He-he! Courtesy of Alessandra De Rossi.
Sunday, May 30, 2010
Monday, May 3, 2010
good deeds
NAGING panuntunan ko na sa buhay ang makagawa ng mabuting bagay sa kahit anong paraan kung hinihingi ng pagkakataon. ‘Ika nga, “A good deed a day keeps trouble away. Medyo pilit ang pagkaka-compose ko sa quotation at hindi original dahil may mga pinaghugutan, pero puwede na ring gawing panuntunan.
Pero hindi nangangahulugan na kahit gagawa ka ng kabutihan ay walang hassle. May mga taong hindi rin marunong mag-appreciate sa iyong mabuting ginawa para sa kanila.
Pansinin n’yo na lang, pag may nagpaabot sa inyo ng bayad sa dyip, sa halip na magpasalamat sisimangot pa na para bagang utang na loob mo sa kanya na ipinag-abot mo siya ng bayad, o kaya ay iiwas na ng tingin. Tayo kasing mga tama ang huwisyo, ang maikling thank you ay masarap na sa pakiramdam.
Marami akong karanasan na pinipilit kong makagawa ng kabutihan sa aking kapwa pero baligtad ang nakukuha kong appreciation. Minsang sakay ako ng bus dito sa amin sa Pandacan patungong Sta. Cruz, Manila, may mamang pasan ang anak. Medyo siksikan na pero ang inuupuan ko ay pantatluhan at dalawa pa lang kaming nakaupo. Sabi ko sa mama ay may isa pa at umisod ako. Sabi ba naman sa akin, “Sa kitid ba namang ‘yan kakasya ako?” At pinandilatan ako ng mga mata na para bagang naghahamon ng suntukan.
Sa isip-isip ko’y aba’y loko pala ang mamang ito! Sila na ngang mag-ama ang inaalala ko at baka mangawit sa pagtayo ay siya pang may ganang magalit. Sa buwisit ko, nang bumaba ako ay tinapakan ko sa paa ang hangal. Hayan, nag-iisip ako ng good deed, lalo lang akong nagkasala!
Minsan naman na papunta ako sa sakayan ng dyip ay may nasundan akong dalaga na bukas ang zipper ng backpack. Tinawag ko ang pansin niya dahil baka may makadukot ng kanyang mga gamit. Sabi ko, “Miss, bukas ang bag mo.” Tumigil siya sa paglalakad, tiningnan ang kanyang laman ng bag tapos ay tumingin sa akin nang may pagdududa na para bang ako ang nagbukas ng bag niya at may planong mandukot. Ang tingin niya sa akin ay punung-puno ng paghihinala at simangut na simangot. Pag mamalasin ka nga naman, ikaw na nga ang concern, ikaw pa ang mapagbibintangan.
Bakit nga kaya nawalan na ng appreciation ang mga tao sa kabutihang nagagawa sa kanila? Bakit tila sa lahat ay hindi na nagtitiwala ang isa’t isa?
Iba na nga talaga ang mundo.
Kaya kung minsan, ang mga matatanda nang nakasaksi sa World War II ay mas mapagtiwala at appreciative sa mga good deeds na naibibigay sa kanila. Mas masarap silang tulungan.
Sa karanasan ko, ang mga matatandang ito ay madalas na sa pagwi-withdraw sa ATM booth humihingi ng tulong. Karamihan kasi sa kanila ay technophobe at hindi alam kung paano pipindot. Ang style nila, maghihintay na may mag-withdraw, pag nakita nila na talagang nag-withdraw ka, lalapit at saka makikiusap na pakitulungan naman dahil hindi marunong.
Pag natulungan mo sila, bukod sa pasasalamat ay may pisil pa sa kamay na nagpapahayag ng lantay na appreciation sa nagawa mo sa kanila.
