maka-adapt sa kultura ng Vietnam. Pag-aaralan ko ang kanilang wika—at
kailangang matuto ako. Sa loob din ng isang taon ay hindi muna ako
makakapagbakasyon. Inaasahan din nila na sa loob ng isang taon, marami na akong
alam tungkol sa Vietnam, sa wika nila at kultura. Pagkatapos ng pagsasanay na
iyon at makapasa ako sa kanilang evaluation—tanggap na ako sa puwesto.
Medyo nag-alanganin ako. Unang-una ay mahina ako sa
pag-aaral ng ibang wika. Wala kasi akong interes. Pero siguro naman ay
mapagtitiyagaan ko rin. Kung naroon na ako, madali na lang siguro iyon lalo na
kung pipilitin ko ang sarili ko. Kung lagi mo raw naririnig ang banyagang wika,
masasanay rin ang iyong dila.
At nabasa ko ang tungkol sa kumpensasyon. Dito
lalong lumaylay nang todo ang aking pag-asa.
Ayon sa nag-reply sa akin, sa loob ng isang taon na
mananatili ako sa isang village at mag-aaral ng evertyhing Vietnamese, may
allowance ako na $1,000. Lilinawin ko lang po—ang $1,000 ay sa loob ng isang
taon, hindi ng isang buwan.
Ito ay dahil wala naman akong pagkakagastusan dahil
shouldered nila ang lahat nang pangangailangan ko habang nasa village. Iniisip
kong ang $1,000 marahil ay pocket money ko lang para sa ‘ika nga’y “much needed
R&R.” Ibibigay naman daw agad iyon once na dumating ako sa village,
nakapirma sa agreement at nagsimula ng training.
Siyempre’y hindi ko naman gagamitin sa “much needed
R&R” ang pera at ipapadala ko sa aking pamilya rito sa Pilipinas. At kung
iyon lang ang kikitain ko for a year (roughly P40,000/year), baka sa kuryente
lang at iba pang bills ay di na kasya.
At paano kung after a year ay hindi ako makapasa sa
kanilang evaluation? Uuwi akong luhaan. O kaya ay maghahanap ako roon ng ibang
trabaho na di akma sa aking kakayahan. Sa edad kong ito, hindi ko na kayang
mamasukan halimbawa sa mga restoran at maghugas ng plato. Medyo pasmado na ako,
tiyak na lagi akong makakabasag ng mga baso.
Nag-e-mail uli ako sa nag-reply sa akin at
nag-request na baka naman pwedeng $5,000 ang maging annual allowance ko
(roughly P200,000 at baka maka-survive na rito ang pamilya ko for a year).
Hindi na siya nag-reply. At maliwanag sa akin ang mensahe—kung ano ang
patakaran nila, iyon ang dapat sundin. No buts, no ifs.
And there goes my Vietnamese dream.
Anyway, matapos ang aking pangangarap ay muling
nagbalik sa akin ang diwang makabayan. Pilipino ako. Kung may kaunti man akong
talento, dito ko dapat gamitin sa Pilipinas. Sabi nga ni Jay Ilagan sa
pelikulang Kadete (na wala akong makitang kopya samantalang napakagandang
pelikula nito) nang plano siyang ipadala sa Westpoint Academy matapos ang
kanilang graduation sa PMA, “Gusto kong makita ang liwanag sa aking sariling
bayan.”
Pero kung may maganda pa ring oportunidad sa ibang
bayan, susubukan ko pa rin. Isa lang ang tiyak—babalik at babalik ako para rito
makita ang bukang liwayway.
Pansamantala, hahayaan ko na lang ang mga
disappointments ko sa mga publikasyon na aking pinaglilingkuran. Afterall, wala
namang empleyado na walang issues laban sa kanyang pinamamasukan.
(Larawan mula sa vagabondjourney.com)
2 comments:
pronTiyong KC:
Kung bakit naman doon ka pa pupunta sa 3rd world. Mahirap ang lagay doon dahil mas maunlad pa nga ang Pilipinas kaysa doon. In fact, ang Pilipinas ang siyang pinaka-PROMISING na bansa sa Asia sa kasalukuyan. Mamamayagpag ito, ayon sa pananaw ng mga economists sa mundo. Nariyan ang mas mainam na lagay, nasa sarili ka pang bayan. Besides, kahi't nasa Asya rin ang Vietnam, Laos, Thailand, Cambodia, Korea, Indonesia, Malaysia, Singapore at China - IBANG-IBA ang kanilang kultura sa atinng mga Pilipino. The Philippines is the least Asian amongs Asians. Unang-una na rito, hindi tayo nananalig kay Buddha o kay Allah. Ang ating musika ay Europeo ang pinanggalingan, hindi yung mga tipong "Pyawsi Bo-chichawlo langsiyaw" na mahirap ma-take ng ating mga tenga. Tapos, hahatawin pa yung mga cymbals na akala mo'y bingi ang lahat ng nakikinig. What's more, ang sophistication ng mga Pilipino ay di hamak na napakataas kaysa kanila. Hindi ka talaga mag-eenjoy doon. Mas magiging masaya kang tiyak sa North America dahil hawig na hawig sa Pilipinas ang karamihang makikita mo. Palibhasa tayo'y na-invade ng mga Europeo at mga Amerikano kaya siguro parang napakadali mag-adapt sa buhay sa north America. Sa totoo lang, nang magpunta ako dito, wala akong adjustment na ginawa. Lahat ng bagay ay pamilyar sa akin. At sa kadalasan pa nga'y hindi makapaniwala ang mga tagarito when it comes to vocabulary and knowledge of the English literature of the Filipinos. Bisyo ko kasi ang biglang magku-quote ng Shakespeare, Marlowe, etc., kapag nakikipag-usap. At napapamangha ang mga tagarito kung bakit alam ko lahat ang mga ito. Ang mga paaralan kasi dito, hindi ni-re-require ang mga estudyantes na isaulo ang mga ganito, di tulad sa Pilipinas. Sa High School na pinag-aralan ko, mandatory na mag-saulo ka ng mga poetry at quotes from great works in Lit. Hindi ka ga-graduate kung hindimo ginawa ito.
Kaya, pasalamat ka't hindi ka pumunta sa Vietnam. Lalo namang parusa ang ARABIC nations. Para kang itinapon dun sa dagat-dagatang apoy. Puro lang work, work, work, doon, at wala kang tatanawing panghabang buhay na asenso dahil pagkatapos ng kontrata, ADIOS Mariquita Linda ang labas mo. Lagi pang nanganganib ang buhay mo. Mapagbintangan ka lang na nagnakaw, putol ang iyong mga kamay. May nagturo sa iyo na pumatay ka raw ng isang tao, bigti ang abot mo.
Kung hindi rin lang sa north America or Europe ang destinasyon mo, huwag ka na lang aalis ng Pilipinas. Ayon nga sa lyrics ni Levi Celerio: "Sa piling ni nanay, langit ay buhay" Gayon din sa piling ng ating bayan. Langit ay buhay.
tsong JM,
sa ngayon nga ay hindi na siguro ako aalis. it's more fun in the philippines. isang problema ko talaga ay mahina akong matuto ng ibang language, at medyo 40s na rin ako, hehe. baka mahirapan na akong mag-adjust kung trabaho ang aking pupuntahan. :)
Post a Comment