Saturday, March 26, 2011

12 years after...

Photobucket

SIYA si Atty. Arnold Rimon Martinez. Naging classmate ko siya sa Filmwriting noong 1996. Huli kaming nagkita 1998 siguro. Seminarista pa siya noon. Akala ko talaga ay magiging pari siya, kaya nagulat ako nang mabalitaan kong naging abogado siya. Ayaw na ba 'kako niyang makarating sa langit?
Nakuha niya ang number ko sa isa naming dating classmate sa Film Development Academy of the Philippines na nagsusulat sa StarStudio Magazine ng ABS-CBN Publishing. Nakakatuwa naman na ang mga dati kong kaibigan ay siya pang naghahanap sa akin. Nag-meet kami two weeks ago.
Malaki rin ang naitulong sa akin ni Atty. Arnold noong nasa seminaryo pa siya at matanggal ako sa Atlas Publishing at napasama sa statistics ng mga jobless sa Pilipinas. Kapag may projects ako noon na komiks ay nakikigamit ako ng computer at nakiki-print sa kanilang opisina--libre siyempre, pati kain.
Bago siya kumuha ng law ay nakapagsulat pa siya ng pelikula sa Regal Films. Tiniyaga lang daw niya talaga ang law school, at noong 2007 ay naging ganap siyang abogado. Sa Ateneo siya nagtapos.
Isa siya sa mga ka-close ko noon sa klase, tagatawa niya ako sa mga jokes tungkol sa seminaryo. Kasama rin siya sa mga pinakamahuhusay sa batch namin noon, hindi gaya ko na isang manunulat na sampay-bakod lamang. Ang alam ko ay isa siya sa mga nagre-rewrite ng English classics sa Precious Pages Corporation. Kahit daw naman busy siya sa pagiging lawyer, hindi nawawala ang passion niya sa pagsusulat.
Connected siya ngayon sa Solicitor General's office bilang abogado ng gobyerno.
Nang itanong ko kung bakit hindi natuloy ang pagpapari niya samantalang ilang hinga na lang at oordinahan na siya noon, mahabang kuwento raw at saka na lang pag nagkita muli kami.
Masaya ang aming naging pagkikita, at pakiramdam ko ngayon na isa na palang hotshot attorney ang aking kaibigan, lalong masarap maging kriminal!

3 comments:

mgaputonimimi said...

nakakatuwa talaga pag sila humahagilap sa inyo.... nakakataba po ng puso ang ganyang mga kaibigan...

peru natawa ako sa last line nyo talaga.. haha! =)) pwede pwede!

kc cordero said...

mimi,
kumusta? he-he, kriminal naman talaga ang kuya kc mo. :)

dino said...

hahahaha...natawa ako sa last line mo sir...naalala ko yung sinabi ko rin sa isa kong kaibigan na abogado rin at PA ni Jinggoy ...na kaya ako nagtityaga na panoorin ang senate hearing ay para abangan sya na mahagip ng camera at makita ko sya sa TV...anyway, ang sabi ko sa kanya...kung sya ang abogado ko ay ok lang kahit araw araw may kaso ako...hehehe (crush ko nga pala sya noong high school hehehe)

dino(laging bata)