Sunday, December 5, 2010

free comics at nbs powerplant, Dec. 5

SUMILIP kaming mag-asawa sa ginanap na Free Comic Books sa National Bookstore, Power Plant, Makati City (Rockwell). Sale din kasi sa Planet Sports at nasa 40% ang discount sa paborito kong Nike Shoes. Siya ang nakabili, ako hindi.
Maraming tao sa libreng komiks ng NBS at naglalakihan ang mga pangalan nang dumalong Pinoy comics artists. Pag ganitong okasyon, ang hirap sumingit para lang makita ang mga kaibigan nating artists, kaya pasensya na sa medyo malalabong kuha.

Photobucket
Ang ipamimigay na libreng komiks.

Photobucket
Mahabang pila ng mga iiskor.

Photobucket
Sold out, parang pila sa Harry Potter movie.

Photobucket
Omeng Estanislao kasama ang crowd.

Photobucket
Gener 'Ner' Pedrina na maraming nakapila para magpa-sketch.

Photobucket
Wala pang maupuan ang fast-rising international artist na si Reno Maniquis.

Photobucket
Ang mga sikat. Nakatingin sa camera si Ben Nacion.

Photobucket
Konting trivia. First cousin ng misis ko si Bennac kaya may photo op siya sa kanyang famous pinsan, kasama ang sikat din na si Aaron.

Photobucket
Ang pinakamatinding photo op, kasama ni misis ang pinakasikat na Pinoy comics artist sa buong mundo, Leinil Yu.

Wednesday, December 1, 2010

inner conflict...

