http://www.youtube.com/v/dlDlnFxe6Bk
Project ito ng anak ko at mga classmates niya last sem. Baby pa lang siya ay mahilig nang magdrowing pero hindi niya priority, at hindi ko rin naman pinipilit. Lagi ko lang sinasabi sa kanya na laging magpraktis kahit once a month para hindi siya kalawangin.
Sunday, April 27, 2008
Sunday, April 20, 2008
'nosebleed'
HABANG tinatapos ko ang deadline ng Sindak! ay naramdaman ko na marami pala akong libreng oras. Sinamantala ko na ang matagal ko nang plano na mag-enrol sa isang language institute para ma-review ko naman ang English language. Hindi tulad ng sikat na sikat na maid na si Inday na magno-nosebleed kayo pag inyong kinausap, hindi ako mahusay sa English at isa ito sa aking napakaraming handicap bilang taga-media. Nagkataon lang na pinili kong itaguyod ang ating Wikang Pambansa pero nararamdaman ko na rin ang pangangailangan na mahasa sa English. Sana ay hindi pa huli ang lahat.
Natapos ko na ang unang module; dalawang linggo na tigdadalawang oras mula Lunes hanggang Biyernes. Maganda 'yung language institute na napasukan ko na pinatatakbo ng mga twenty-something Fil-Ams—ang American Institute for English Proficiency na matatagpuan sa 6th Floor, Manila Bank Building, Ayala Avenue, Makati City. May dalawa pa akong modules na dapat tapusin pero baka sa June or July ko na maasikaso. Biglang-bigla ay marami na naman akong ginagawa. Kung interesado kayo, mura lang ang tuition fee, heto ang kanilang website: www.aiepro.org
Marami pa akong kakaining bigas bago ako magkaroon ng confidence na magsulat o magsalita sa English, pero ang 20-hour training ko sa AIEP ay muling nagbigay sa akin ng interes sa global language.
Nasa itaas ang 'graduation photo' namin. 'Yung nakasalamin sa unahan ang aming naging trainer.
Thursday, April 10, 2008
Sunday, April 6, 2008
'waiting game'
SORRY kung medyo nabitin kayo at hindi lumabas, as promised, ang unang isyu ng SINDAK! Horror-Thriller Magazine. May ilan pa kasing importanteng bagay na inasikaso ang mga taga-marketing department para sa promotion ng nasabing magasin. Sa itaas ay nagkakatuwaan ang staff sa foamboard na posibleng makita ninyo sa mga TV shows kung saan ipo-promote ang magasin. 'Yung mga nag-contribute, may ilang pages ng inyong ginawa na posibleng mai-flash din sa screen. Suwerte si Rommel Fabian kasi cover 'yung kanya kaya mas madalas na maipalalabas.
Nasa itaas naman si Tintin, ang managing editor ng The Buzz Magasin, and also the project coordinator of Sindak! Siya ang mag-aasikaso ng mga contributions (stories and illustrations).
For the meantime, hintay-hintayin lang po natin ang paglabas ng unang isyu...
Subscribe to:
Posts (Atom)