Tuesday, December 28, 2010

Christmas 2010

Photobucket

SIMPLE at napakasaya ng aming naging Pasko. Maaga kaming nagsimba para sa 7:00 AM mass, nag-almusal at bumati sa mga kapitbahay.
Wala rin kaming naihandang gift sa mga batang nagbabahay-bahay unlike last year na meron kaming loot bags. Nagdesisyon kami na dahil sa kakapusan ng oras ay mag-abot na lang ng crisp P20 sa mga batang nagbabahay-bahay, at mukhang mas sumasaya sila sa cash. Kokonti rin naman ang dumaan kaya hindi masyadong nabutas ang aking bulsa.
Ang Christmas gift namin kay Inez ay ticket sa concert ni Taylor Swift sa darating na February 19 kaya hindi na kami nahirapang mag-isip.
Hanggang Dec. 24 ay may mga trabaho pa akong tinapos kaya bandang 12 ng tanghali ay natulog na ako para makabawi sa matinding deadlines na dumaan at mga dinaluhang party. May mga bisitang dumating si Inez at sila na lang ni misis ang umasikaso. Sayang at hindi ko naabutan ang tawag mula sa Jubail, KSA ng aking Atlas buddy na si Ka Benjie Valerio. Sayang ang riyals, he-he. May mga phone calls din mula sa mga dati kong kasamahan sa ABS-CBN na ngayon ay nasa iba ng bakuran.
Maingay sa kalye namin bago ang Pasko pero tahimik noong 25th hanggang sa sinusulat ko ang blog entry na ito. Maraming umuwi sa probinsya, at mainam naman. Napahinga kahit sandali ang aking tenga sa ingay ng mga kapitbahay na mahilig mag-videoke kahit sintunado.
Happy New Year sa inyong lahat!

Photobucket
Sa kapitbahay po ang Innova, he-he.

Photobucket
Ang aking mag-ina kasama ang aking in-laws.

Photobucket
Kunan mo nga kami, anak!

Photobucket
Photobucket
Almusal tayo!

Photobucket
Sadya po akong malakas sa tinapay.

3 comments:

TheCoolCanadian said...

"Sadya po akong malakas sa tinapay".

He-he. Hala ka, baka lumobo ang iyong tiyan niyan. White bread pa naman iyang napag-tripan mo :)

Palitan mo ng whole wheat para hindi masyadong mabilis maging sugar sa iyong dugo at eventually ay magiging fat sa iyong katawan.

Napaka-cute naman ninyong dalawa habang kumakain ng tinapay, masyadong romantic ang eksena. Mabuti na lang hindi nag-criss-cross ang inyong mga arms habang umiinom ng coffee. He-he.

Buweno, may bagong taon pa naman para ibahin ang tinapay. Hahaha!

kc cordero said...

JM,
happy new year. mag-i-stock na nga ako ng oregano para healthy. :)

Anonymous said...

sir kc, miss ko na kayo ah..

shado lang ako busy...di ko tuloy kayo mapasyalan...at di rin matuloy tuloy ung gusto kong gawing komiks at books para sa inyo....

hay....sana marami akong time at sana mabilis pa ko magtrabaho....

aminado ako eh..ageing na at kulang na sa energy para gawin ang lahat ng idea na nasa isip...

sayang...

anyway, HAPPY NEW YEAR SA IYO AT SA YONG PAMILYA SIR....

GOOD LUCK SA 2011..

CHEERRRSSS!!!!!!!!!!!!!