Photobucket

LATELY ay napapansin kong medyo makakalimutin na ako. Dahil ako ang klase ng tao na mahilig sa safety measures, bago ako umalis ng bahay at walang tao sa amin ay binubunot ko ang lahat ng electrical appliances sa pagkaka-plug sa outlet. Ngayon, malayo na ako sa amin ay hindi ko ma-recall kung nai-off ko ba ang ref at ang TV, naalis ko ba sa saksakan ang mga electric fans? Para makatiyak, bumabalik pa ako. Hassle…
Aminado naman ako na tumatanda na ako at may doubt na rin ako sa aking memorya. Hindi na ako gaya nang dati na malupit ang ‘memory card’ at kayang mag-memorize kahit gaano karaming phone numbers. Nang mauso ang cellphone, kahit ang number ko ay hindi ko makabisado. Kaya ang mga passwords ko sa e-mail ay inililista ko na, maging ang sa ibang site na kailangan ang username at passwords.
Kamakailan lang ay matinding kalimot ang nangyari sa akin. Hindi ko matandaan ang pangalan ng kapitbahay kong karpintero dahil may ipalalagari sana ako. Kahit anong piga ko sa utak ay hindi lumabas ang kanyang pangalan at kinailangan ko pang itanong kay misis—na nagkomentong sana raw naman ay huwag ko siyang makalimutan!
Anyway, noong isang araw ay nagkaroon ako ng guilt dahil palagay ko ay aksidenteng nakapandaya ako sa isang botika rito sa amin. Nag-withdraw ako sa bangko, nagdala ng maruruming damit sa laundry shop at pagkatapos ay bumili ng vitamins at ilang gamit sa katawan gaya ng sabon at deodorant at saka nga pala cellphone load. Habang bumibili ako ay nagkuwenta sa isip ang pharmacist, siguro ay para pahangain ako (o magpa-cute dahil ako’y bagong ahit—ahit Rubie, ahit pogi) sa husay niyang magkuwenta beho sa isip. Sabi pa niya sa akin matapos ang kanyang mathematical calculation: “Tandaan mo, Kuya, ha? P381.50 ang binili mo lahat.”
Pagbalik niya ay dala ang resibo at sukli. “Muntik na, Kuya,” sabi niya. “P381 lang pala! Pero pwede na, di ba?” Sa isip-isip ko, kung exam sa math, mali pa rin siya.
Habang papauwi ay nakakita ako ng okoy (lumpiang munggo at iba pang laman-loob) at para akong natakam. Mukhang malinis din ang sukang sawsawan kaya nagpa-takeout ako ng dalawa para tigisa kaming mag-asawa. Pagdukot ko sa bulsa ay nagtaka ako. Bakit parang sobra ang sukli mula sa botika?
Sa pagkaalam ko ay P500 lang ang iniabot ko sa pharmacist pero ang sukli ay pang-P1,000. Pero dahil galing nga ako sa bangko, at nalibang ako sa pagpapa-cute, este, pagkukuwento niya ay baka nga P1,000 ang naiabot ko. Hindi ko matandaan…
Nakarating ako sa amin na may pagdududa sa sitwasyon. Ang problema kasi, ang perang na-withdraw ko ay naisama ko na sa natitira kong pera at hindi ko matandaan kung ilan ang P500 at ang P1,000. Tinamad naman akong bumalik sa botika dahil medyo gabi na at maraming jejemon na nakatambay sa aming kalye na pag nakikita ko ay kumukulo ang dugo ko at gusto kong pagsasaksakin na isa-isa. Kaya lang, hindi ko rin naman magawa dahil ayokong maghimas ng rehas na parang si Gerardo Biong of the Visconde Massacre, at baka paglaya mula sa kulungan ay nagbabasa na ako ng Bibliya. Naku, mapapalaban ako ng debate kay Supremong Kapre, the great Flory Dery!
Anyway again, habang kinakain ko ang lumpia na may maasim-maanghang na sukang sawsawan ay iniisip ko ang “sobrang sukli.” Ayokong makalamang sa kapwa, the same way na ayoko rin namang malalamangan. Naalala ko tuloy ang insidente sa Komikon October 2009 sa Megamall. Magkatabi kami ni Ner Pedrina, may bumili sa kanya ng Sanduguan issues worth P300. Inabutan siya ng buyer ng P1,000, at sinuklian niya ng P700. Maya-maya, hinahanap na niya ‘yung P1K. Ipinatong lang daw niya sa table pero nawala. Hindi na niya nakita. Masaklap, nawalan na siya ng komiks worth P300, nawala pa ‘yung P1K. Pero hindi naman siya nalungkot masyado dahil malaki naman ang kanyang suweldo. Nanghinayang lang siya dahil portion of his profit sana during that event ay ibibigay niya sa mga nabiktima ng Ondoy.
Balik tayo sa botika. Mahigpit sa pera ang may-ari niyon. Pag nagbayad ka ay talagang may pansilip siya kung japeyk ang iyong moolah. Mahilig naman siyang magsukli ng mga nabubulok nang denominations lalo na ang beinte pesos.
Nagkaroon din kami dati ng away. Matindi. Magsasara na sila minsan at bumibili ako ng gamot sa sakit ng ulo. P500 ang dala kong pera, at dahil mura lang naman ang mefenamic acid ay hinanapan ako ng kanyang pharmacist ng barya. Sabi ko ay wala. Sabi ko pa, tutal ay lagi naman ako roong bumibili, iiwan ko na lang ang P500 at bukas ko na kukunin ang sukli. Matindi lang talaga ang migraine ko.
Tumayo mula sa kaha ang may-ari at kinuha sa pharmacist ang pera ko at pagalit na isinoli sa akin, sabay sabing: “Sarado na ang kaha! Kunin mo ang pera mo, ayoko ng mga ganyang kondisyon pag magsasara na kami!” Sinabi niya iyon na parang isang Espanyolang nagalit nang todo sa hardinerong Indio.
Nawala ang migraine ko sa galit. Sabi ko sa kanya: “Mayabang ka, ha? Magkakasubukan tayo…”
Nasa Manila Times pa ako noon kaya ang nangyari ay isinulat ko sa aking kolum. Detalyado. Nakalagay pa sa title ang pangalan ng botika: “Walang budhi ang may-ari ng __________ Pharmacy.” Kinuwestyun ko kung lisensyado ba ang mga pharmacist dahil bakit mukhang mga menor de edad? Bakit hindi nag-iisyu ng resibo, nandadaya ba sa BIR? Bakit tumatanggi sa kostumer, hindi ba labag sa Consumer Act of the Philippines? Etc, etc.
Nakakunot ang noo ng aming editor in chief nang mabasa, at sabi sa akin ay mag-ingat daw ako sa libel. Sabi ko ay totoong nangyari, at dahil ako naman ay mabuting (ubu-ubo!) editor niya ay pinagbigyan ako na mailathala. Kinabukasan, nagdala pa ako ng kopya sa botika at sabi ko sa pharmacist ay ipabasa sa amo niya para mahimasmasan.
Matagal akong hindi bumili sa botikang iyon pero sabi ng mga kapitbahay kong suki roon ay nag-iisyu na raw ng resibo. Sinubukan kong minsan na bumili uli, may resibo na nga. But old habits are hard to break, kalaunan ay hindi na uli sila nagbibigay pero kapag ako ang bumibili, kahit sachet lang ng deodorant ay binibigyan ako. At ni minsan ay hindi na ako sinulyapan ng may-ari, kesehodang bagong ahit-Rubie ako.
Patuloy ang aking pagdududa kung sobra nga ba ang sukli o hindi. Kung sobra, dapat isoli. Kung hindi, siyempre ay hindi.
Paano ako ngayon makatitiyak? Naisip ko kung gaano kahigpit ang may-ari sa pera. Ilang beses niyang iniilawan sa machine na pang-test kung fake o hindi ang ibinayad sa kanya. Imposible naman na malusutan siya lalo pa kung malaki ang mawawala sa kanya. Kung magtatanong naman ako kung hindi ba nagkamali siya ng pagsusukli, paano kung umiral ang kasuwapangan niya at sabihing oo? Ako naman ang lugi.
Paano kung hindi ko isoli kung talagang nagkamali at sa pharmacist niya bawiin? Kawawa naman ‘yung bata.
Ang simple ng kuwento pero ang bigat ng conflict na nagkakahalaga ng P500. Pero ang totoong halaga ay ‘yung values ng tao. You see, kung hindi siya suwitik, hindi baleng ako na ang malugi. Na dahil duda ako sa memory ko, ibabalik ko na lang just to clear my conscience. Pero dahil madaya nga siya at malaki ang hindi ibinubuwis sa pamahalaan, mayroon akong doubt sa kanya na baka siya ang hindi maging honest. Ito ang kuwento na ang bida (ako) ay may conflict na pansarili (internal) na ang outer conflict (may-ari ng botika) ay hindi alam na conflict niya ay ako rin ang nagpapasan. Uh, that’s Creative Writing 101.
Dahil ako ang bida, ako ang gumawa ng resolusyon. Pupunta ako kinabukasan sa botika at pag sinabi ng pharmacist na sabi ng amo niya ay nagkamali siya ng pagsusukli, voila, wala nang problema. Heto ang P500, tapos ang kuwento. Everybody happy. Patayin ang mga ilaw, isara ang telon.
Kinabukasan ay dumaan ako. Wala pang ibang kostumer. Naroon ang may-ari. Ni hindi na naman tumingin sa akin. Nakangiti naman agad sa akin ang pharmacist at ang bungad niya: “Hi, Kuya, ano’ng bibilhin mo? Kukuwentahin ko uli sa isip, ha?”
Bumili ako ng load worth P100. This time ay sinigurado ko na ang denomination. Siyanga pala, hindi na kinuwenta sa isip ng pharmacist!
Sa reaksyon ng mag-amo ay mukhang wala namang problema. Ibig sabihin, hindi siya nagkamali ng pagsusukli sa akin kagabi. Somehow, gumaan ang aking pakiramdam.
Somehow…
Dahil aaminin ko I’m still doubtful… Hindi ko alam kung kailan ako matatahimik.
Magtatapos ang kuwentong ito sa isang resolusyon na ngayong marami na akong nakakalimutan ay magiging maingat na ako para hindi na maulit ang katulad na pangyayari. At dahil sa aking palagay ay kakaunti pa naman ang aking nagagawang kasalanan, (cough! cough!) kung nagkamali man ako sa disposisyon sa sitwasyong naganap, humihingi ako ng tawad. May mga kasalanang hindi sinasadya…