Sa mga malls naman ay madalas akong mapakiusapan na magkuha ng pictures ng mga namamasyal. Kahit mga foreigners, ako ang nilalapitan para makunan sila ng group picture. Siguro ay photographer ako sa aking unang buhay. Nakakatuwa rin. Iniisip ko tuloy nang minsan makarating ako sa Hong Kong, magpapabarya lang ako sa isang Tsekwa ay tumakbo papalayo na parang nilapitan ng ketongin. Hindi tayo ganoon kabastos sa mga dayuhan.
Kaya sana ay maipagpatuloy natin at maging gawi ang pagtulong sa kapwa patuloy man iyong binabalewala ng ating mga natulungan.
Sunday, April 25, 2010
CJC twits critics
HINDI sa 'Twitter' nag-twit si CJC kundi sa balita sa TV. Uhm, sa Channel 7 ko napanood, he-he. Nakatanggap ang dating magkokomiks ng award something sa Star Awards. While holding his trophy, aniya, sasakit na naman daw ang kalooban ng kanyang mga kritiko dahil sa natanggap niyang award, at mukhang magtatagal pa siya sa pagtanggap ng mga awards.
Wala naman sigurong manggagalaiti sa award niya ngayon dahil pakialam ba ng mga nagmamahal sa komiks sa Star Awards? Mga taga-komiks ang kritiko ni CJC, hindi televiewers o nanonood ng kanyang massacre films. Mga taga-komiks na umalma sa kanyang National Artist Award dahila alam ng mga ito na mas maraming nauna sa kanilang hanay na karapat-dapat na bigyan ng parangal bilang alagad ng sining.
Kung buhay pa ang idol kong si Banong Cruz, alam ko na ang isasagot kay CJC ng paborito kong movie columnist noon.
Saturday, April 24, 2010
watching the peeps
ISANG libangan ko pag Komikon ay manood ng tao at pag medyo sinipag ay kumuha ng litrato. Iba't ibang klase ng tao ang dumadalo sa event na ito; may mga pamilyar na, may mga bago.
Nakakatuwa ring maobserbahan kung minsan ang pagbabago sa mga dumadalo sa Komikon na obvious sa kanilang pisikal na anyo. Sa mga comics creators, makikita naman iyon sa kanilang ginagawang komiks at personalidad.
Ang picture sa itaas ay kuha ko sa isang comics creator sa indie section noong 2007. Ang alam ko ay regular siyang sumasali sa event. Muli ko siyang nakita noong April 17, heto na siya ngayon. Sayang, wala akong kopya ng mga komiks niya. Nalaman ko sana kung ang thought balloon ay may kinalaman sa kuwento niya, o ito talaga ang nasa isip niya while selling her comics.
I would like to believe it was just a mere marketing ploy then. But isn't it interesting?
Sunday, April 18, 2010
sa susunod ulit, ha?
(Sa dami ng bisita, ilang cartolina ang ginamit para maging guest book. Hindi pa lahat pumirma diyan, ha?)
NEXT week is deadline week for The Buzz Magasin, at bago matabunan ang nakaraang Komikon, kailangang may blog report. Masaya, and just the same, marami muling natutunan.
Ang pinakaimportanteng bahagi rito ay nagkikita-kita ang mga nagsusulong ng Pinoy indie comics, mga suki (na patuloy na nadaragdagan), at mga dating magkakakilala at magkakaibigan.
Wala akong pressure sa event na ito ngayon dahil sumali ako na handang malugi. Malaki ang bilib ko sa story na aking ginawa, pero dahil nag-experiment ako, it might boomerang kaya inilagay ko na sa isip ko just in case na hindi mabenta, okey lang. Charge to experience… at sa ATM card, he-he.
Partly correct ako sa aking intuition. Hindi na-sold out ang ‘Wala Pa No’ng Internet’ at may natira pang 15 copies (na bibilhin naman daw ng aking mga kaopisina at contributors ng The Buzz kaya technically ay mauubos din). Naparami kasi ang kopya na ipina-print ko, pero sa dami na rin naman ng nabenta sa Komikon, break even na sa lahat ng gastos.
