Wednesday, June 8, 2011
'starting over again'
NAISULAT ko kamakailan na kinain ng anay ang halos lahat nang reference materials ko for cartooning. Ang insidenteng iyon ay nagpalamlam sa interes ko na matuto pang lalo ng sining na ito. For a while ay kinalimutan ko na ang pagdo-doodle at tinanggap sa sarili ko na siguro ay malabo sa reyalidad ang plano ko na makagawa ng komiks na ako mismo ang nagdibuho—cartoon style.
Last week ay napagawi ako sa isang branch ng Booksale at nagulat ako sa bumulaga sa akin—Bruce Blitz Big Book of Cartooning. Isa si Blitz sa mga una kong reference bago ko natuklasan si Randy Glasbergen. Pareho kong nakakapa ang style nila, though I am more comfortable with the latter.
Mas komprehensibo ang Bruce Blitz Big Book of Cartooning kumpara sa dalawang manuals niya na meron ako dati bago nakain ng anay. Almost P2,000 ang presyo nito sa Powerbooks at limitado pa. Matagal na akong na-order pero walang available. Hulog ng langit na nakakita ako sa Booksale—na halos wala pang P300 ang presyo.
So, praktis-praktis na uli at baka sakaling matuto pang mag-cartoons. ‘Ika nga ay parang matandang aso na puwede pa ring matuto ng bagong tricks. Nakaka-inspire naman ang foreword ni Blitz—basta raw may interes sa cartooning at may time magpraktis, malaki ang posibilidad na matuto.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
4 comments:
That's why I love booksale
Me too. :)
waaaahhhh....bakit ako di ako makatyempo ng ganyang books sa booksale!!!! kaines!!!saang booksale branch ba yan sir. baka may kapatid yang book na yan sa branch na nabilhan mo..hehehehe...
dino,
pwede namang i-xerox. :)
Post a Comment