(Maraming salamat sa grouchyoldcripple.com na pinagkunan ko ng larawan sa itaas.)

Tuesday, November 23, 2010

special projects

MARAMI na akong naging projects noon outside of my regular load, pero masasabi kong recently ay pinakaespesyal ang Ilog Pasig storybook and household magazine. Bagaman at ako'y may malasakit sa kalikasan ay wala pa akong masasabi na malaking kontribusyon para masagip ito. Ang Tampisaw Storybook at ang Maybahay Gabay sa mga Nanay Magasin ang sagot sa mga kakulangan kong ito.
Ang layunin ng dalawang proyekto, bukod sa pagsagip sa mga ilog sa Kamaynilaan, ay ang mamulat din tayo sa tamang paggamit ng tubig. Magugulat kayo sa mga nilalaman ng dalawang babasahing ito, lalo na kung bakit mas malaki ang naidudulot na polusyon sa mga ilog ng maruming tubig mula sa mga tahanan kaysa sa mga solid waste.
Ang mga babasahing ito ay inisyatiba ng ABS-CBN Foundation at Manila Water, at pinondohan ng Asian Development Bank.
Maraming salamat sa ABS-CBN Publishing sa tiwalang ipinagkaloob para hawakan ko ang proyekto. Salamat kina Miss An (editorial director), Miss Cathy (brand manager), Sir Adel, Rizza, Dety, Omeng (nag-illustrate ng Tampisaw), Willy Boy (art director ng Maybahay), Mommy Ricci, Karen, Paulo, Tintin, Bernie, at gayundin kay Miss Winnie Cordero. Maraming salamat din sa mga taga-ADB at Manila Water, isang napakasaya at makahulugang karanasan na nakatrabaho ko kayo.
Sana'y ang mga proyektong ito ay magmulat sa ating mga kababayan sa mas higit na pagmamahal sa ating kalikasan.