Ang revelation sa akin ay ang unang edition ng Comicspotting na majority ng story ay guhit ni Novo Malgapo. Wala na sana akong planong magpa-print nito pero last minute ay nagdesisyon akong magpahabol ng kopya. Maagang naubos, at tingin ko, kaya lang nabibili ‘yung ‘Internet’ ay dahil dito. Nang ‘Internet’ na lang ang ibinebenta ko, medyo matumal na. At ito ang mga factors:
1. Prosa kasi ang ‘Internet’ at mas gusto pa rin ng mga bumibili sa Komikon na fully-illustrated ang bilhin
2. Medyo turn off sa mga kababaihan ang cover na tinutuli, at nauunawaan ko iyon
At any rate, masasabi kong dahil sa ganda ng benta ng unang volume at halos naubos din naman ang ikalawa, wala na akong mahihiling pa.
Marami pa ring tao kahit bakasyon ang mga estudyante at sobrang init ng panahon. There were diehard comics fanatics na galing pa sa probinsya at halos lahat ng kopya ay binibili.
Highlight ng event ang autograph signing ng Renaissance book na kasama sa mga artist ang Kapamilyang si Ner Pedrina, at ang talagang kapamilya ko na si Ben Nacion. Bennac (nickname niya) is my wife’s first cousin. Nagpaliwanag din ang buong grupo ng Bayan Knights kung paano sila nabuo, and to what direction this amazing group is heading.
As usual, ang main attraction ng event ay si Gerry Alanguilan na talagang napakaraming fans. Nakakainggit ang mamang ito; ang husay na, ang guwapo pa.
Nagbasa muna ako ng mga blogs ngayon at dinalaw pala si Gio Paredes ni Sweet Lapuz. Sikat na rin si Gio. Ops, mas tamang sabihin na lalong sumisikat si Gio dahil dati na nga pala siyang sikat.
Malakas din ang benta ni Macoy ‘The Mascot’ ng kanyang mga comics, at may mga bago pala siyang inilabas ngayon.
Nag-launch si Hazel Manzano ng ‘Proud Callboy’ kasunod ng napakamabentang ‘Callwork.’
Successful din ang dalawa kong katabi sa mesa. Ayon kay Ner ay maganda ang kita niya ngayon mula nang magkaroon siya ng sariling printer. Pag colored kasi ay puwedeng mas mataas ang cover price. Sold out naman ang ‘Love Story’ ni Omeng Estanislao, bukod pa sa kanyang mga merchandise na marami ang humanga dahil ang liliit na nga, at kinamay lang. Marami na ring fans si Omeng kaya laging inspired basta may Komikon.
Nakamayan ko na rin Carlo Vergara na bumili ng aking komiks. Naroon din si Dennis Villegas na hindi nagpapalagpas ng Komikon.
Nasorpresa ako na naroon pala ang aking Pareng Fermin Salvador. Meron silang ginagawang project ni Randy Valiente. Nagulat si Fermin sa dami ng tao, lalo na ‘kako kung hindi bakasyon.
Marami ring mga dating taga-GASI gaya nina Arman Francisco, Ron Mendoza, Ronald Tabuzo at mga artists na hindi ko masyadong matandaan ang mga pangalan. Sa obserbasyon ko, mas active ang mga taga-GASI sa pagsilip sa Komikon kaysa sa mga taga-Atlas dati. Maliban kay Jason na sabi sa akin ay assistant editor ngayon sa Atlas, wala na akong nakitang dating kasamahan. Busy siguro sa mga raket sa kampanya.
Malapit lang kami sa table ng mga beteranong artists gaya nina Rico Rival, Abe Ocampo, Jun Lofamia at Karl Comendador. Marami pa ring fans ang mga veterans—na sa palagay ko ay walang tatalo pagdating sa dami ng nagpapagawa ng portrait. Ang daming naghintay kay Mang Nestor Malgapo, pero sabi ni Novo sa akin sa text, pag Sabado talaga ay sagad-sagad ang schedule ng kanyang tatay. May portfolio naman si Mang Jess Jodloman na inayos ng kanyang anak na si Grace. Ang tindi ng artworks ni Mang Jess—walang adjective na pwedeng gamitin para ma-describe ang kanyang drawings.
