Saturday, January 29, 2011

Goodbye, Andy...

Photobucket

KINUMPIRMA ngayon nina Nar Castro at Bobby Villagracia na pumanaw na ang dating nobelista at editor ng GASI na si Andy Beltran kaninang alas kuwatro ng madaling-araw. Heart attack. Ang kanyang mga labi ay nakaburol sa isang funeral home sa may Taytay, Rizal, malapit sa terminal ng G-Liner. Sa Miyerkules ang kanyang libing.
Nakita at nakilala ko lang si Andy noong Komiks Congress kung saan siya naging aktibo. May posisyon din siya sa Screenwriters Guild of the Philippines kung saan ko nakuha ang kanyang larawan.

Monday, January 24, 2011

bamboo house, cubao

NAGKITA kami kamakailan ni Kabayang Alex Areta sa Cubao dahil may niluluto kaming maliit na project. Nasa National Bookstore ako nang mag-text siya na napasilip siya sa Bamboo House, at nakita raw niya roon si Steve Gan.
Ang Bamboo House ay paboritong watering hole noon ng mga old-timer sa Atlas at Gasi. Dito rin natututong uminom ng beer ang mga baguhan sa komiks; editor, writer, illustrator, lettering artist, coloring artist, etc.
Sabi ko kay Kabayan ay puntahan namin para makapaghuntahan naman. Matagal na rin akong walang nakikitang mga dating kasamahan sa komiks.
Bukod kay Mang Steve ay nasa Bamboo House din pala sina Mang Nestor Malgapo at Noly Zamora. Sabi ni Mang Nestor ay may mga darating pa. Nagkataon daw kasi na medyo maluwag ang mga schedule kaya nagpasyang magkita-kita roon.
Okey naman na tambayan ang Bamboo House. Alas tres ng hapon kami napadako roon at walang masyadong tao. Hindi maingay kaya okey ang kuwentuhan. May libreng mineral water. Nasa tapat lang ito ng Farmer’s Plaza, bandang kaliwa. Hanggang ngayon pala ay dito pa rin nagpapalipas ng oras kung minsan ang mga dating nagkokomiks.
Dumating din si Mang Abe Ocampo, Ka Art De Guzman, Nar Castro, Al Cabral, Ding Abubot at ang artist na si Vovoi Tan na sa Gasi concentrated ang trabaho noon.
Inabot kami ng lampas alas siyete ng gabi na busog ang tiyan at mga mata. Kung bakit busog ang mga mata, punta kayo minsan sa Bamboo House.

Photobucket
NAR CASTRO at AL CABRAL

Photobucket
Kaliwa mula sa itaas: AL CABRAL, AKO, MANG NESTOR MALGAPO
Kanan mula sa itaas: DING ABUBOT, VOVOI TAN, ALEX ARETA, STEVE GAN, NOLY ZAMORA

Sunday, January 23, 2011

Rico Bello Omagap

FROM RICKY LO'S COLUMN IN THE PHILIPPINE STAR:

Rico Bello Omagap writes ’30,’ he was 80
Komiks novelist Rico Bello Omagap died last Thursday, Jan. 20, of heart failure resulting from a kidney ailment at the Muntinlupa Hospital. He was 80. His death came barely a month after Pablo S. Gomez, another veteran komiks novelist, also wrote ’30.’
Omagap’s komiks novels have been made into movies, starting with Lola Sinderela (by Sampaguita Pictures), starring Lolita Rodriguez and Pancho Magalona, in the ‘50s. His other novels-turned-movies include Ang Mahiwagang Pag-ibig ni Lola Sinderela (LEA Productions, starring Amalia Fuentes and Nestor de Villa), Mga Prince Charming ni Lola Sinderela (AM Productions, with Amalia, Bernard Bonnin, Bernard Belleza and Romano Castelvi), Ang Uliran…Imelda (Pilar Pilapil, Boots Anson-Roa and Amalia Fuentes), Kulay Dugo Ang Gabi, Sumigaw Ka Hanggang Gusto Mo, Kahit ang Mundo’y Magunaw, etc.
Susan Roces starred in some Omagap stories including Sino Ang Maysala? (with Romeo Vasquez) and Florinda which Susan herself produced under her own Rosas Productions and which was later adapted as a TV drama by ABS-CBN.
Omagap’s father was a sculptor and her mother was a dressmaker.
The wake is at his home on Block 1 Lot 36, Maryland Homes, Purok 3, Landayan, San Pedro, Laguna.

