Sunday, December 5, 2010

free comics at nbs powerplant, Dec. 5

SUMILIP kaming mag-asawa sa ginanap na Free Comic Books sa National Bookstore, Power Plant, Makati City (Rockwell). Sale din kasi sa Planet Sports at nasa 40% ang discount sa paborito kong Nike Shoes. Siya ang nakabili, ako hindi.
Maraming tao sa libreng komiks ng NBS at naglalakihan ang mga pangalan nang dumalong Pinoy comics artists. Pag ganitong okasyon, ang hirap sumingit para lang makita ang mga kaibigan nating artists, kaya pasensya na sa medyo malalabong kuha.

Photobucket
Ang ipamimigay na libreng komiks.

Photobucket
Mahabang pila ng mga iiskor.

Photobucket
Sold out, parang pila sa Harry Potter movie.

Photobucket
Omeng Estanislao kasama ang crowd.

Photobucket
Gener 'Ner' Pedrina na maraming nakapila para magpa-sketch.

Photobucket
Wala pang maupuan ang fast-rising international artist na si Reno Maniquis.

Photobucket
Ang mga sikat. Nakatingin sa camera si Ben Nacion.

Photobucket
Konting trivia. First cousin ng misis ko si Bennac kaya may photo op siya sa kanyang famous pinsan, kasama ang sikat din na si Aaron.

Photobucket
Ang pinakamatinding photo op, kasama ni misis ang pinakasikat na Pinoy comics artist sa buong mundo, Leinil Yu.

4 comments:

erwinc said...

Ka KC,

Nice to see you again in PowerPlant Mall last Sunday. Sayang at di ko na inabot itong signing ng mga batikang artists ng Renaissance.

Bisi-bisihan na rin kasi at tatlo na yung mga akay akay kong makululit na bubwit. Kitakits na lang ulit sometime. :-)

Erwin

kc cordero said...

erwin,
hinahanap nga kita di na kita makita. mukhang nag-shopping na kayo ng mga laruan. nice to see your family, too, mukha kayong masasaya. :)

Reno said...

Nice to see you there, KC. Sayang di tayo nakapag-usap kahit sandali.

kc cordero said...

Reno,
Oo nga. Alam mo, e, kung minsan malakas ang inferiority complex ko lalo na pag mga bigatin ang kaharap. :)