Tuesday, February 12, 2008

'kung hindi ka bulag... pakibasa...'

Photobucket

LAST quarter ng 1988 ay jobless pa ako, bagong luwas sa Maynila at naghahanap ng trabaho. Nakitira ako sa isang kamag-anak na may bakery sa Marikina City. “Trabahong kanin” ako roon. Meaning, katulong sa mga gawain kapalit ng paninirahan at pakikikain. Tagadurog ako ng mga lumang tinapay, kasama sa pagde-deliver ng pandesal, at kung minsan ay kahero—pagkakabalik ko mula sa pag-a-apply kung saan-saan.
Isang araw na nagpagupit ako ng buhok ay nakabasa ako sa nasabing barber shop ng Pilipino Komiks. Nasugagaan ko ang kuwentong “Kung hindi ka bulag… pakibasa” ni Fermin S. Salvador. Nagulat ako sa lalim ng kuwento at nasabi ko sa sarili ko, “Puwede na pala sa komiks ang mga ganitong kuwento.”
Maraming Pilipino Komiks sa barber shop na iyon, na sabi ng barbero ay paborito niya dahil magaganda ang nilalaman. Isa pang kuwento na nabasa ko nang araw na iyon, sa Pilipino Komiks din, ay ang “Apartheid: Kamatayan ng sanlahi” na sinulat naman ni Benjie P. Valerio Jr. Malalim din ang kuwento, at mabigat sa damdamin ang mensaheng hatid.
Nang mga panahong iyon ay matagal-tagal na rin akong di nagbabasa ng komiks, at ang pagkatuklas ko sa mga nabanggit na kuwento ay nag-anyaya sa dati kong pagkahumaling sa medium. Noong araw na iyon, ang mahigit 50 kopya ng Pilipino Komiks sa barber shop na iyon ay nagpakilala sa akin ng mga bagong pangalan sa komiks: Fermin Salvador, Benjie Valerio, Divino Pagkatipunan, Loida San Diego, Mercie Lusa, RJ Nuveas, Imelda Quijano, Joseph Balboa at maraming iba pa. Kakaiba ang kanilang mga kuwento sapagkat sumasalamin sa kasalukuyang kalagayang panlipunan ng ating bansa nang mga panahong iyon.
Campus writer ako noong college, at bagaman at hindi sumagi sa isip ko na gawing career ang pagsusulat, naisip ko na siguro ay makagagawa rin ako ng mga kuwentong socially-relevant. Mula rin noon ay nagsimula na akong bumili ng komiks, partikular ang Pilipino Komiks na pinamamatnugutan ni Bb. Ofelia Concepcion. Matiyaga kong pinag-aralan ang mga maiikling kuwentong lumalabas doon habang sa kabilang bahagi ng isip ay pilit nang nagtatahi ng mga ideyang puwedeng sulatin pagdating ng tamang panahon.
Dala ng suwerte ay nakarating ako sa Atlas Publishing, Inc. at nakaharap ang punong patnugot na si Mr. Tony Tenorio. Binigyan niya ako ng sample script, at mula roon ay nag-umpisa akong magsulat. Siya ang nag-apruba ng mga una kong scripts at siya na rin ang nagdedesisyon kung saang komiks lalabas—kalimitan ay sa mga bagong titles gaya ng True Experience at True Horoscope.
‘Nagprotesta’ yata ang ibang editor (shade of Jose Mari Lee’s experience) at nagtataka kung sino ako (napagkamalan pang penname ako ni Benjie Valerio) kaya sinabihan na ako ni Mr. Tenorio na personal ko nang i-submit ang mga script ko sa mga ito tutal ay kilala na ako sa pangalan. Maayos naman ang pagtanggap nila sa akin, bagaman at dahil sa nakita nilang pag-aasikaso ni Mr. Tenorio sa akin ay may kutob na sila na malamang na maging editor din ako. Pero masaya pa sa Atlas noon at wala pa ang alimuom ng pulitika, kaya ang pagsulpot ng mga bagong mukha na gaya ko (nakakaawa, payat at mukhang nagugutom) ay wala pang ibang kulay at kahulugan maliban sa pagkupkop sa isang posibleng potensyal na bagong tuklas.
