Monday, December 3, 2012

kuwentong renta

http://s163.photobucket.com/albums/t309/kc013_photos/?action=view&current=rent1.jpg" target="_blank">http://i163.photobucket.com/albums/t309/kc013_photos/rent1.jpg
" border="0" alt="Photobucket">
KAPITBAHAY ko si Choi. Binata, nagtatrabaho sa isang malaking hotel sa Makati City. Umuupa siya sa apartment na katabi lang namin. Dati ay tatlo silang magkakapatid doon at naghahati-hati sa upa. Nang magsipag-asawa ang dalawang kapatid niya at bumukod na, solo na niya ang renta.
For a while ay may mga kaopisinang single na nakasama si Choi sa apartment. Pero dahil problema sa lugar namin ang parking, at may mga kotse ang mga katrabaho niya, hindi nagtatagal. Makipot kasi ang aming kalye, bukod pa sa maraming may sasakyan din. Ang iba naman na walang sasakyan ay ayaw magpa-park sa kanilang tapat.
May common denominator kami ni Choi. Pareho kaming mahilig sa aso at badminton. Hindi kami nakapaglalaro ng badminton, pero madalas kaming nagkakatambayan sa labas dala ang aming mga aso. May alaga siyang malteze, ako naman ay bichon frise. Habang naghuhuntahan kami, naglalaro ang dalawang aso.
Aniya ay nahihirapan na siyang magbayad ng upa sa apartment. Nasa P7,000 pala kada buwan ang upa. Ipagpalagay na nating sumasahod siya ng P20,000 kada buwan, dahil binata siya at mahilig magdamit at sa tingin ko ay medyo may lifestyle bukod pa sa girlfriend, talagang mahihirapan siyang mabalanse ang kinikita.
Isang umaga ay nakarinig ako ng kalabugan na tila may nag-aaway. Narinig kong nagbabalitaktakan sina Choi at ang kanyang landlady. Sa pakikiusyuso ko, nalaman kong tinanghali ng gising si Choi at nabuwisit nang katukin ng landlady para singilin sa buwanang upa. Sabi pa ni Choi, akala mo raw naman ay mamamatay na ang landlady kung mamayang hapon pa siya magbabayad.
Ang away ay nauwi sa barangay--hindi naman sa Face to Face ni Tsang Gellie.
Nang minsang magkahuntahan uli kami ni Choi ay sinabi ko sa kanyang bakit di na lang siya kumuha ng condo unit? May mga unit ngayon within Metro Manila na P4,000 lang ang monthly na hulog. Rent to own pa. Siyempre nga lang ‘kako, ang kailangan niya ay pang-down payment na siguro naman ay mahahagilap niya. Kung magde-date sila ng GF niya ay puwedeng sa condo na lang, takeout ng pagkain at DVD marathon. Kung gustong mag-loving-loving, di na rin kailangang mag-check in.
Natawa siya nang malakas.
Sabi ko pa sa kanya, ang P7,000 na ibinabayad niya sa landlady niya ay halos 2 buwan na ng condo unit na sa malao’t madali ay magiging kanya. Posibleng hindi kalakihan ang space, pero dahil solong katawan naman siya ay hindi niya kailangan ang malawak na tirahan. Wala pang landlady na tatalak sa kanya pag na-late siya ng bayad. Isang studio-type lang na may higaan, kusina at bathroom, ayos na sabi ko pa sa kanya.
Nakita kong napaisip siya.
Matapos ang aming pag-uusap ay hindi ko masyadong napagkikita si Choi. Nabalitaan ko rin na ipinadala niya ang kanyang aso sa kanyang nanay sa Pangasinan. Kaya pala ‘kako wala na kaming dog bonding moments.
Isang gabi ay may narinig akong ugong ng malaking sasakyan sa labas. Maya-maya pa ay tinatawag ni Choi ang aking pangalan. Paglabas ko, masaya siyang kumamay sa akin. Magpapaalam na raw siya. Nakakita raw siya ng condo unit sa may Sta. Ana, Manila. Mas malapit sa kanyang opisina sa Makati, at P3,700 daw ang hulog kada buwan. Nag-down payment daw siya ng P100,000—na hiniram muna niya sa kanyang mama.
Ayos ‘kako. Mainam na ‘yung solo niya ang lugar. Minsan daw ay susunduin niya ako para ipakita ang place. ‘Yun nga lang, bawal daw ang aso. Sige ‘kako, para may bonding pa rin. Sabi ko pa ay baka matuloy na rin ang plano naming paglalaro ng badminton. At inihabol ko ang, "Good luck sa libreng check-in, ha?" Natawa na naman siya nang malakas.
Isa lang si Choi sa maraming nakikita ko na umuupa ng malaki sa paninirahan sa apartment samantalang marami namang murang tirahan na rent to own. Karamihan kasi sa ating mga kababayan ay hindi iniisip ang mag-invest sa bahay o tirahan. Mas gusto ang naninirahan. Natatakot kasi sa mga 15 years to pay scheme. Sa bilis ng panahon ngayon, malalaman mo na lang 15 taon na pala ang nakalipas—at kung kumuha ka ng bahay o condo na magiging iyo balang araw mare-realize mo na lang na bayad ka na pala. Kaysa naman makalipas ang 15 taon, nangungupahan ka pa rin at bilanggo sa kasungitan ng landlord.
Sa mga kabataan ngayon na may trabaho na, umpisahan agad ninyong ipundar ang bahay gaano man ito kaliit. Walang pinakamasarap kundi ang paninirahan sa bahay o condo na sa iyo talaga—cash mo man binili ito o hulugan. Huwag kayong mamimihasa na nagrerenta dahil ang binubuhay lang ninyo ay ang inyong kasera.

