Saturday, January 1, 2011

cheers!

Photobucket

WOW!
Ang hirap magpaalam sa 2010, isang taon na sobrang charmed ang buhay ko. Pero ang 2011 ay nangangako rin ng isang makulay at matagumpay na taon para sa akin. I saw the signs.
Looking back, ang pinakamalaking achievement ko last year ay nang magtapos ng college ang aking anak, 17 years old, and with honors, na halos kasabay pa ng selebrasyon ng Father’s Day.
Makinang din ang career. Nag-four colors na ang ‘Wow ‘Pinas!’ at bago matapos ang 2010 ay naaprubahan ang Saudi edition na magki-kickoff this year.
Nagkaroon ako ng dalawang projects sa ABS-CBN Foundation at Asian Development Bank tungkol sa Ilog Pasig.
This year ay lalabas na rin ang “Eksena Magasin”, a new project from the publisher of the glossy Asian Dragon. Kasama ko rito ang mga “tiyahin” ko na sina Tita Opi at Tita Josie at ilan sa mga dati kong kasamahan sa The Manila Times (though baka bi-monthly lang ang labas nito). Matutunghayan din dito ang “Sanduguan” novel ni Ner Pedrina (na nagustuhan ng publisher).
Eleven years na pala ako sa The Batangas Post, ang pinakamatandang newspaper sa Calabarzon area. Bago natapos ang taon ay nakatanggap pa kami ng sulat mula sa Department of Trade and Industry dahil nag-react sa ginawa kong editorial tungkol sa pagtaas ng mga bilihin. Mapapansin ninyo, kahit community paper lang, tinututukan ng mga ahensya ng pamahalaan. Dito ko rin madalas i-promote ang Komikon at mga indie creators in a positive way. Kaya kayong mga gumagawa ng komiks, chances are ay kilala kayo sa Calabarzon. Too bad na hindi ako nakapagtatabi ng copies.
Magbubukas din ang isang online publication na magpi-feature ng mga Tagalog romance pocketbooks. Isa ako sa mga naimbitahan para kunin ang rights na mailagay rito ang mga nasulat kong pocketbooks. I’ll let you know kapag open na ang site.
I still have a live contract with The Buzz Magasin. TBM is my baby. Kahit kung minsan ay medyo nakararanas ako ng problema sa magasin na ito ay ito ang pinakamahal ko. Basta panahon ng deadline, tutok talaga.
My failures last year, hindi ako masyadong naging aktibo sa Komikon kaya babawi ako ngayong 2011. Maraming bagets na artists na gusto yata akong maka-tandem. Game. Sana kaya ko ang budget n’yo. Gusto ko ring mag-Manga. Right now, I’m having a certain Kathleen Estampador (female artist) as a “project”, may ipinapaayos pa ako sa art style niya. Ibinigay kong peg sa kanya ang Monster Allergy para kahit Manga, mapapalabas na Pinoy pa rin ang characters. Na-impress ako sa characters and layout niya kaya naisip kong bigyan ng break.
Hindi rin ako nakapag-enroll para matapos ang course. Wala rin akong nadaluhang workshops maliban sa in-house ng WP at TBM.
Seventy percent naman ang sa palagay ko ay na-achieve ko sa health. Regular akong nakapag-e-exercise, walking at maingat sa pagkain. Na-maintain ko ang waistline na 29” (by Levi’s standard), at weight na 130 lbs. na normal para sa aking edad at height. Nagpa-check up din ako ng mata dahil lahi kami ng may katarata. Medyo malabo na kasi ang mga mata ko. Okey naman, walang problema ayon sa ophthalmologist pero hindi na nga lang 20/20 ang vision.
Nagkasundo na rin kami ng mga kapatid ko na matagal na panahong hindi ko kinausap. May mga pamangkin akong binigo ako sa pagpapaaral sa kanila na pinatawad ko na rin. Maging ang mga taong nagkasala sa akin ay pinatawad ko na, at ang mga nagawan ko naman ng kasalanan ay hiningan. Ganito pa rin ang mantra ko this year. Walang pinakamainam kundi ang buhay na puno ng kapayapaan, at magagalit lang ako paminsan-minsan para mabalanse naman.
Plans for this year, gusto ko pa ring mahasa ang English ko. Okey naman, hindi nga lang ako confident. Siguro ay isang mahaba-haba pang session sa AIEP at lalakas na ang loob ko.
Ipinaaasikaso ko na rin sa isa kong pinsan ang aking transcript of records sa pinanggalingan kong kolehiyo sa Batangas. Ayoko nang lumampas ang panibagong pagkakataon na makapag-enroll ngayong 2011.
Mas seryosong health habits, at sabi nga ni JM (The Cool Canadian), dahil malakas ako sa tinapay, iwasan ang white bread. Gusto ko na ring matutong mag-bike this summer. And yes, mag-enroll sa karate school ni Gretchen Malalad. Nagka-green belt ako noong 1988 pero hindi ko na naipagpatuloy. At 40s, naisip kong ito siguro ang magandang body conditioning. I’ve contacted Gretchen via online, at nag-inquire kung puwede pa ako. Actually, may mga estudyante raw siyang 60 years old. Mang Nestor, Mang Abe, Mang Rico, pwede pa!
Well, happy New Year po sa inyong lahat. Salamat sa patuloy na pagsubaybay. Isa pa rin sa plano ko ang makapag-review ng maraming indie komiks, at makapagsulat sa blog na ito at least 5 times a month. Ang wish ko naman ay simple lang: Ang maging masaya kaming mag-anak.
Sumaating lahat ang magandang buhay ngayong 2011!
(Larawan mula sa www.transparent.com)