Marami ring tao sa indie section, at malulupit ang komiks ng mga kabataang naroroon. Ginagastusan na rin nila ang printing ngayon.
May magkabarkada, isang babae at isang lalaki, na lumapit sa table ko. Hinawakan ng lalaki ang komiks at tinanong ang babae: “Ano’ng ginagawa sa kanya?” Sagot ng babae, “Tinutuli, ano ka ba? Hindi mo ba alam ‘yon?” Ibinaba ng lalaki ang komiks at umalis na. I have a strong suspicion na…
Na wala siyang pambili, he-he.
Maraming nakahilerang Komikon this year, at sa nakita ko noong April 17, magandang senyales na magiging banner year ito para sa mga indie comics creators.
My advice, huwag silang maapektuhan ng mga comics review. Gawa lang nang gawa ng comics. Pag may nagre-review kahit negative, ibig sabihin ay may nagbabasa at bumibili. At ang mga kritiko naman ay talagang laging ang negative ang sasabihin kasi nga critic sila. Ang kritisismo ay 97 percent OKRAY, 3 percent OKAY. At sa aking palagay, mas may challenge gumawa ng komiks kapag ang komiks mo ay inookray.
Okay?
At sa mga readers at suki na patuloy na dumarami, salamat sa suporta at kitakits uli sa susunod, ha? I’ll ask PIOLO PASCUAL to sit in my booth para lang matalo ko sa haba ng pila ang nagpapa-autograph kay Gerry Alanguilan!
(SUPER SUKI: Galing pa sa Sta. Rosa, Laguna si Paulo at namakyaw na naman ng komiks. Basta may Komikon, ang daming budget nito.)
Wednesday, April 14, 2010
my official Komikon 2010 entry
THIS is it! Medyo nakakahinga na ako nang maluwag dahil sa wakas ay nagkalinaw na rin. Akala ko ay hindi na aabot, salamat sa aking mga Kapamilya (Omeng Estanislao who did the cover, and The Buzz Magasin art director Willy Dizon na siyang naglatag ng inside pages) sa suportang sining. Ang dati kong kasamahan sa Atlas Publishing na si Art Columna ang gumawa ng mga illustrations.
Proud ako sa kuwentong ito dahil last year ko pa ito nakonsepto. May isang indie film outfit na nagkainteres gawin ito into movie pero hindi nag-materialize ang aming negosasyon. Hindi ko pa tapos ang kuwento noong basahin nila, at habang hinihintay ko ang kanilang desisyon ay nawala ako sa momentum. Nitong Holy Week ko lang nirepaso at tinapos.
MAg-e-enjoy kayo sa kuwentong ito. Matagal na akong hindi nagsulat ng mahabang nobela(almost 13,000 words), and somehow ay nagpakita muli ako rito ng prose writing savvy.
So, kita-kita tayo sa Komikon ngayong Sabado at suportahan sana ng mga readers ang sumusulong na industriya ng independent Pinoy komiks.
Monday, April 12, 2010
Komikon 2010
ILANG araw na lang at Komikon na. Hindi pa tapos ang komiks ko, pero hopefully hanggang Huwebes ay matapos ko na rin.
Isa sana ito sa mga entry ko pero hindi na umabot, baka sa October na lang. Magpa-plug ako ng bagong cover ng siguradong ilalahok ko by Thursday. Excited lang sana ako sa kuwentong ito, pero ayoko namang madaliin. Below is a rough cover done by Rommel Estanislao:
Isa sana ito sa mga entry ko pero hindi na umabot, baka sa October na lang. Magpa-plug ako ng bagong cover ng siguradong ilalahok ko by Thursday. Excited lang sana ako sa kuwentong ito, pero ayoko namang madaliin. Below is a rough cover done by Rommel Estanislao:
Subscribe to:
Posts (Atom)