 

5 comments:

TheCoolCanadian said...

Tyong KC:

Mag-tyo kaya tayo ng reality show na: BATOK SA BATOK with TYONG KC. :)

Hahaha. Tumpak ang payo mo sa mga kabataan ngayon. Imbes na magtapon ng panahon sa mga INUMAN SESSION na madalas gawin ng mga guests ni Tyang Amy sa Face to Face, ay humulog sila ng condo at mamuhay ng HEALTHY LIFESTYLE, at hindi iyang puro BISYO ang inaatupag.

Bakit ba ang mga kabataan ngayon sa Pilipinas ay hindi puwedeng magkaroon ng camaraderie kung walang INUMAN? Kay rami nang ALCOHOLIC diyan ngayon, magsigising at magsipagbangon nga kayo sa inyong pagkakagupiling... sa pagkakatulog nang lubhang mahimbing! mahimbing!

"You reap what you sow," in whatever you do in your life.

Tandaan, na kapag ibinabad natin sa bisyo ang ating katawan, sisingilin tayo nito sa ating pagtanda... kung tatanda pa kayo. For you you now, pagtuntong pa lang ninyo sa 35-40, plakda na ng katawan ninyo sa mga karamdamang magpaparusa sa inyo. Kaya mga kabataan, mag-isip-isip kayo sa payong ito ni Tyong KC.

Sa pula, sa puti?

Nasa sa inyo ang choice.

Your Father Confessor.

kc cordero said...

chong jm,
nang magkatrabaho ako rito sa manila ay inuna ko agad ipundar ang bahay. sabi ko nga sa sarili ko, kahit simple lang ang mga kakainin basta di ako umuupa ng tirahan masaya na.
kaya ngayon kahit kakarampot ang kita ay hindi ako nag-aalala dahil walang kasera na maniningil tuwing katapusan ng buwan.
meri xmas. saan ka ga magpapasko?

TheCoolCanadian said...

Sa island. Where the the surroundings are pristine.

There's nothing more exhilarating then communing with nature, where one can enhance his relationship with the living earth.
:)

kc cordero said...

JM,
balak ko rin ngang sa batangas magpasko ngayon. nami-miss ko na rin ang malamig na hangin, ang amoy ng nilulutong suman, ang bango ng hinog ng tsiko. :)

dino saur said...

sama ako sa yo sir KC sa bakasyon mo sa Batangas hehehe..

Kumusta na?

Medyo matagal tagal akong di nakapagbasa ng iyong blog. ito ang na-miss ko sa China. Maraming bawal na sites sa China. May sarili kasi sila...di nila kailangan ang Google, Facebook, Yahoo messenger, Youtube at kung ano ano pa..dahil nakita ko na ginagamit na rin internationally ang mga social networking sites or communicating networks nila (whatever hehehe, di ako maalam sa terminology ng internet)

Anyway, back to your 'kuwentong renta', mahirap talaga ang walang sariling bahay. gaya ko for example...dahil kahit ako ang boss sa bahay, ay may mas boss sa kin (misis ko hehehe, nung time na nakikitira kami sa bahay ng ate nya at di kami nagrenta for 5 years i think...magaan para sa amin na kahit maliit ang kita ay di nagugutom...pero nung bitawan ng ate nya ang bahay at di na nabayaran ng mahigat isang taon...dun na sumakit ang ulo ko...ayaw naman iwan ni misis ang bahay....mabuti na lang at may pag aadya ang pagkakataon na nakapag China ako at bago dumating ang notice ng banko na iilitin ang bahay ay naisalba ko....now kami na ang nagpatuloy ng bayad..pero matagal tagal pang bayaran ito...problem is dahil ito ay bahay ng (dalagang) ate nya before, di maiiwasan na ang turing ng iba nyang mga kapatid ay extension ito ng bahay nila..so kung gusto nilang makitira sa bahay ay wala silang alinlangan...dati ay ok lang sa kin dahil pati ako ay nakikitira pero nung ako na ang nagbabayad ay nakaramdam na ko ng masikip na ang lugar para sa ming mga nakikitira...minsan sabi ng misis ko magpasalamat daw kami at di nawala ang bahay at may tinitrhan kami..sagot ko sa kanya...kung nailit ito 8 years ago at nasa estado na tayong kaya na nating kumuha ng bahay...siguradong may sarili na tayong bahay na binabayaran at hindi extension ng bahay nyo... so dahil nga sa ganung sitwasyon wala ako choice kundi tanggapin ang mga utol nyang gustong magbakasyon dito hehehehe....

feeling ko minsan ...hindi lang si misis ko ang boss ko..pati mga ibang utol nya..hehehe..

gayunpaman, salamat na rin sa ate nya na pinatira kami ng ilang taong walang renta...naapreciate ko naman un...

di ko lang alam kung kelan ko mararamdamang akin ang bahay na ito....hindi na yata darating yun..tyak after namin mabayaran ito may mga issue pa na darating..

bahala sila magkakapatid..ang mahalaga naging mabuti at masunuring asawa ako at di wala akong kasera hehehe...boss lang hehehe..

in fairness to them..mababait naman sila. kaya kayang palampasin ang lahat..

MERRY CHRISTMAS sir KC