Photobucket
Photobucket

Thursday, November 11, 2010

Picture! Picture!

Just testing my new iPod Touch, and while finishing the Kapit-Bisig sa Ilog Pasig Project. Topp Garperio, our Apple guru, taught me some of the Apps I never thought were installed in my new toy. Pasensya na, sanay ako sa Windows!

Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket

Monday, November 1, 2010

Isang kuwento ng palabra de honor…

Photobucket

ISANG magandang item sa isang online computer store ang nakaaagaw ng aking pansin dahil masyadong mababa ang presyo. Sabi ko nga sa sarili ko, too good to be true. Ang oras na nai-post ang item ay halos dalawang minuto pa lang. Agad akong nag-message sa may-ari ng item, nag-reply siya dahil nagkatong online pa, at nagkasarado kami ng deal na ako na ang bibili ng produkto niya.
Nagpalitan kami ng cell number, at nagkasundong magkita kinabukasan sa Shangri-La mall sa Mandaluyong City. Hindi pa rin ako makapaniwala na makukuha ko ang nasabing item sa ganoon kababang halaga.
Kinabukasan, bandang alas diyes ng umaga ay nag-text ako sa kanya at sinabing sure ako sa aming usapan. Hindi siya naka-log in sa online computer store pero nag-iwan pa rin ako ng message sa kanya na nagpapaalala ng aming deal just in case na mag-online siya. Alas dose ng tanghali, walang reply sa text o sa online computer store. Sabi ko sa sarili ko, mukhang na-goodtime ako. Bakit ba ako naniwalang ang nasabing item ay ibebenta sa ganoon kamurang halaga?
Nakatatlong text pa ako sa kanya. Bandang alas dos, nag-give up na ako. Wala, sabi ko sa sarili ko. Naloko lang ako at pinaasa.
Kaya nagulat pa ako nang makatanggap ng text message sa kanya bandang alas tres ng hapon na nasa Shangri-La na raw siya. Buti na lang at madali akong nakakuha ng taxi at agad nag-reply sa kanya na pakihintay lang dahil matrapik ang dinadaanan ko. Sa isip-isip ko, di man lang nagpasabi nang maaga-aga para hindi ako nagkukumahog!
Pagkarating sa mall ay agad ko siyang hinanap sa lugar na sabi niya ay pupuwestuhan niya. Nagbigay ako ng description kung ano ang suot ko, at ganoon din naman siya. Kaya madali ko siyang nagkita. Nagkamayan kami at nagpakilalahan batay sa ginagamit naming username sa online computer store. Kasama rin niya ang misis niya. Nasa mid-20s sila at parehong may hitsura at mahahalata na maayos ang antas ng kabuhayan.
Nang ipakita nila sa akin ang item, napahinga ako nang malalim. Sa wakas! Ang laki-laki ng natipid ko. Agad kong tiningnan ang kalidad at maayos naman, mukhang hindi masyadong nagagamit. Bukod pa roon, may ibinigay pa silang ibang peripheral dahil hindi na rin daw naman nila magagamit. Lalo akong natuwa. Sabi ko sa mag-asawa, Oktubre pa lang pero Pasko na ang aking pakiramdam. At nagpasalamat ako nang labis sa kanilang kabaitan.
Dahil ako’y likas na tsismoso ay nakipaghuntahan pa ako nang saglit sa kanila. Nalaman ko na pareho silang OFW sa Saudi, mga bagong kasal at narito lang sila sa Pilipinas para sa kanilang honeymoon. Biniro ko pa na dahil tag-ulan, malamang na makabuo agad sila ng baby. Masarap ang kanilang naging tawanan.
Sinabi ko sa kanila na napakamura ng item na nabili ko sa kanila at hindi ako makapaniwala hanggang sa mga oras na iyon. Nakatuwaan lang daw kasi nilang bilhin iyon sa Saudi pero di naman nila talaga kailangan. (Iba talaga pag may pera!) Pinaglagyan lang nila ng kanilang mga pictures. Ipinakita pa nila ang resibo ng tindahan kung saan nila iyon binili at kinuwenta na lang ang value sa pera natin kaya mura.
Sabi pa ng kausap ko, “May iba ngang naghahabol nang makita nila matapos kong mai-post sa online store. Sila pa ang nagtataas ng presyo makuha lang kasi nga alam nilang mura.”
Sabi naman ng misis ng kausap ko, “Kaya nga lang ay nauna ka na at nagkasundo na kayo sa presyong inilagay niya. Sabi ko sa kanya, panindigan na lang ang usapan n’yo kasi importante sa tao ang palabra de honor.”
Natigilan ako sa bahaging iyon. Palabra de honor. Uso pa nga ba ito? Ilan na lang ba sa atin ang pinanghahawakan ang pangakong binibitawan sa kausap?
Hindi ko alam kung bakit napuno ng tuwa ang kalooban ko nang mga oras na iyon. Sa maraming pagkakataon ay may mga kakilala tayong nawawalan tayo ng gana kapag alam nating puro pangako lang, puro salita pero hindi naman pinaninindigan. May mga opisyal ng pamahalaan na iniluluklok natin sa kapangyarihan gamit ang balota, pero kapag nakaupo na, lahat nang pangako ay napapako. At sabi ko nga, bahagi pa ba ng Filipino values sa panahong ito ang palabra de honor? Parang hindi na, di ba?
Pero heto sa harap ko ang dalawang mas nakababata sa akin at nagsasalita ng tungkol sa palabra de honor. At ang nakatutuwa, pinanindigan nila iyon sa isang estrangherong tulad ko.
Nakakatuwa talaga. At minsan pa, muling nagkaroon ako ng pag-asa. Hindi pa naman lahat sa ating mga Pilipino ay kinain na ng imoralidad at materyalismo. May mangilan-ngilan pa ring tama ang ginawang pagpapalaki ng mga magulang. At sa mag-asawang nakausap ko, saludo ako. Paminsan-minsan ay hinahambalos na rin ng katamaran sa pagiging matuwid ang aking katatagan at nawawalan na ako ng values, aaminin ko, pero dahil sa kanila ay natuto akong muling humawak sa poste ng mga kagandahang asal—na likas sa ating mga Pilipino.
Sana lahat tayo…