Tuesday, December 28, 2010

Christmas 2010

Photobucket

SIMPLE at napakasaya ng aming naging Pasko. Maaga kaming nagsimba para sa 7:00 AM mass, nag-almusal at bumati sa mga kapitbahay.
Wala rin kaming naihandang gift sa mga batang nagbabahay-bahay unlike last year na meron kaming loot bags. Nagdesisyon kami na dahil sa kakapusan ng oras ay mag-abot na lang ng crisp P20 sa mga batang nagbabahay-bahay, at mukhang mas sumasaya sila sa cash. Kokonti rin naman ang dumaan kaya hindi masyadong nabutas ang aking bulsa.
Ang Christmas gift namin kay Inez ay ticket sa concert ni Taylor Swift sa darating na February 19 kaya hindi na kami nahirapang mag-isip.
Hanggang Dec. 24 ay may mga trabaho pa akong tinapos kaya bandang 12 ng tanghali ay natulog na ako para makabawi sa matinding deadlines na dumaan at mga dinaluhang party. May mga bisitang dumating si Inez at sila na lang ni misis ang umasikaso. Sayang at hindi ko naabutan ang tawag mula sa Jubail, KSA ng aking Atlas buddy na si Ka Benjie Valerio. Sayang ang riyals, he-he. May mga phone calls din mula sa mga dati kong kasamahan sa ABS-CBN na ngayon ay nasa iba ng bakuran.
Maingay sa kalye namin bago ang Pasko pero tahimik noong 25th hanggang sa sinusulat ko ang blog entry na ito. Maraming umuwi sa probinsya, at mainam naman. Napahinga kahit sandali ang aking tenga sa ingay ng mga kapitbahay na mahilig mag-videoke kahit sintunado.
Happy New Year sa inyong lahat!

Photobucket
Sa kapitbahay po ang Innova, he-he.

Photobucket
Ang aking mag-ina kasama ang aking in-laws.

Photobucket
Kunan mo nga kami, anak!

Photobucket
Photobucket
Almusal tayo!

Photobucket
Sadya po akong malakas sa tinapay.

Tuesday, December 21, 2010

john b

Photobucket

CONGRATULATIONS sa aking kumpare at kaibigan na si John Becaro! Nanalo siya ng mga international awards. Big time. Nagbunga ang kanyang tiyaga at pagsisikap.
Kung gusto ninyong makita ang kanyang artworks, i-Google n'yo lang ang 'John Becaro'. He's very famous. Bukod sa pagiging illustrator, isa rin siyang mahusay na dancer at choreographer.
Congrats, again, pare! Ito ang Christmas na talagang merry.

bakit, bata?

Photobucket

MARAMING carolers ang dumadaan sa bahay ngayon, karamihan ay mga bata. Marami akong books na gaya ng nasa itaas na binibili ko sa Booksale dahil mura lang naman. Minsan matapos kong basahin ay kinokopya ko ang mga illustrations, natatambak na rin pagkatapos. This year ay naisip kong ipamigay na lang sa mga batang carolers.
Ayaw nila…
“Sampung piso na lang, Kuya…” sasabihin ng mga bata. At pag nakitang kumunot ang aking noo, bababaan ang hinihingi. “Kahit limang piso na lang, Kuya.”
At may presyo na ang kanilang pangangaroling ngayon. Matapos kalampagin ang gate at kumanta nang sintunado, ayaw tanggapin ang ibinibigay na libro.
Bakit?
Hindi na ba itinuturo sa mga bata sa paaralan ngayon ang kahalagan ng mga libro? Hindi ba nila alam na ang mababasa nila sa mga aklat ay higit pa ang maitutulong sa kanila kumpara sa sampu o limang piso na aginaldo?
Iba na talaga ang panahon. Ang mga bata noong ‘70s at ‘80s pag nakatanaw ng anumang reading material, hindi na mapakali hangga’t di nabubuklat o nababasa. Ngayon, binibigyan mo na ng aklat ayaw pang basahin.
Sabi nga ng isang nakasama ko sa Manila Times, minsan na nakarating siya sa India, ang mga mamamayan doon kapag nasa sasakyan, tren man o bus, ay makikita mo ang karamihan na nagbabasa. Dito sa atin, pag nasa sasakyan kung hindi nagte-text ay kumakain ng sitsirya, inihaw na dugo ng manok, balat ng baka, mani, manggang may bagoong, etc.
Anyway, dahil ako ang nagbibigay ng pamasko sa kanila—kung ayaw nila ng libro, fine. Pero hindi rin ako mag-aabot ng sampu o limang piso. At lalong hindi ako magbibigay ng libro kung hindi rin lang nila babasahin. May mga bata sa mga probinsya na mahihilig pa ring magbasa—sa kanila ko na lang ipadadala.