Sa pakikisalamuha ko sa ibang manunulat doon na mga kabataan din ay napag-alaman kong ang pagsusulat sa Pilipino Komiks (sa ilalim pa rin ni Bb. Ofelia Concepcion, na noon ay “crush ng bayan”) ay parang pagkuha ng board exam. Kung matatanggapan sa Pilipino Komiks, iyon ang sukatan na marunong magsulat, at ‘ika nga ay may future sa komiks.
Hindi lang naman sa Pilipino Komiks kundi maging sa ibang title. Sabihin na natin na mas radikal ang mga maiikling kuwento sa Pilipino Komiks, na isinasabay sa mga tradisyunal na nobela. Tumatakbo rin noon ang patimpalak kada linggo na “Short story of the week” na nilalagyan ng selyo ng pagkilala bilang natatanging kuwento. Ito rin ang nagbibigay ng motibasyon sa mga batang manunulat para magsikap na makapagbigay ng natatanging akda.
Ang huling bahagi ng dekada 80 at unang bahagi ng dekada 90 ay panahon ng radikal na pagsusulat sa komiks na pinasimulan ng patnugot na si Bb. Concepcion, at naitawid ng mahuhusay na manunulat na sina Fermin Salvador, Benjie Valerio, Divino Pagkatipunan, Loida San Diego, Mercie Lusa, RJ Nuveas, Imelda Quijano, Joseph Balboa at maraming iba pa. Nang maging patnugot na ako ay saksi ako sa mga dumarating na liham ng papuri ukol sa kanilang mga akda. Karamihan sa kanila ay nakatanggap din ng malalaking parangal mula sa mga respetadong award-giving bodies sa kanilang pagsusulat sa komiks. Ang Catholic Mass Media Awards ay isa sa kumilala sa husay ng mga manunulat na ito.
Sa aking kaso, maraming beses akong nakatanggap ng rejection sa Pilipino Komiks bago ako nakapasa. At kahit noong editor na ako ay nakararanas pa rin ako na ma-reject ni Tita Opi. Ganoon talaga, ang bakal bago tumigas ay kailangang dumaan sa pinakamainit na apoy.
Ang pag-iibang linya ng mga mahuhusay na kabataang writer noon, ang kakapusan sa talento ng ilang bagong sulpot sa komiks, ang pagbibitiw sa tungkulin ni Tita Opi ay ilan din sa mga dahilan ng pagtamlay ng kumpetisyon sa pagsusulat sa Atlas. Dahil sa pagsibak sa mga patnugot na may tunay na pulso sa komiks, ang paglaganap ng mga basurang kuwento… lalo ng maging patnugot ang mga kamag-anak ng mga matataas na opisyal ng kumpanya sa paglutang ng balitang ipagbibili na ito sa kalagitnaan ng dekada 90—ang dating kawili-wiling libangan ay naging pamaypay na lang sa mga bingguhan at tong-itsan, naging pamparikit ng apoy sa mga kusina sa liblib na pook na wala pang gasul—samantalang dati-rati—ang pinagniningas nito ay ang mga damdamin ng mga minsan ay nangarap maging bahagi nito. Ayokong pangunahan, subalit nararamdaman ko ang pagkasiphayo ni Bb. Concepcion sa pagkapariwara ng komiks na dati-rati ay bandera ng ating industriya ngunit ang pinakahuling isyu ay kulay dilaw ang pabalat, at isang polyeto ukol sa pagpuksa ng lamok.
***
Ang sumusunod na kuwento, iginuhit ni Franklin Batolinao, ay hindi lumabas sa Pilipino Komiks… kundi isang bansot na pagtatangka ng may-akda na makasunod kahit man lang sa hulihan ng pila ng mga mahuhusay na manunulat sa komiks sa panahon na binanggit ko sa blog entry na ito.
Paumanhin sa aking Pareng Fermin sa paggamit sa titulo ng kanyang kuwento… at salamat sa pagmumulat sa aking mga mata.
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket
Photobucket

