Sunday, April 25, 2010
CJC twits critics
HINDI sa 'Twitter' nag-twit si CJC kundi sa balita sa TV. Uhm, sa Channel 7 ko napanood, he-he. Nakatanggap ang dating magkokomiks ng award something sa Star Awards. While holding his trophy, aniya, sasakit na naman daw ang kalooban ng kanyang mga kritiko dahil sa natanggap niyang award, at mukhang magtatagal pa siya sa pagtanggap ng mga awards.
Wala naman sigurong manggagalaiti sa award niya ngayon dahil pakialam ba ng mga nagmamahal sa komiks sa Star Awards? Mga taga-komiks ang kritiko ni CJC, hindi televiewers o nanonood ng kanyang massacre films. Mga taga-komiks na umalma sa kanyang National Artist Award dahila alam ng mga ito na mas maraming nauna sa kanilang hanay na karapat-dapat na bigyan ng parangal bilang alagad ng sining.
Kung buhay pa ang idol kong si Banong Cruz, alam ko na ang isasagot kay CJC ng paborito kong movie columnist noon.
Saturday, April 24, 2010
watching the peeps
ISANG libangan ko pag Komikon ay manood ng tao at pag medyo sinipag ay kumuha ng litrato. Iba't ibang klase ng tao ang dumadalo sa event na ito; may mga pamilyar na, may mga bago.
Nakakatuwa ring maobserbahan kung minsan ang pagbabago sa mga dumadalo sa Komikon na obvious sa kanilang pisikal na anyo. Sa mga comics creators, makikita naman iyon sa kanilang ginagawang komiks at personalidad.
Ang picture sa itaas ay kuha ko sa isang comics creator sa indie section noong 2007. Ang alam ko ay regular siyang sumasali sa event. Muli ko siyang nakita noong April 17, heto na siya ngayon. Sayang, wala akong kopya ng mga komiks niya. Nalaman ko sana kung ang thought balloon ay may kinalaman sa kuwento niya, o ito talaga ang nasa isip niya while selling her comics.
I would like to believe it was just a mere marketing ploy then. But isn't it interesting?
Sunday, April 18, 2010
sa susunod ulit, ha?
(Sa dami ng bisita, ilang cartolina ang ginamit para maging guest book. Hindi pa lahat pumirma diyan, ha?)
NEXT week is deadline week for The Buzz Magasin, at bago matabunan ang nakaraang Komikon, kailangang may blog report. Masaya, and just the same, marami muling natutunan.
Ang pinakaimportanteng bahagi rito ay nagkikita-kita ang mga nagsusulong ng Pinoy indie comics, mga suki (na patuloy na nadaragdagan), at mga dating magkakakilala at magkakaibigan.
Wala akong pressure sa event na ito ngayon dahil sumali ako na handang malugi. Malaki ang bilib ko sa story na aking ginawa, pero dahil nag-experiment ako, it might boomerang kaya inilagay ko na sa isip ko just in case na hindi mabenta, okey lang. Charge to experience… at sa ATM card, he-he.
Partly correct ako sa aking intuition. Hindi na-sold out ang ‘Wala Pa No’ng Internet’ at may natira pang 15 copies (na bibilhin naman daw ng aking mga kaopisina at contributors ng The Buzz kaya technically ay mauubos din). Naparami kasi ang kopya na ipina-print ko, pero sa dami na rin naman ng nabenta sa Komikon, break even na sa lahat ng gastos.
Ang revelation sa akin ay ang unang edition ng Comicspotting na majority ng story ay guhit ni Novo Malgapo. Wala na sana akong planong magpa-print nito pero last minute ay nagdesisyon akong magpahabol ng kopya. Maagang naubos, at tingin ko, kaya lang nabibili ‘yung ‘Internet’ ay dahil dito. Nang ‘Internet’ na lang ang ibinebenta ko, medyo matumal na. At ito ang mga factors:
1. Prosa kasi ang ‘Internet’ at mas gusto pa rin ng mga bumibili sa Komikon na fully-illustrated ang bilhin
2. Medyo turn off sa mga kababaihan ang cover na tinutuli, at nauunawaan ko iyon
At any rate, masasabi kong dahil sa ganda ng benta ng unang volume at halos naubos din naman ang ikalawa, wala na akong mahihiling pa.
