Tuesday, December 21, 2010

john b

Photobucket

CONGRATULATIONS sa aking kumpare at kaibigan na si John Becaro! Nanalo siya ng mga international awards. Big time. Nagbunga ang kanyang tiyaga at pagsisikap.
Kung gusto ninyong makita ang kanyang artworks, i-Google n'yo lang ang 'John Becaro'. He's very famous. Bukod sa pagiging illustrator, isa rin siyang mahusay na dancer at choreographer.
Congrats, again, pare! Ito ang Christmas na talagang merry.

7 comments:

Anonymous said...

galeng naman. mabuhay k pre!

kc pakisabi kay arman francisco sa blog niya na di si loyd nagdo drawing.wala itong talent sa drawing. si israel daplas pa rin ang artist dun. na ban kasi siya noons a gasi. ibinulgar niya ito sa ilang artist noon.shocked nga kami.
para malaman niyang hindi marunong magdrawing kapag nakita nyo ang taong ito pagdrawingin nyo siya. nagtatrabaho siya noon sa isang mart sa makati bilang salesboy yata. taga hatid lang talaga siya ni israel daplas ng mga illustrations sa komiks.

TheCoolCanadian said...

Dikong KC:

Bilib ako sa kumpare mong ito na may smiling eyes. He-he. Dapat lang talagang biyayaan ang isang taong katulad niya na talagang pinahahalagahan ang kanyang trabaho nang didbdiban. Ang mga talented at masisipag na artists na tulad ni John ay walang ibang patutunguhan kundi doon sa rurok ng tagumpay.

John, keep it up, my friend. Tuwang-tuwa ako sa iyo kapag sinesermunan mo ang mga ANONYRATS sa mga komiks blogs na wala nang ginawa kundi i-put-don ang mga nagkokomiks. Isa ako sa mga tagahanga mo. Mabuhay ka! And I wish more success for you this coming year!

kc cordero said...

JM,
ang isa pang nakakatuwa kay john, kahit malayo na ang narating ay hindi iniwan ang una niyang love, ang pagsasayaw. gumagawa rin siya ng paraan para patuloy na suportahan financially ang kanyang grupo.
happy new year, JM.

TheCoolCanadian said...

Happy New Year din sa iyo.

Nabanggit ko nina Ofie and Josie na sa pagbalik ko after new year ay magsu-subscribe na ako sa ABS-CBN romance novels para mabasa ko naman ang... to quote Miss Ofie:

"Napakahusay na romance writer ni KC. Hindi lang puno ng romansa at wisdom ang mga isinusulat niya pero may kilig at landi na tanging tatak niya.

Wala akong binatbat kay Manong! Hehe."

Ayan. He-he. Nasabik tuloy akong magbasa kung gaano ka ka-romantic!

:)

kc cordero said...

JM,
dekada '90 pa ako huling nagsulat ng pocketbook, ang mga batang readers baka di na maka-relate kasi wala pang cellphone noon.
ang mahuhusay talagang magsulat ay sina tita ofie, tita josie, tita glady, benjie valerio at kabayang alex areta. :)

Anonymous said...

KC,

Natutuwa ako sa tagumpay ng Batang Ilonggong ito. Keep on Trucking Boy!



Auggie

kc cordero said...

auggie,
happy new year. masipag naman at talented si john kaya nakakatuwa nga na malayo na ang kanyang nararating.

tuloy ka ga sa enero, e-mail mo lang ako.