20 comments:

Anonymous said...

Gusto ko po ang ganitong klase ng istorya. Eto ang tamang kuwento na dapat isubo sa mga may hilig pa sa komiks, o sa bagong henerasyon man. Nakakarelate ang magbabasa sa kuwento. may kabuluhan at masasabi mong naging parte ka habang binabasa mo. hindi puro ilusyon.

Sana marami pang komiks na ganito ngayon.

Naalala ko pong bigla ng malapit ng magsara ang GASI, ng simulan ko ulit ang maanghang na social relevant sa aking pagsusulat. na halos tumatalakay sa drama ng kahirapan. Diko po pinagyayabang pero sa kuwentong ginawa ko marami po talaga ang umiyak. naalala ko pong sinabi sa akin ng asawa ni ric ancinso(dibuhista)na umiiyak daw po itong si ric habang binabasa at dinudrawing ang script ko. at dahil duon tingin ko parang nabuhayan ang ilang writer sa pamamahagi ko ng kuwentong iyon. marami ang nagsunuran sa ginawa ko...

Ngunit sa kasawian palad...agad itong ipinagbawal at pinagbilinan ni Mrs P. ang kanyang mga editor, na wag ng magpublish ng ganitong klase ng kuwento. ayaw nilang subuan ng katotohanan ang mambabasa nila. bakit kaya?! Tsk kalungkot.

Sa gustong humingi ng kontrobersiyal na sinulat ko.
e-mail nu lang po ako at bigyan ko po kayo ng kopya. rommel_fabian@yahoo.com

kc cordero said...

rommel,
kaya nga pilit tayong gumagawa ng mga paraan para muling makatawid ang industry kahit pagapang.
padalhan mo nga pala ako ng sample drawings mo: kccordero@gmail.com
salamat.

TheCoolCanadian said...

Ingkong KC:

Nagpapatunay lamang kung nasaan ang sitwasyon ng ating bansa kung ang kabuhayan ang pag-uusapan.

This type of stories are called NEO-REALISM. This type became a movement in the late 1940s - early 1950s. Sa Italy ito nagsimula kung saan sina Federico Fellini, Pier Paolo Pasolinni at Vittorio De Sica ay mga proponents nito. To add more realism to this type, directors used UNKNOWN actors to make it more realistic and believable. Camera was always hand held, it used HARD LIGHTING and the sound is usually dubbed.

Dinala nitong mga Italiano sa Amerika ang neo-realism na niyakap naman ng buong daigdig in the 50's.

Subali't, nguni't, datapuwa't... bumangon na ang mga bansang naturan. Naging highly industrialized na ang Italia, sumagana na ang Amerika. Sa pagbabago ng ekonomiya ng mga bansang ito, ay nawalan na ng lakas ang neo-realism at ito'y napalitan na ng glitzy Romantic Melodramas na pinangunahan naman ni DOUGLAS SIRK. Noong kapanahunan ni Diosdado Macapagal, na ang Pilipinas ay umangat economically at ang buhay ay sagana sa mga Pilipino, IWINAKSI na ang neo-realism dahil sumakay na ang ating bansa sa motorsiklo ni Douglas Sirk. Kaya noong late 60s hanggang 1970s ay nawala sa pinoy komiks ang neo-realism.

Nang mangulelat ang ating bansa, napag-unahan tayo ng Thailand, Vietnam, Taiwan, India, China. Kamuka't-muka't mo'y nagbalik sa Pilipinas ang neo-realism noong mid-80s and 90s.

Habang ang buong mundo ay nagpunta na sa more stylized way of writing (Godfather, Apocalypse Now, to give an example), isinisigaw ng mga manunulat sa ating bansa ang mga bagay na iniwan noong panahon nina Fellini at Pasolinni.

Sa katotohanan nga, itong neo-realism ng ating komiks, TV and pelikula ang nagiging dahilan kung bakit hindi tayo makalusot sa OSCARS awards every year. Kung ang madalas manalo sa international Best Picture, halimbawa ay ang SPAIN, paano'y matagal nang nagbago ang komiks, tv at pelikula ng espanya. Nagtungo na sila sa mas mataas na creativity at ang thrust na ay hindi na ang social issues ng kahirapan na matagal nang nakaraan sa kanilang mga sociedad, kundi ang UNIQUE lifestyle ng mga characters sa makabagong, global world.