Marami pa ring tao kahit bakasyon ang mga estudyante at sobrang init ng panahon. There were diehard comics fanatics na galing pa sa probinsya at halos lahat ng kopya ay binibili.
Highlight ng event ang autograph signing ng Renaissance book na kasama sa mga artist ang Kapamilyang si Ner Pedrina, at ang talagang kapamilya ko na si Ben Nacion. Bennac (nickname niya) is my wife’s first cousin. Nagpaliwanag din ang buong grupo ng Bayan Knights kung paano sila nabuo, and to what direction this amazing group is heading.
As usual, ang main attraction ng event ay si Gerry Alanguilan na talagang napakaraming fans. Nakakainggit ang mamang ito; ang husay na, ang guwapo pa.
Nagbasa muna ako ng mga blogs ngayon at dinalaw pala si Gio Paredes ni Sweet Lapuz. Sikat na rin si Gio. Ops, mas tamang sabihin na lalong sumisikat si Gio dahil dati na nga pala siyang sikat.
Malakas din ang benta ni Macoy ‘The Mascot’ ng kanyang mga comics, at may mga bago pala siyang inilabas ngayon.
Nag-launch si Hazel Manzano ng ‘Proud Callboy’ kasunod ng napakamabentang ‘Callwork.’
Successful din ang dalawa kong katabi sa mesa. Ayon kay Ner ay maganda ang kita niya ngayon mula nang magkaroon siya ng sariling printer. Pag colored kasi ay puwedeng mas mataas ang cover price. Sold out naman ang ‘Love Story’ ni Omeng Estanislao, bukod pa sa kanyang mga merchandise na marami ang humanga dahil ang liliit na nga, at kinamay lang. Marami na ring fans si Omeng kaya laging inspired basta may Komikon.
Nakamayan ko na rin Carlo Vergara na bumili ng aking komiks. Naroon din si Dennis Villegas na hindi nagpapalagpas ng Komikon.
Nasorpresa ako na naroon pala ang aking Pareng Fermin Salvador. Meron silang ginagawang project ni Randy Valiente. Nagulat si Fermin sa dami ng tao, lalo na ‘kako kung hindi bakasyon.
Marami ring mga dating taga-GASI gaya nina Arman Francisco, Ron Mendoza, Ronald Tabuzo at mga artists na hindi ko masyadong matandaan ang mga pangalan. Sa obserbasyon ko, mas active ang mga taga-GASI sa pagsilip sa Komikon kaysa sa mga taga-Atlas dati. Maliban kay Jason na sabi sa akin ay assistant editor ngayon sa Atlas, wala na akong nakitang dating kasamahan. Busy siguro sa mga raket sa kampanya.
Malapit lang kami sa table ng mga beteranong artists gaya nina Rico Rival, Abe Ocampo, Jun Lofamia at Karl Comendador. Marami pa ring fans ang mga veterans—na sa palagay ko ay walang tatalo pagdating sa dami ng nagpapagawa ng portrait. Ang daming naghintay kay Mang Nestor Malgapo, pero sabi ni Novo sa akin sa text, pag Sabado talaga ay sagad-sagad ang schedule ng kanyang tatay. May portfolio naman si Mang Jess Jodloman na inayos ng kanyang anak na si Grace. Ang tindi ng artworks ni Mang Jess—walang adjective na pwedeng gamitin para ma-describe ang kanyang drawings.
Marami ring tao sa indie section, at malulupit ang komiks ng mga kabataang naroroon. Ginagastusan na rin nila ang printing ngayon.
May magkabarkada, isang babae at isang lalaki, na lumapit sa table ko. Hinawakan ng lalaki ang komiks at tinanong ang babae: “Ano’ng ginagawa sa kanya?” Sagot ng babae, “Tinutuli, ano ka ba? Hindi mo ba alam ‘yon?” Ibinaba ng lalaki ang komiks at umalis na. I have a strong suspicion na…
Na wala siyang pambili, he-he.
Maraming nakahilerang Komikon this year, at sa nakita ko noong April 17, magandang senyales na magiging banner year ito para sa mga indie comics creators.
My advice, huwag silang maapektuhan ng mga comics review. Gawa lang nang gawa ng comics. Pag may nagre-review kahit negative, ibig sabihin ay may nagbabasa at bumibili. At ang mga kritiko naman ay talagang laging ang negative ang sasabihin kasi nga critic sila. Ang kritisismo ay 97 percent OKRAY, 3 percent OKAY. At sa aking palagay, mas may challenge gumawa ng komiks kapag ang komiks mo ay inookray.