Friday, December 17, 2010

OPERASYON Komiks ni Macoy

Photobucket

Ang OPERASYON ay komiks ni Macoy. Nabili ko ito ng P30 at dahil medyo mura ay hindi na ako humingi ng senior citizen’s discount, 28 pahina. May page numbers kaya hindi ako nalito. Black and white, at mukhang may CISS si Macoy at doon nag-print. Pwede rin na ito ay laser photocopied.
Kartunista si Macoy at ang Operasyon ay animorphs. Kuwento ito ni Reyes na isang police rookie na sumama sa isang operasyon for the first time.
Maganda ang pagkakakuwento ni Macoy sa journey ni Reyes bilang isang bagitong pulis. Naroon ang kaba, excitement, pagtataka at iba pang emosyon. Kung gumawa siya ng research tungkol sa rite of passage ng isang baguhang pulis, nagtagumpay siya sa aspetong ito.
Marami akong narinig na kuwento ng mga baguhang pulis na sa unang pagkakataon ay napasabak sa engkuwentro o operasyon at talaga raw namang nakakaliit ng balls. Ang pinsan kong pulis, unang lakad ay napalaban kay Ben Tumbling, isang notorious criminal noong dekada ’80 na ang life story ay binigyang buhay ni Lito Lapid sa pelikula. Muntik na siyang napatay ni Ben dahil nang putukan niya ito, hindi pala niya naikasa nang todo ang kanyang Armalite dahil sa excitement. Naputukan siya ni Ben at halos isang dangkal lang daw ang layo ng bala sa kanyang mukha. Naihi raw siya sa salawal sa takot, buti na lang at nakaganti ang kanyang mga kasama kaya hindi na uli siya naputukan ni Ben.
Malikot ang mga anggulo ni Macoy at malinis ang mga execution ng bawat frame. Maging ang characterization ay akma sa mga hayop na ginamit niya sa kuwento gaya ng bihag na si Boy Hito (hito) na nagpakita ng tensyon sa posibleng pagsa-salvage sa kanya, at ang astig na si D’ Boss (kalabaw) na maging ang mga dialogue ay barako ang pagkakabitaw. Wala rin akong masabi sa mga teknikal na aspeto gaya ng balloons at sound effects na ginamit niya sa mga frames na nakatulong nang malaki sa storytelling.
It’s a good read.
Pero ‘ika nga ay may kaunti rin akong napuna, pero ito naman ay hindi pang-aagaw ng kredito sa husay magkuwento ni Macoy. Sa umpisa ng kuwento ay nabitawan ni Reyes ang kanyang sombrero habang patungo sila sa lugar ng operasyon at hindi na niya iyon nakuha. Matapos ang rubout at ang pagkadismaya niya sa natuklasan na ang operasyon ay isang malaking palabas lang para sa TV op ng presidentita, naglakad siya palayo sa crime scene. Habang naglalakad ay nakita niya ang kanyang sombrero na nadaanan ng gulong ng isang sasakyan.
Ito naman ay sa akin lang. Siguro ay mas may weight ang symbolism kung ang nabitawan niya ay ang kanyang tsapa (badge) sa unahan ng kuwento at sa bandang huli ay makikita niyang yupi-yupi dahil naipit ng sasakyan. Mas may meaning ang tsapa kumpara sa sombrero dahil ito ang nagsisimbolo sa karangalan at tungkulin ng mga pulis. Ang naganap na operasyon ay magbibigay sa kanya ng bagong pananaw sa pagiging pulis ngayong alam na niya how the system works. Sa pagtitig niya sa sirang tsapa at paglalakad palayo rito sa hulihan ng kuwento, mas mararamdaman ang kanyang character change at ang bigat ng panibagong conflict kahit tapos na ang kanyang journey.
All in all, sulit ang Operasyon sa kuwento, dibuho, presyo at mga teknikal na aspeto.

Thursday, December 16, 2010

Bagong pera ng Pilipinas

MUKHANG magaganda ang vibes!

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

(SOURCE: Thea Alberto)

Sunday, December 12, 2010

Salu-salo kina Mang Hal Santiago

NAGPADALA ng photos si Erwin (edited) Cruz, nagkaroon pala ng salu-salu/Christmas party noong Dec. 12 kina Mang Hal Santiago na dinaluhan ng ilan sa ating mga kaibigan.

Photobucket
Standing L to R: Ohrlee Villanueva, Ogie (story board artist from Middle Eeast), Kitz Tumanda, José Capital (utol ni Mel). Seating L to R: Noly Zamora, Vic Poblete, Rolly Buenafe, Steve Gan, Flory Medina (animator/portrait artist), Hal Santiago, Renee Delos Santos, Donato Santos.

Photobucket
L to R: Al Cabral, Hal, Louie Celerio.

Photobucket
Sabi ni Erwin ay "looks familiar" ang mama na dumating. Kilala siguro ito ni Dennis Villegas, he-he.