Ang Pilipinas ay NAIWANG NAKALUGMOK sa pagdurusa. Injustice. Kawalang-pagpapahalaga ng mga politiko sa kapakanan ng nakararaming nagdarahop.

Hangga't hindi umuunlad ang kalagayan ng bansang Pilipinas, patuloy na mabubuhay ang neo-realism, kahi't baga ito'y bahagi na lamang ng isang bakas ng lumipas at kung mamalasin mula sa point of view sa west ay malaon nang PASSÉ.

Subali't, sa katotohanang kinasasadlakan ng Pilipinas, napapanahon pa rin ito. Huwag lang nating gawin ito kung ang komiks na ating ipa-publish ay GLOBAL ang dating dahil hindi na kinakagat ang ganito sa west. In fact, kung susuriin natin ang mga pelikulang nanggaling sa third world na pinansin sa buong mundo, makikita natin ang ibang klaseng creativity na ang ipinakikita ng mga ito. Maging ang China ay hindi na tumatalakay sa ganitong mga social issues.

Subali't... this is ALIVE and KICKING in the Philippines because of our economic and social condition. Where there is not enough work, not enough food, not enough education, not enough opportunities for the masses... NEO-REALISM RULES!

Exactly like what your komiks story proves here.

We can say that this is a case of being caught in a time warp. Pero nasa time warp din tayo politically and socially, thus, the appeal of neo-realism will live on in RP.

Pero kung gusto nating makipagsabayan INTERNATIONALLY... we have to move on.

A quote from Gosiengfiao, when I was having a conversation with him one day, he suddenly said: "Joey, ayoko nga ng films at komiks tungkol sa mga poor. Kasi poor din ang labas sa takilya at sa bangketa!"

And internationally, Gosiengfiao's films are loved like the way PEDRO ALMODOVAR'S films are loved.
But that's the other side of the coin. And I have nothing against artists showing the other side, even if its appeal is now limited only to the Philippines.

An artist is only writing what he sees and feels around him. And Inkong KC, you did exactly that.

kc cordero said...

Lolo Jose,
Mano po…
Tama ka sa iyong obserbasyon na parang hinihilang pabalik ang pagsusulat sa komiks kahit noong nagsisimula pa lang ako. At tama ka rin na may kinalaman ang history kung bakit.
1988 nang magsimula kong mabasa sa Pilipino Komiks ang mga ganitong kuwento na nakaimpluwensya sa akin. Sa mga panahong ito ay sariwa pa ang alingawngaw ng People Power, ng paglaya sa tanikala ng Martial Law, kaya naman ang linya ng pagsusulat ay nakabatay sa sabi mo nga’y neo-realism.
Kung napangalagaan sana ang People Power. Kung tunay na naibalik ni Gng. Corazon Aquino ang demokrasya. Kung tunay na naiangat niya ang ekonomiya at hindi ang huwad na pagbababa ng presyo ng galunggong ang ginawang batayan, nag-iba na siguro ang takbo ng pagsusulat sa komiks sa Pilipinas. Baka nadagdagan ang mga superhero bukod sa mga nilikha ni Mars Ravelo.
Pero hindi. Parang buwayang muling nagsulputan ang mga oligarko at napalungi ang bayan, kaya ang panulat ng mga nakapagsusulat ay pawang panghihikayat at pagmumulat ng kamalayang panlipunan.
Kaya ngayon, sa panahon ng pagsisingkaw ng mga OFW sa pamamagitan ng pamamasukan sa ibang bansa sa ating dollar reserve, maging ang superhero na nilikha ng bandang Parokya ni Edgar—si Mang Jose—pardon the pun, ay puwedeng arkilahin. We Filipinos are for hire, and so are our superheroes.
Maraming salamat sa iyong insights. Hindi ako ganoon kalawak sa pananaliksik sa mga uri at kasaysayan ng panulat, pero tama ka, nagsusulat ako batay sa nakikita ko sa paligid at nadarama.
May mga kuwento akong sinulat noon gaya ng “Silhouette” na sa palagay ko ay bumasag sa maraming kumbensyon ng pagsusulat sa local comics, ngunit hindi naman naunawaan ng mga mambabasa. Kaya kung minsan, gusto ko na ring isipin na marahil nga ay ang mga mambabasang Pinoy ang pinakamahirap timplahin kung ano ba talaga ang gustong basahin, at matutumbok mo lang sila by a mere stroke of genius.
Salamat muli sa pagbibigay ng liwanag, Father Confessor. After your comment, I’ve learned a lot.
Btw, you have a new convert in the person of Mr. Alex Areta. Your tribe is increasing, Father, and that’s because of your tireless endeavor in teaching us the right attitude, and the right approach in writing.