Okay?
At sa mga readers at suki na patuloy na dumarami, salamat sa suporta at kitakits uli sa susunod, ha? I’ll ask PIOLO PASCUAL to sit in my booth para lang matalo ko sa haba ng pila ang nagpapa-autograph kay Gerry Alanguilan!
(SUPER SUKI: Galing pa sa Sta. Rosa, Laguna si Paulo at namakyaw na naman ng komiks. Basta may Komikon, ang daming budget nito.)
Wednesday, April 14, 2010
my official Komikon 2010 entry
THIS is it! Medyo nakakahinga na ako nang maluwag dahil sa wakas ay nagkalinaw na rin. Akala ko ay hindi na aabot, salamat sa aking mga Kapamilya (Omeng Estanislao who did the cover, and The Buzz Magasin art director Willy Dizon na siyang naglatag ng inside pages) sa suportang sining. Ang dati kong kasamahan sa Atlas Publishing na si Art Columna ang gumawa ng mga illustrations.
Proud ako sa kuwentong ito dahil last year ko pa ito nakonsepto. May isang indie film outfit na nagkainteres gawin ito into movie pero hindi nag-materialize ang aming negosasyon. Hindi ko pa tapos ang kuwento noong basahin nila, at habang hinihintay ko ang kanilang desisyon ay nawala ako sa momentum. Nitong Holy Week ko lang nirepaso at tinapos.
MAg-e-enjoy kayo sa kuwentong ito. Matagal na akong hindi nagsulat ng mahabang nobela(almost 13,000 words), and somehow ay nagpakita muli ako rito ng prose writing savvy.
So, kita-kita tayo sa Komikon ngayong Sabado at suportahan sana ng mga readers ang sumusulong na industriya ng independent Pinoy komiks.
Monday, April 12, 2010
Komikon 2010
ILANG araw na lang at Komikon na. Hindi pa tapos ang komiks ko, pero hopefully hanggang Huwebes ay matapos ko na rin.
Isa sana ito sa mga entry ko pero hindi na umabot, baka sa October na lang. Magpa-plug ako ng bagong cover ng siguradong ilalahok ko by Thursday. Excited lang sana ako sa kuwentong ito, pero ayoko namang madaliin. Below is a rough cover done by Rommel Estanislao:
Isa sana ito sa mga entry ko pero hindi na umabot, baka sa October na lang. Magpa-plug ako ng bagong cover ng siguradong ilalahok ko by Thursday. Excited lang sana ako sa kuwentong ito, pero ayoko namang madaliin. Below is a rough cover done by Rommel Estanislao:
Thursday, April 8, 2010
I’ve read the news today, oh boy!
ACTUALLY napanood ko sa TV. At hindi ako makapaniwala na ganito na pala ang news reporting sa atin ngayon.
You’re a news reporter, nakakuha ka ng ‘dokumento’ sa isang internet site, you printed out the document and considered it as an ‘evidence’. And then pinuntahan mo ang subject sa document at tinanong mo kung totoo ang nilalaman niyon.
Kung ikaw ang subject, kahit gaano pa kaganda ang sinasabi sa iyo ng isang dokumento na hindi mo alam kung saan nanggaling, aamin ka ba? Much more kung negative iyon.
Anyway, may binanggit na isang institution ang nasabing document from the internet. Hindi ba mas tama na unahing tanungin ang nasabing institution dahil diumano ay galing dito ang nasabing dokumento dahil sa letterhead? Hindi ba at mas makapagpapatunay ang nasabing institution sa pagiging authentic ng nasabing document kaysa ipababasa mo sa subject at tatanungin ito, pointblank, sa katotohanan ng mga nilalaman?
Kasinghina ang pangyayaring ito ng pagbabalita na gumagamit ng “reliable source” o kaya ay “source na ayaw magpakilala”. At ang mga internet sites ay hindi maituturing na reliable source of information, alam naman natin iyon. Ang ganitong paraan ng news reporting na gumagamit ng hindi authentic na mga impormasyon ay hindi ang tamang pagbabalita—kundi paggawa lang ng balita.
Sana ay hindi ganito ang itinuturo sa mga journalism class ngayon.
Subscribe to:
Posts (Atom)