Friday, June 14, 2013

Goodbye, Junior... (March 22 - June 14, 2013)

http://s163.photobucket.com/user/kc013_photos/media/juniora_zps30075e8c.jpg.html" target="_blank">http://i163.photobucket.com/albums/t309/kc013_photos/juniora_zps30075e8c.jpg
" border="0" alt=" photo juniora_zps30075e8c.jpg"/>
http://s163.photobucket.com/user/kc013_photos/media/juniorc_zps161a2be3.jpg.html" target="_blank">http://i163.photobucket.com/albums/t309/kc013_photos/juniorc_zps161a2be3.jpg
" border="0" alt=" photo juniorc_zps161a2be3.jpg"/>
http://s163.photobucket.com/user/kc013_photos/media/juniorb_zps395fa7ae.jpg.html" target="_blank">http://i163.photobucket.com/albums/t309/kc013_photos/juniorb_zps395fa7ae.jpg
" border="0" alt=" photo juniorb_zps395fa7ae.jpg"/>

SI Junior ay isa sa anim na tuta na kasama sa huling batch na anak ng aming mga alagang aso. Kapatid siya ni “Jax” ni Rommel Estanislao.
Tatlong beses nang nanganak ang aming aso; 5 sa first batch, 5 sa second at anim nga sa pinakahuli. Sa kabuuan ay 16 na ang na-produce ng aming alagang mag-partner na dogs.
Si Junior ay napunta sa pangangalaga ng best friend-slash-high school classmate ni misis. Na-amaze ang kanyang BFF sa mga kakatwang offspring ng aming alagang aso na magkaiba ng breed, at nagsabing bigyan naman siya kapag nanganak.
Dahil matagal silang hindi nagkita ni misis, nang magkaroon na ng mga pups ay dalawa kaagad ang kanyang hiningi—at hindi nakatanggi si misis. Binigyan siya ng pair—isang male at isang female.
Excited siya sa mga puppies. Mula nang makuha niya, araw-araw siyang may update kay misis ng development  ng dalawang tuta; kung paano dinala sa veterinary, pinagawaan ng higaan, kung anu-anong mga laruan at pagkain. Lagi rin daw katabi kapag natutulog. At siyempre sa ganang amin, bilang dating may-ari, ay masarap sa pakiramdam iyon.
Mas may special bond daw siya kay Junior. Sabagay, kung ganyan ang hitsura ng puppy, sino ba namang hindi mai-in love? At napakabait daw, kahit gumagamit siya ng laptop at nasa kanyang kandungan, behave lang.
Noong June 14 ay nakatanggap ng malungkot na update si misis mula sa kanya. Abut-abot ang kanyang hingi ng sorry.
Sa kuwento niya, nakalabas ng gate si Junior, nahagip ng rumaragasang motorsiklo—and died instantly!
Ang alam ko, lahat ng anak ng aso namin ay buhay pa at malulusog. Nakakalungkot lang na naganap kay Junior ang ganitong aksidente.
Apektado kaming mag-anak dahil kumbaga, first loss iyon sa aming pamilya dahil ganoon namin ituring ang aming mga nagiging puppies. For two months ay nakasama namin si Junior, at alam namin na malambing siya at mabait. Nakakahinayang lang na sa loob ng dalawang buwan at 22 araw ay nawala na agad siya.
Ayon sa kaklase ni misis ay apektado rin siya at hindi pa maka-move on. Binigyan daw niya ng disenteng libing si Junior; ibinili ng damit at binalot sa magandang tela. Somehow, nakabawas iyon sa aming dalamhati.
Goodbye, Junior. Sayang at hindi ka na namin nakitang lumaki. Thanks for the memories...

Friday, June 7, 2013

alinlangang puso


 
NAKAUSAP ko si Luke noong isang araw. Dati ko siyang kasamahan sa isang publication at naging instrumental ako para malaman niya ang kanyang potential at makahanap ng trabaho na mas maganda ang kita. Ang bagay na iyon ay labis niyang ipinagpapasalamat sa akin.

Mahusay magsulat si Luke, mabait at magaling makisama. Isa siyang gay, pero hindi lantad. Aminado siyang puso lang ang bakla sa kanya. Hindi siya nagbo-boyfriend. Sabi ko sa kanya, baka naman at the end of the day ay umibig pa rin siya sa isang babae.