TheCoolCanadian said...

BTW, yung kanta ni CORITHA, dedicated sa akin yun in the future... KUNG... magiging LOLO pa ako :)

Just keep up the good work and your enthusiasm. Dahil kapag itong huling kataga ang nawala, mananamlay lalo ang komiks sa Pilipinas. Para sa akin,isa ka sa mga nangungunang nagpapaangat sa ating komiks sa kasalukuyan, at kapag tinamad ka nang gumawa nito, lalong mababaon sa hukay ng hinagpis ang industriyang ito na ngayon ay sisinghap-singhap na animo'y wala nang lakas at pagnanasang muling makabangon. Kayong mga naririyan pa at mga tunay na nagmamahal sa komiks: ikaw, si Ofelia Conception, si Glady Gimena, Josie Aventurado, Randy Valiente at iba pang nagmamalasakit, ay tunay na kahanga-hanga. Mga BAYANI rin kayong maituturing dahil sa inyong mga pagpapakasakit. Nakapanghihinayang dahil napakarami ninyong very talented people na ngayon ay patuloy na nagsisikhay upang kahi't paano'y maibalik ang isang popular na industria na minsa'y naging napakalaking bahagi ng ating kultura bilang mga Pilipino.

And on this note: nawa'y dumami pa ang mga katulad ninyo na GUMAGAWA ng walang NGAWA.

Anonymous said...

Yeah! Tama pong lahat ng sinabi mo mr. cool. Pero, paano po nating susubuan ng mashed potato ang mga kumakain ng kanin o ng adobo o ng tuyo at bagoong, kung ayaw naman nila ng mashed potato?! Ipilit daw ba ang pagkain dimo nakasanayan, lalo nat mas mahal ang tinapay at patatas sa isang kilong bigas. Asin lang ang katapat at buong pamilya mo kakain na. Kumakain din naman po ako ng patatas, pero diko nakasanayan araw-arawin. Sa 3rd world country?! Mashed potato at tinapay?! sa bayang tinubuan na higanteng ugat ng corruption, mashed potato at tinapay?! Sa isang bansang di umuusad?! Mashed potato at tinapay?! Anak kayo ng mga mashed potato at tinapay!!!

Tama pong lahat ng insights ninyo, maraming matutoto. Ako nga po ay maraming natutunan. Nabuksan ang isip. Pero saglit...ang ganang sa akin lang eh, Di gumawa po tayo ng isang komiks na pinipilit niyong iminumungkahi. Isabay po niyo ang komiks na gusto ninyong ilabas sa komiks ng CJC. Pareho ng dami, ang langawin, putulan ng leeg! Joke joke joke!

Dibat ang taong pilit niyong sinisiraan na mang-gagamit ay siya ngayong nagpapakain sa mga nawalan ng trabaho sa komiks. At kahit sa sandaling panahon may kaunti silang panapal na nailagay sa matagal na nilang butas na bituka.
hindi obserbasyon o sour graping ang sagot mr. cool. aT DI PANINIRA!

Isang nagkakaisang GAWA at di NGAWA!!!

TheCoolCanadian said...

Hmm... mukhang napalayo ang interpretasyon ninyo ginoong anymonous.

Wala naman po akong sinabing kumain ng mashed potato ang mga Pilipino. Ako nga, nasa north America, hindi kumakain ng patatas.

Bakit?

1. Sapagka't ang patatas ay simple carbohaydrate kaya kapag kinain mo ito ay puro starch ito at dagliang magiging ASUKAL sa inyong dugo. Puwes, alam po ba ninyo kung ano ang kinakain ko?

KAMOTE.

