Thursday, April 14, 2011

art exhibit

Lakbay Kulay Art Exhibit
April 4, 2011
12th Floor, GT Tower Ayala
Makati City

Photobucket
MEYO DE JESUS (left) at ang kanyang mga obra. Kasama sa picture ang kanyang isang pinsan.

Photobucket
ARNEL AVETRIA (left) kasama ang isang fan (who looks familiar).

Photobucket
Photobucket
ANG MGA KUWADRO NI ARNEL.

Thursday, April 7, 2011

sarap ng buhay!

Photobucket

NAGTATAKA lang ako kapag may mga kababayan tayo na gayun na lang kung pintasan ang ating bansa. Hindi raw masarap sa Pilipinas. Siguro raw kung nasa ibang bansa sila, mas magaan ang buhay.
May sasarap pa ba naman na mamuhay sa sariling bayan kaysa sa Pilipinas? Kagaya nitong mama sa larawan, alas diyes na ng umaga ay tulog pa. Sabi naman ni Rommel Fabian ay baka raw call center agent ang mama at napuyat lang. LOL!
Baka nga. Call center agent is congruent to barker sa mga pilahan ng pedicab at padyak.
Kidding aside, nasasabi lang natin na masarap ang buhay sa ibang bansa dahil hindi natin nararanasan. Magtanong tayo sa mga kababayan nating nasa o nakapagtrabaho na sa abroad. Sasabihin nila, kahit malaki ang kita, iba pa rin ang sarap ng buhay sa Pilipinas.
Kung mamamayan naman tayo ng ibang bansa, puwede kaya ang ganitong pahi-hilata sa bangketa kahit kasisikat pa lang ng araw? Kung Chinese ang mamang ito, tiyak na nasa isang sakahan siya sa Mainland at nagtatanim ng labanos. Kung nasa Vietnam, nasa English proficiency learning center para matuto ng second language at makapagtrabaho sa mga itinatayong pabrika. Kung nasa bansa na mahigpit na ipinatutupad ang batas, hinuli na ng mga awtoridad.
Pasalamat siya at nasa Pilipinas kung saan hindi bawal ang tamad. Hindi rin bawal ang matulog sa bangketa. Nakita n’yo ba ang kanyang higaan, halatang matagal na niyang ginagamit sa masarap na pagtulog. Ibig sabihin ay matagal na siyang tenant sa espasyong kanyang hinihigan. Libre upa na, wala pang masungit na landlord.
Sarap ng buhay!

Saturday, March 26, 2011

12 years after...

Photobucket

SIYA si Atty. Arnold Rimon Martinez. Naging classmate ko siya sa Filmwriting noong 1996. Huli kaming nagkita 1998 siguro. Seminarista pa siya noon. Akala ko talaga ay magiging pari siya, kaya nagulat ako nang mabalitaan kong naging abogado siya. Ayaw na ba 'kako niyang makarating sa langit?
Nakuha niya ang number ko sa isa naming dating classmate sa Film Development Academy of the Philippines na nagsusulat sa StarStudio Magazine ng ABS-CBN Publishing. Nakakatuwa naman na ang mga dati kong kaibigan ay siya pang naghahanap sa akin. Nag-meet kami two weeks ago.
Malaki rin ang naitulong sa akin ni Atty. Arnold noong nasa seminaryo pa siya at matanggal ako sa Atlas Publishing at napasama sa statistics ng mga jobless sa Pilipinas. Kapag may projects ako noon na komiks ay nakikigamit ako ng computer at nakiki-print sa kanilang opisina--libre siyempre, pati kain.
Bago siya kumuha ng law ay nakapagsulat pa siya ng pelikula sa Regal Films. Tiniyaga lang daw niya talaga ang law school, at noong 2007 ay naging ganap siyang abogado. Sa Ateneo siya nagtapos.
Isa siya sa mga ka-close ko noon sa klase, tagatawa niya ako sa mga jokes tungkol sa seminaryo. Kasama rin siya sa mga pinakamahuhusay sa batch namin noon, hindi gaya ko na isang manunulat na sampay-bakod lamang. Ang alam ko ay isa siya sa mga nagre-rewrite ng English classics sa Precious Pages Corporation. Kahit daw naman busy siya sa pagiging lawyer, hindi nawawala ang passion niya sa pagsusulat.
Connected siya ngayon sa Solicitor General's office bilang abogado ng gobyerno.
Nang itanong ko kung bakit hindi natuloy ang pagpapari niya samantalang ilang hinga na lang at oordinahan na siya noon, mahabang kuwento raw at saka na lang pag nagkita muli kami.
Masaya ang aming naging pagkikita, at pakiramdam ko ngayon na isa na palang hotshot attorney ang aking kaibigan, lalong masarap maging kriminal!