Paminsan-minsan ay nababanggit niya sa akin na “humahanga” siya sa isang babae. Usually, ang mga nakakakilala niya na hanga siya, kung hindi nakakailang boyfriend na, single mom naman. May isang insidente pa nga raw na isang single mom na close sa kanya ang nagpasama sa kanya na mag-grocery, nakita sila ng mga kakilala nito at inakala na siya ang ama ng anak nito. Na hindi naman daw kinontra ng babae.

Sabi ko, siguro ay gusto siya noong babae, at ang hindi nito pagsansala sa akala ng mga kakilala ay pahimakas na aprubado rito na maging ama siya ng anak nito. Natawa siya.

At nagkuwento ako sa kanya ng mga sitwasyon na may mga kakilala akong gaya niya na may pusong babae na pinakakasalan ang isang babaing may nakaraan na. Kung minsan naman, pag medyo nagsosoltero na ay saka naghahanap ng companion na opposite sex. ‘Yung iba naman na pinaninindigan ang pagiging gay, ay kapwa lalaki rin ang nagiging companion. Ayaw raw naman niya ng ganoon.

Naikuwento na raw niya sa mga kapatid ang kanyang kalagayan. Late 20’s na siya nang magtapat sa kanyang mga kuya. Nang sumapit naman siya sa edad treinta ay nagtapat na siya sa kanyang ama’t ina dahil nai-stress na siya sa mga ito at hinahanapan siya ng apo. Apo raw agad ay ni wala pa nga siyang girlfriend.

Naunawaan daw naman siya ng kanyang mga parents sabay payo na huwag na huwag uubusin ang kanyang pera sa mga lalaki. Natawa tuloy siya sa perception na basta bakla ay parang hayok naman sa lalaki ang dating at kailangang bumayad ng kandungan.

Ang naging pag-uusap namin ay tungkol sa pagyao ng kanyang lolo. Mahal na mahal raw niya ang matanda. Isa pa, habang nakatingin daw siya sa namayapa niyang lolo ay nag-iisip siya. Paano pag siya na ang dumating sa sukdulan ng buhay? Kung wala siyang asawa, sino ang mag-aasikaso sa kanya? May mga kapatid nga siya pero paano kung hiwa-hiwalay naman sila sa panahong siya’y may sakit?

Nakaramdam daw siya ng takot.

Saka niya na-realize na darating ang panahon na nag-iisa siya. Kung ngayon daw na nakakulong siya sa pusong babae ay pakiramdam niya’y nag-iisa na siya, paano pa kaya sa kanyang pagtanda?

Sabi ko sa kanya, naging maganda ang kanyang disposisyon na kahit pusong babae siya ay hindi siya pumatol sa lalaki. Bagaman at may ilang nakakahalata na gay siya, at aminado siya sa bagay na ito sa kanyang pamilya, buo pa rin ang kanyang pagkatao. Malinis ang kanyang personalidad. In the long run, sakali mang dumating na ang babaing para sa kanya; birhen man ito o may karanasan na, maipagmamalaki niya rito na siya bilang lalaki ay walang madilim na kahapon na kailangang pagtakpan.

Si Luke ang isang halimbawa ng mga may alinlangang puso na dapat tularan. Oo, babae ang kanyang puso pero hindi dahilan iyon para pumatol sa kapwa lalaki at magpakabalahura. Hindi nga ba’t kaya babae ang puso, dapat ay may respeto sa sarili dahil ang turing sa sariling pagkatao ay babae rin?

Sabi ko pa sa kanya, posibleng ang pagkawala ng kanyang lolo ang susi para makita niya ang tunay na sarili. Na baka nag-enjoy lang siya sa thought na isa siyang girl, pero sa bandang dulo, gagamitin pa rin niya ang tunay niyang kasarian na bigay ng Diyos.

At nakita ko sa kanyang mukha ang pagsang-ayon. Dahil dito, umaasa akong sa pagkikita naming muli ay baka may maikuwento na siya sa akin na babaing sa pagdating ng panahon ay gusto niyang maka-share the rest of his life with.