2. Bakit kamote? Sapagka't ang kamote (sweet potato) ay complex po ang carb at ito'y dahan-dahang ina-absorb ng inyong dugo.

Therefore, sweet potato is much healthier.

Kaya nga isisnusulong ko sa mga Pilipino na huwag patatas ang kainin, kundi kamote.

3. Basahin kaya muna uli ninyo ang kabuuan ng aking mensahe.

Ina-nalisa ko lamang ang dahilan kung bakit ang NEO-REALIST at applikable pa sa situation ng Pilipinas ngayon. Hindi ako bumanggit kaylan man ng CJC or Sterling. Balikan ninyo ang mensahe ko at kung may makita kayong CJC or STERLING na kataga sa sinulat ko'y... tutungo ako sa IRAQ NGAYON DIN AT MAGPAPAPUGOT NG ULO.

4. Paano naman po napasali ito?

"Dibat ang taong pilit niyong sinisiraan na mang-gagamit ay siya ngayong nagpapakain sa mga nawalan ng trabaho sa komiks. At kahit sa sandaling panahon may kaunti silang panapal na nailagay sa matagal na nilang butas na bituka.
hindi obserbasyon o sour graping ang sagot mr. cool. aT DI PANINIRA!"

Ako po ay mag-sa-sour graping? Para ano? Sour graping is getting unsatisfied and disgruntled and therefore being defensive.

Ano naman ang sinabi kong ganito?

Wala.

Dahil wala naman akong pakialam sa CJC at Sterling komiks.

Itong word na PANINIRA ay laging nakaakibat sa mga nagre-react sa criticism. Hindi ba't ang paninira ay mga bagay na kung hindi man LIBELOUS ay SLANDEROUS?

Criticism is never libelous and Slanderous.

At saka wala akong personal na galit kay Ginoong Caparas. I like Mr. Caparas. I even like some of his work, but not all of them.

But this doesn't mean I'm trying to thrash Mr. Caparas because I never did.

My advice to you, my friend, is read everything what's wriiten and understand the context of what's written. You can't just accuse people of wrongdoing by not investigating every aspect of the issue.

What you just did is what we can in a court of law... HEARSAY.

And that's what JUDGE JUDY would call: BALONEY!

kc cordero said...

anonymous,
ang mga bisita ko sa blog na ito ay pantay-pantay ang aking tingin, ke kumakain ng mashed potato o kamoteng bagin.
sana lang ay huwag akong mumurahin gaya ng "put...!" sa isang blog.
anyway... wala naman nga akong nakita na siniraan ni lolo jose sa kanyang comment ngayon dito si cjc o ang sterling. just the same, tama ka na kahit paano ay nasagot ni cjc at ng sterling ang pananabik ng mga taga-komiks na muling makapagsulat at makapagdrowing—bagaman at sa nakita ko ay hindi iyon pangmatagalan dahil sa mga internal problems nila na sa aking tingin ay isyung 'none of our business.'

Robby Villabona said...

Si CJC pala nagpapasweldo sa mga manlilikha ng Caparas komiks? Akala ko Sterling...

Anonymous said...

"Dibat ang taong pilit niyong sinisiraan na mang-gagamit ay siya ngayong nagpapakain sa mga nawalan ng trabaho sa komiks."

DIALOGUE:
H-HUH!!!
DIYATA'T...
DIYUSKOP...
OH HINDE!!!

BELOW CAPTION:
AT NAGUNAW ANG MUNDO.

SFX:
KABROMMMMMM!!!!

SCRIPT BY:
istoryang komiks

Anonymous said...

Baka si ginoong caparas sa gastos sa artists at writer? para sa limang titulo at sterling naman sa papel at distribution?

Balita ko, limang taon daw ang perang nakalaan sa publication na ito. iyon eh, kung hindi makabababa sa puwesto si pangulong gloria. "DAW"! sitsit lang naman sa akin ito ng mga malapit kong kaibigan na nagtatrabaho sa loob. ewan kung totoo ito. sana nga totoo para matuloy na ang nobelang gagawin ko sa kanila. tsaka dapat hindi na kinulayan, mas napasama lang ung dating. hehehe. tingin ko naghahanap ata sila ng coloring artist...dahil hindi na mabigyan nang katarungan un kulay dahil sa pagiging ganid, lahat gusto ata siya na ang magkulay. kaya ang seste, ang panget!

tao nga naman, makakita lang ng pera gusto nya angkinin na lahat. ayaw ng ibahagi sa iba kahit di na kaya un trabaho. tsk tsk. o pilipinas kong mahal, bakit ang dami nila?!

