Wednesday, July 16, 2008
'quo vadis, jero?'
Si Jero ay likhang karakter ni Benjie Felipe na editor-in-chief ng Sindak Horror Thriller Magazine at ng iba pang writers ng The Buzz Magasin, at binigyang-buhay naman ni Gener Pedrina. Ito ang nag-iisang nobela sa Sindak.
Ang mas tama yatang titulo ng blog entry na ito ay ‘quo vadis, sindak?’ lalo pa at ang FAQ sa akin ay: “Kailan lalabas ang Sindak 2?”
Maganda kasi ang expectation ng marami sa nasabing horror mag.
Kahit ako, naniniwala na maganda ang future ng magasin. Kung nagustuhan ninyo ang first issue, ang mga nakahandang materials para sa #2 ay may malulupit, lalo na ang tambalan nina Rommel Fabian at Roderick Macutay.
Sa ngayon ay uncertain na ang future ng Sindak. Wala pang final say ang management lalo pa at nasa kategorya naman ito na special project (pasulput-sulpot lang ang paglabas at hindi regular), pero ayoko rin naman na hindi ipaalam sa lahat ang tunay na estado nito. So, I am making it clear na sa ngayon ay uncertain pa ang future nito.
Inayos na namin ang payment para sa mga nag-submit ng materials sa issue number one, just wait for my email kung kailan ninyo masisingil ang inyong fee—it won’t be long. I apologize sa ibang nag-pitch na hindi na nagamit ang materials. ‘Yung iba na naabala ko, I’ll get in touch with you, guys.
As for Jero, I’ll suggest to Benjie and his co-creators to have it finished for the forthcoming Komikon. It’s a great concept; great character that’s why Ner is always excited doing it.
I can sense everyone’s dismay, and I’m taking full responsibility with what happened.
Friday, July 11, 2008
the buzz august 2008 issue
OUT na ito sa market middle of July 2008. Masaya ako sa issue na ito dahil sa mga mahahalagang desisyon na ginawa ko, at dahil na rin sa isang napakaimportanteng development na hinihintay namin ng aking mga kasamahan.
Loaded ito ng pinakamaiinit na local showbiz buzz, blind items, at present din ang local superhero na si Timawa. Masarap basahin para malibang naman tayo kahit pa patuloy na tumataas ang presyo ng langis.
Subscribe to:
Posts (Atom)