Tuesday, January 4, 2011

FOODCOURT Komiks ni Andoyman

Photobucket

Ang FOODCOURT Komiks ay likha ni Andoyman. Photocopied at nabili ko sa halagang P35, and you guessed it right, wala uling senior citizen’s discount. Wala ring page numbers kaya binilang ko pa, 28 pages.
Hindi takot magdrowing ng maraming tao si Andoy kaya malaki ang potential. Pag ang artist ay mahilig sa crowd scenes, nakakabilib. Hindi pa ganoon ka-define ang mga characters, art-wise ay marami pang kulang pero ang laki-laki ng potential.
Kyut ang kuwento na pang-teeny bopper. First crush. Madaling makakakuha ng atensyon ng readers. Gist ng kuwento, laging inaabangan ng guy ‘yung girl na crush niya sa food court, at magsisimula siyang mag-daydream. Nakakakilig ang mga eksena. The story will remind you kung paano mo naramdaman ang kahulugan ng salitang pag-ibig sa unang pagkakataon. Kung paano magkulay-rosas ang paligid pag nakikita ang lihim na itinatangi, parang naglalakad sa gitna ng lemon-scented rain. Shade of Geneva Cruz’ hit single “Kailan”.
Panalo ang kuwento ni Andoy. Kung nagsulat siya noong ‘80s or ‘90s, tiyak na mapa-publish sa Love Life o sa ibang love story-oriented comics natin ang Food Court. Kung sa akin niya isa-submit noon, approved ito sa Extra Special, and could have been illustrated either by Cal Sobrepena or Nar Cantillo.
May mga dapat ingatan lang si Andoy. Marami sa kanyang mga captions ang kumakain ng illustrations dahil masyadong mahahaba. Siguro ay konting tutok pa sa layout para hindi tamaan ang mga dibuho. Kung mahaba ang captions, puwedeng gawing CAPTION 1 and CAPTION 2, and so on.
Lower frame in page 20 (counting the cover as page 1) is an eyesore and a clear layout violation. Baka punitin ni Mars Ravelo kung nabubuhay pa ang comics legend.
Page 22 (again counting the cover as page 1) could have been better kung ang mahaba niyang caption ay ginawa niyang multiple captions since half of the page is white/blank. Wala naman akong nakitang significance kung bakit white/blank iyon aside from hindi siya naggawa ng collage or flashback ng kanyang narrative.
Medyo off din ‘yung naglagay na siya ng WAKAS na hindi pa naman tapos ang kuwento dahil may kasunod pa. Baka magalit ang ordinaryong reader. Opinion lang naman, siguro mas angkop na gumamit ng teaser na magbibigay ng impact sa kanyang concluding page, na puwede pa rin niyang hindi lagyan ng wakas kundi teaser uli para may aabangan pa ang readers since marami pang puwedeng mangyari sa kanyang mga bida.
Bata pa si Andoy at sa palagay ko ay tama ang genre na kanyang pinili dahil alam na alam pa niya ang feelings ng kanyang mga karakter. Siguro ay hango ito sa kanyang karanasan na sinahugan lang ng creativity. Simple, honest, cute at kahit sino ay makaka-relate; straight, bakla, tomboy, bata, matanda or “in a relationship”. Commendable ang paggamit niya ng punctuation marks, at kung may editing man sa teksto ay napaka-minimal.
Ang challenge ngayon kay Andoy ay hindi siya dapat ma-head over heels sa kanyang FOODCOURT. Anu-ano ang mga susunod pa niyang kuwento? Masisiyahan ba akong muli? Kailangan niyang ma-maintain ang kanyang momentum at sana ay huwag siyang maging one hit wonder.
Sinabi ko sa umpisa pa lang na malaki ang potential ng kanyang artworks kaya sana ay gastusan niya ang pagde-develop ng kanyang skills. Mag-attend ng workshops, bumili ng reference materials, huwag tumigil sa pag-eensayo. Gayundin sa pagsusulat; magbasa pa nang magbasa at mag-attend ng writing workshops para lalong mahasa ang talento. Kung hindi pa siya graduate ay tapusin niya ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Mapagsasabay naman ang paggawa ng komiks at pag-aaral.
At dahil diyan, may nag-text! Andoy, since bata ka pa at gusto kitang ma-motivate, may libre kang 0.7 Rotring mechanical pencil mula sa akin, and 3 pieces of Uni drawing pen.

Saturday, January 1, 2011

cheers!