Anonymous said...

KC,

Very versatile ka pala, lahat ng genre ng Komiks mukhang kaya mong gawin. Mi ginawa ka yatang sci-fi di ba ? horror ganoon din, romance love/love story, mukhang na cover mo ng lahat ? Yung HALAW, nagawa mo na ba ? halimbawa yung Brothers Karamazov, ni Doestoyovski ? kaya lang baka masyadong hebigat sa Pinoy readers. Maraming Classic literature actually na pwedeng I-Halaw, wala pang piracy issue, meron ba ?



Auggie

kc cordero said...

auggie,
noong nasa star cinema pa ako, i did an adaptation of a benjamin bratt movie 'blood in, blood out' intended for victor neri pero di natuloy. may screen adaptaion din ako ng palos, pero hindi ito 'yung ginamit sa TV ngayon. may ilan pang adaptation ako na ginawa, puro commissioned, di ko na ma-recall---the last 'yung sharon-richrad movie, with tita opi as co-writer. di ako sure sa piracy or intellectual property issues pag ganito.
sa genre, sa comedy ako hirap na hirap---though there are owners of comedy bars na paminsan-minsan ay nagpapagawa ng skit, at sa palagay ko ay corny.
noong nasa komiks ako, action at drama ang kadalasan sa mga nobela kong ginawa. 'yung romance o love story ay na-outgrow ko na yata, hehe.

rommel fabian,
e-mail mo ako kung pwede tayo meet next week.

Anonymous said...

To mr.cool na uncool.

“Bakit hindi ikaw ang magsulat at gumawa ng project kaysa obra pa ni Caparas ang pagsasayangan mo ng oras?”

“Why waste your time promoting the likes of Caparas when you can do better yourself?”

“Don't waste your time propagating his work.”

“For all you know you're much better than Caparas as a writer. And this is what I've been trying to tell young writers. It doesn't mean that just because a writer had written so many stories makes him a good writer. It is not the bulk of what one writes, but the quality of the selectivity of truth that one writes about that matters.”

“Iyan na saro katawo, gagamiton ka lang ka iyan ta gutumunon baga iyan sa ego niya.”

So manggamit na pala si caparas?! Ginamit ka na ba niya mr. cool?! O narinig mo lang ito sa tabi tabi at obserbasyon mo na naman ulit?!

Mukhang asim na asim ka kay caparas ah, hehehe.

Mr. Canadian, marami pa. ano post ko na ba?!

TheCoolCanadian said...
This comment has been removed by the author.
TheCoolCanadian said...

Hmmm...anonynous na ayaw magpakilala...
parang ikaw ang alter-ego ni Tunay Na Pinoy. Sinusundan ako maski saan magpunta. At katulad nga ng sinabi ko na sa iyo, lahat iyang ipinaskel mo ay criticism. Sinabi ko na sa iyo iyan libong ulit na. Kung isa kang manunulat sa komiks, siguro'y magiging redundant din ang panulat mo dahil parang walang patutunguhan kundi sa isang bagay lamang.

Kung gusto ni Mr. Caparas na idepensa ang sarili niya at bigyang LIWANAG ang mga issues na iniharap sa kanya ng napakaraming READERS, kasama na ako, ay most welcome naman. Bakit ba, wala ba akong karapatang mag-comment, eh, BUMILI ako ng mga KOMIKS nila?
Ang kostumer po ay laging may karapatang magsalita, LABAN o KAMPI sa isang productong inilanas ng nagnenegosyo.

Dahil dito, nanggagalaiti ka? Ikaw ba ang PR man ni Caparas? Puwes,gusto mong turuan kita kung paano maging PR man? Nagawa ko ito ng limang taon kay Imelda Marcos, kaya marami kang matutuhan sa akin kung papayag kang turuan kita. Dahil iyang PR dating mo kay Ginoong Caparas ay lalong nakasisira sa kanya.

