Tuesday, December 21, 2010

bakit, bata?

Photobucket

MARAMING carolers ang dumadaan sa bahay ngayon, karamihan ay mga bata. Marami akong books na gaya ng nasa itaas na binibili ko sa Booksale dahil mura lang naman. Minsan matapos kong basahin ay kinokopya ko ang mga illustrations, natatambak na rin pagkatapos. This year ay naisip kong ipamigay na lang sa mga batang carolers.
Ayaw nila…
“Sampung piso na lang, Kuya…” sasabihin ng mga bata. At pag nakitang kumunot ang aking noo, bababaan ang hinihingi. “Kahit limang piso na lang, Kuya.”
At may presyo na ang kanilang pangangaroling ngayon. Matapos kalampagin ang gate at kumanta nang sintunado, ayaw tanggapin ang ibinibigay na libro.
Bakit?
Hindi na ba itinuturo sa mga bata sa paaralan ngayon ang kahalagan ng mga libro? Hindi ba nila alam na ang mababasa nila sa mga aklat ay higit pa ang maitutulong sa kanila kumpara sa sampu o limang piso na aginaldo?
Iba na talaga ang panahon. Ang mga bata noong ‘70s at ‘80s pag nakatanaw ng anumang reading material, hindi na mapakali hangga’t di nabubuklat o nababasa. Ngayon, binibigyan mo na ng aklat ayaw pang basahin.
Sabi nga ng isang nakasama ko sa Manila Times, minsan na nakarating siya sa India, ang mga mamamayan doon kapag nasa sasakyan, tren man o bus, ay makikita mo ang karamihan na nagbabasa. Dito sa atin, pag nasa sasakyan kung hindi nagte-text ay kumakain ng sitsirya, inihaw na dugo ng manok, balat ng baka, mani, manggang may bagoong, etc.
Anyway, dahil ako ang nagbibigay ng pamasko sa kanila—kung ayaw nila ng libro, fine. Pero hindi rin ako mag-aabot ng sampu o limang piso. At lalong hindi ako magbibigay ng libro kung hindi rin lang nila babasahin. May mga bata sa mga probinsya na mahihilig pa ring magbasa—sa kanila ko na lang ipadadala.

6 comments:

Hazel Manzano said...

natawa naman ako - may presyo na ang pangangaroling. hehe. UU matatalino mga indians... kasi talagang pati mga forbes, time, newsweek magazine binabasa nila.. dito bihira ka makakakita niyan. tapos mga bata ngayon TV na lang ang afford.

Markus said...

Aanhin nila yung pera? Pang-video games?.. Reading is a lost art na nga ba? Kakalungkot naman o. Pero try mo kayang i-giftwrap, Sir KC? heheh.. Or komiks kaya? :)

kc cordero said...

hazel,
hope your kid tara is into books. :)

markus,
merry christmas. nambu-bully na ang mga bata kung mamasko ngayon, he-he.

big benjie said...

kasabay ng katamaran o kawalan ng interes sa pagbabasa, kasabay na ring naapektuhan ang pagsusulat. ayaw nang sumulat ng mga tao ng "kasi," kc na lang. iyan ang isang dahilan kaya minsan ay tinatamad akong magbukas ng FB, bayaw. nasosora ako sa mga nakapaskil. kaugnay ng paksa mo, values (or its absence) ang ugat niyan. noong araw, di naman tayo namamasko sa di natin kakilala, di ba? ngayon, kahit sino na lang, kakatukin ang bahay mo. haaay.

stampychan said...

Sa akin nyo na lang ibigay yung mga libro Sir KC!Ibibigay ko sa pamangkin ko, tuturuan kong maging bookworm habang sanggol pa lang.^__^ Nakakalungkot naman, kahit naman sabihing may mga video games at Ipod ngayon, sa ibang mauunlad (at kahit nga rin sa India) na bansa, nagbabasa mga tao sa kanila.
Alam n'yo po Sir, obserbasyon ko, ang problema din po nasa mga gurong nagtuturo dapat sa mga batang iyan na pahalagahan ang pagbabasa.Maniwala kayo sa hindi, karamihan sa mga guro ngayon, textbook na ginagamit nila sa pagtuturo lang ang binabasa nila.At mas lalong hindi kayo maniniwala, hindi pa kilala ng mga 'yan kung sinu-sino ang mga nag-akda ng mga kwento sa loob ng mga textbook na 'yon. Naranasan ko na 'yan, sa public school na pinanggalingan ko.:(
As for the kids naman,yung iba nga sa sobrang katamarang mangaroling, makasalubong mo na lang hingi agad sa'yo ng piso. Ang sarap sagutin ng,"Nanay mo 'ko?Baket ka sa akin nanghihingi ng barya?" Hindi naman kami ganon noong nangangaroling kami, lahat sa grupo namin may mga musical instruments, may mga bitbit pa kaming songbook n'on ha?XD Ngayon kahit tambourine na gawa sa tansan kinatatamaran nang gawin.

Anonymous said...

Tama iyan KC, mi mga nagbabasang mga bata pa sa probinsiya.Kaya doon ko rin dinadala. Ang sama na ng educational system natin, wala ng emphasis sa reading & comprehension. Kaya kinakausap ko nga yung isang consultant ngayon sa Dep.Ed, at CHED, na ibalik ulit iyung basics,Yung Three Rs...Reading, Riting, Rithmetic. Kung mapapansin mo marami ng bobo ngayon sa new generation, which is a paradox dahil sa internet at mga bagong technology sa communication...Ang solusyon sa tingin ko BACK TO BASICS, which is mastery ng mga bata ng THREE Rs

Auggie