Tuesday, March 15, 2011

if memory serves me right...

Photobucket

NANONOOD ako ng balita sa TV nang mabanggit ang pangalan ng mama sa picture na siya na palang Philippine Secretary of Science and Technology (dating DOST) ngayon. Saka biglang nag-flashback sa akin. And I hope my memory will serve me right:
Early 90’s nang may kumontak sa akin para gumawa ng komiks, editor na ako sa Atlas Publishing noon. Nag-report ako sa opisina nila sa may Mother Ignacia Street, Quezon City. Maliit lang ang office pero maganda.
Tungkol sa poso o artesian well ang gagawing komiks ayon sa nakausap ko. “Magsaysay Well” ang model ng poso na may nakakabit sa pinakadulo na special casing para huwag sumama ang mga buhangin at foreign objects kapag humigop ng tubig. Nanalo ang nasabing modelo ng poso sa isang pakontes ng pamahalaan kaya nabigyan ng pondo para magamit sa mga lugar na malapit sa dagat at mahirap ang supply ng potable water. Ang inventor ng poso ay si Engr. Mario Montejo.
Nag-enjoy ako sa paggawa ng script na bukod sa technical aspect ay nilagyan ko ng drama. Medyo sariwa pa ako sa aspetong teknikal noon dahil kagagaling ko lang sa stint bilang technician sa Caltex Refinery. Ang kinuha kong artist ay si Alfred Pacolor na graduate naman ng civil engineering (hindi na siya kumuha ng board dahil malakas ang kita noon sa komiks).
Nang tapos na ang komiks at sumingil kami ni Alfred sa opisina ay nakaharap namin mismo ang inventor. Binasa niya ang kuwento (though approved na sa kanya bago ipinadrowing) at na-impress siya sa translation ko ng technical terms, gayundin sa artworks ni Alfred. Ipinaalis lang niya ang bahagi ng kuwento na binanggit ko ang mga achievements niya at mga papuri sa kanyang husay bilang engineer. Huwag na raw isama iyon. Naisip ko, low profile ang mamang ito.
Gaya ng iba kong projects ay hindi ako nagkaroon ng kopya ng komiks nang ipa-print na nila. ‘Yun din ang una at huling pagkakataon na nagkita-kita kami.
Na-realize ko lang habang nanonood ako ng partikular na balita na siya nga ang engineer na iyon. Medyo nagkaedad na kasi halos 20 years na rin iyon, bagaman at iyon pa rin naman ang mukha niya.
Anyway, natuwa lang ako. Sana minsan magsanga uli ang landas namin at magpagawa uli siya ng komiks.

Tuesday, March 8, 2011

now on sale (UPDATED)

All from Onward Publishing House

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Photobucket

Sunday, March 6, 2011

coming very soon...

Photobucket

Stories by ALEX ARETA
Artworks by GENER PEDRINA
Layout by CARLA DENISE ESTRELLA
Published by Onward Publishing House

simple lang ang buhay

Photobucket

NAGBAYAD ako ng P20 sa driver ng jeepney. Nang suklian niya ako, nang kuwentahin ko ay P15. P8 ang minimum na pasahe sa rutang iyon. Sabi ko sa driver, nagkamali siya nang pagsusukli. Dose pesos lang dapat ang sukli ko. Sobra yata.
“Wala akong barya. Okey lang,” sagot niya na malumanay. Ibig sabihin ay nagpaparaya na lang siya. Siya na lang ang lugi huwag lang ang kanyang pasahero.
Bihira ang driver na ganito. Ang iba kapag walang panukli ay mainit ang ulo at pilit kang pasusukahin ng sensilyo huwag lang silang malugi. Ang iba naman, kulang ang isusukli para ikaw ang abonado at hindi sila.
Hindi natin sila masisi kung minsan. Ang mahal na ng krudo. Pag tumaas naman ang pamasahe, operator din lang ang nakikinabang. Gayunpaman, hindi dahilan ang ekonomiya at presyo ng gasolina para mawala ang values.
Naawa naman ako sa driver na mabait. Isinoli ko sa kanya ang P5. Ako na lang ang malugi ng P2 huwag na siya.
Simple lang ang buhay. Pag mabait ang isang tao, magaan para sa iba na magparaya para sa kanya. Pero kung salbahe, mahirap sundin ang kasabihang pag binato ka ng bato ay tinapay ang iyong ibalik. Hindi ko sinusumang ang nasa Banal na Kasulatan. Mahirap lang talagang sundin para sa tao ang mga Dakilang Aral.
Gayunpaman, sabi ko nga, napakagaan ang pagpaparaya kung ang nakikita mo mula sa iba ay pagpaparaya rin.