Photobucket

WOW!
Ang hirap magpaalam sa 2010, isang taon na sobrang charmed ang buhay ko. Pero ang 2011 ay nangangako rin ng isang makulay at matagumpay na taon para sa akin. I saw the signs.
Looking back, ang pinakamalaking achievement ko last year ay nang magtapos ng college ang aking anak, 17 years old, and with honors, na halos kasabay pa ng selebrasyon ng Father’s Day.
Makinang din ang career. Nag-four colors na ang ‘Wow ‘Pinas!’ at bago matapos ang 2010 ay naaprubahan ang Saudi edition na magki-kickoff this year.
Nagkaroon ako ng dalawang projects sa ABS-CBN Foundation at Asian Development Bank tungkol sa Ilog Pasig.
This year ay lalabas na rin ang “Eksena Magasin”, a new project from the publisher of the glossy Asian Dragon. Kasama ko rito ang mga “tiyahin” ko na sina Tita Opi at Tita Josie at ilan sa mga dati kong kasamahan sa The Manila Times (though baka bi-monthly lang ang labas nito). Matutunghayan din dito ang “Sanduguan” novel ni Ner Pedrina (na nagustuhan ng publisher).
Eleven years na pala ako sa The Batangas Post, ang pinakamatandang newspaper sa Calabarzon area. Bago natapos ang taon ay nakatanggap pa kami ng sulat mula sa Department of Trade and Industry dahil nag-react sa ginawa kong editorial tungkol sa pagtaas ng mga bilihin. Mapapansin ninyo, kahit community paper lang, tinututukan ng mga ahensya ng pamahalaan. Dito ko rin madalas i-promote ang Komikon at mga indie creators in a positive way. Kaya kayong mga gumagawa ng komiks, chances are ay kilala kayo sa Calabarzon. Too bad na hindi ako nakapagtatabi ng copies.
Magbubukas din ang isang online publication na magpi-feature ng mga Tagalog romance pocketbooks. Isa ako sa mga naimbitahan para kunin ang rights na mailagay rito ang mga nasulat kong pocketbooks. I’ll let you know kapag open na ang site.
I still have a live contract with The Buzz Magasin. TBM is my baby. Kahit kung minsan ay medyo nakararanas ako ng problema sa magasin na ito ay ito ang pinakamahal ko. Basta panahon ng deadline, tutok talaga.
My failures last year, hindi ako masyadong naging aktibo sa Komikon kaya babawi ako ngayong 2011. Maraming bagets na artists na gusto yata akong maka-tandem. Game. Sana kaya ko ang budget n’yo. Gusto ko ring mag-Manga. Right now, I’m having a certain Kathleen Estampador (female artist) as a “project”, may ipinapaayos pa ako sa art style niya. Ibinigay kong peg sa kanya ang Monster Allergy para kahit Manga, mapapalabas na Pinoy pa rin ang characters. Na-impress ako sa characters and layout niya kaya naisip kong bigyan ng break.
Hindi rin ako nakapag-enroll para matapos ang course. Wala rin akong nadaluhang workshops maliban sa in-house ng WP at TBM.
Seventy percent naman ang sa palagay ko ay na-achieve ko sa health. Regular akong nakapag-e-exercise, walking at maingat sa pagkain. Na-maintain ko ang waistline na 29” (by Levi’s standard), at weight na 130 lbs. na normal para sa aking edad at height. Nagpa-check up din ako ng mata dahil lahi kami ng may katarata. Medyo malabo na kasi ang mga mata ko. Okey naman, walang problema ayon sa ophthalmologist pero hindi na nga lang 20/20 ang vision.
Nagkasundo na rin kami ng mga kapatid ko na matagal na panahong hindi ko kinausap. May mga pamangkin akong binigo ako sa pagpapaaral sa kanila na pinatawad ko na rin. Maging ang mga taong nagkasala sa akin ay pinatawad ko na, at ang mga nagawan ko naman ng kasalanan ay hiningan. Ganito pa rin ang mantra ko this year. Walang pinakamainam kundi ang buhay na puno ng kapayapaan, at magagalit lang ako paminsan-minsan para mabalanse naman.
Plans for this year, gusto ko pa ring mahasa ang English ko. Okey naman, hindi nga lang ako confident. Siguro ay isang mahaba-haba pang session sa AIEP at lalakas na ang loob ko.
Ipinaaasikaso ko na rin sa isa kong pinsan ang aking transcript of records sa pinanggalingan kong kolehiyo sa Batangas. Ayoko nang lumampas ang panibagong pagkakataon na makapag-enroll ngayong 2011.
Mas seryosong health habits, at sabi nga ni JM (The Cool Canadian), dahil malakas ako sa tinapay, iwasan ang white bread. Gusto ko na ring matutong mag-bike this summer. And yes, mag-enroll sa karate school ni Gretchen Malalad. Nagka-green belt ako noong 1988 pero hindi ko na naipagpatuloy. At 40s, naisip kong ito siguro ang magandang body conditioning. I’ve contacted Gretchen via online, at nag-inquire kung puwede pa ako. Actually, may mga estudyante raw siyang 60 years old. Mang Nestor, Mang Abe, Mang Rico, pwede pa!
Well, happy New Year po sa inyong lahat. Salamat sa patuloy na pagsubaybay. Isa pa rin sa plano ko ang makapag-review ng maraming indie komiks, at makapagsulat sa blog na ito at least 5 times a month. Ang wish ko naman ay simple lang: Ang maging masaya kaming mag-anak.
Sumaating lahat ang magandang buhay ngayong 2011!
(Larawan mula sa www.transparent.com)