Friday, October 15, 2010

neglect, and paying dearly for it...

Photobucket

Photobucket

MATAGAL akong hindi nagpraktis mag-cartoons dahil naging sobrang busy sa kung anu-anong bagay. Ngayong umaga ay parang kinagat ako ng ‘artist bug’ at gusto ko sanang mag-doodle. Hindi ko na rin nabubuklat ang aking mga reference books na nasa ilalim ng aming hagdan. Nang kunin ko ang mga iyon, I got the biggest shock of my life...
Inanay lahat ang mga cartooning books!
Para akong binaril ng stun gun sa nakita ko. Paanong inanay ang mga libro samantalang ang plastic bag na pinaglagyan ko ay nakasarado naman? Regular din akong nag-i-spray ng Baygon. Wala akong makapang sagot pero nakakapanghina, nakakapanlumo ang hitsura ng mga libro. At wala ni isa na maisa-salvage sa mga ito.
Naalala ko ang maraming pagkakataon na naghahalungkat ako sa mga sales na art books. Ang iba na brand new kahit pikit-mata ay pinilit bilhin kahit masira ang budget. Nayari rin ng mga anay ang pinakapaborito kong reference na libro ni Randy Glasbergen na obviously ay ang style na kopyang-kopya ko talaga.
Ang problema sa mga ganitong libro ay hindi naman laging available sa mga bookstores at suwertihan din ang pagbili. At kung matagal mo nang ginagamit, kabisado mo na. Kung medyo hindi naagos ang creative fluid, isang tingin lang sa mga pahina ay makaka-sketch na. Para itong girlfriend na when you’re weary and feelin’ small ay parang bridge over troubled water na sasamahan ka sa kalungkutan.
Ngayon ako nagsisisi na hindi ako nag-provide ng Xerox copies, o kaya’y inilagay ko ang mga ito sa mas safe na lalagyan. Wala na...
Nangangahulugan ito na kailangan ko na namang magkakalkal sa mga bookstore, mag-ipon ng pambili at umasang suwertihin muli na makahagilap ng copy.
Kasalanan ko. Call it negligence, and I paid dearly for it...

Wednesday, October 6, 2010