I maybe uncool sometimes, but aren't we all are? Including you. But you must first know the difference between criticism and libel and slander. Maski i-post mo pang lahat ang mga messages ko, puro lamang ito opinion ko at wala akong sinabing libelous kahi't kaninong tao, maski na sa iyo.

Bakit hindi mo idepensa ang taong gusto mong idepensa, by telling how good his work is, dahil trabaho lang naman talaga ang dini-discuss sa usapang ito.

Instead of acting like a jerk and an ass hole and pretending to be some kind of a smart alecky excrement from a sewage like what you're doing now, TELL us, WHAT IS GOOD about the person you want to side with.

And here, I am qouting myself from what I posted in Randy's blog:

Randy:

Para sa akin, kung ang gawa niya ay may merit, pupuriin ko, tulad halimbawa ng kanyang napakagandang ANGELA MARKADO.Itong seryeng ito ay talagang gripping, well-executed ang mga eksena, extremely interesting characters, inventive, and despite its downbeat ending that leaves a heart-wrenching experience for the audience, it is nevertheless a wonderful piece of work that is hard to forget. It is one powerful creation by Mr. Caparas that he should make as his example to achieve even better work in the future.

Ginoong anonymous:

If you are fair and square, why didn't you post this message?

Why?

Because it shows that you are not looking at the big picture. Naka-focus ka lang sa isang maliit na bahagi at nag-ZOOM IN ka roon. Nakalimutan mong maglagay ng LONG SHOT as establishing shot. Hindi puwedeng puro CLOSE-UP at MEDIUM SHOT lang ang gagamitin mo sa iyong script ng buhay. Lalagyan mo rin ito ng Flashback, Flash Forward, Stream of consciousness, para mabalance ang iyong palabas.

If you continue to act this way, all I can say is that you will always be a REVISIONIST, and needless to say, A SORCESSER'S APPRENTICE.

Anonymous said...

Ka KC,

Una kong napansin ang istorya mo dun sa short story tungkol sa isang dibuhista, si Romy Santos ang nagdrowing "Amateur" yata ang title, nasundan pa yun ng "Ang Mentor" na si Tony Ancheta naman ang nagdibuho. Maganda at insipiring ang kwento. After nun, nasundan ko rin yung nobela mo sa Pilipino Komiks na si Jo Luna naman ang illustrator. Tungkol sa rivalry ng dalawang magka-barrio, nakalimutan ko na title pero karamihan ng issue nandun pa sa bahay ng nanay ko :-)

-Erwin-

kc cordero said...

ka erwin,
'ikaw man ang huling babae sa mundo' ang title niyon.

nagsisisi nga ako... karamihan sa sinulat ko di ko na-save ang kopya. akala ko kasi habampanahon akong magkokomiks, hindi pala.

'yung misis ko naman na-in love sa kuwento ko na 'bulag, pipi at bingi..' di pa kami magkakilalala noon sa atlas. illustrated by charlie baldorado, she thought kamukha ko 'yung karakter sa drowing, hehe. kaso nang makita niya ako, enteng kabisote pala. but she was so in love with the story, and thought, there's no harm trying to fall in love, too, with the writer :)

Anonymous said...

sayang ang talents ng mga taga komiks.kahit na anong paraan na gawin kung wala na ang interes ng tao ay wala na rin magagawa.ang mga nagbabasa na lang talaga ay mga may passion sa komiks.masakit man sabihin pero talagang lipas na ang kainitan ng komiks at ang mga tao na rin ang humusga nito.nag iba na talaga ang libangan ng mga tao ngayon. di ba kayo nakakahalata?

. said...

Noong bata ako, grabe ang pagka-addict ko sa komiks. I remember bago umuwi sa bahay after classes, nagrerenta pa ako ng komiks sa paborito kong news stand sa bayan ng Cuyapo (Nueva Ecija). Madami kaming nakaupo sa bangko. Lahat nakatutok sa binabasang komiks. At karamihan, mga kabataan.. Ang sarap sariwain ng nakaraan. Mahilig din akong mangolekta noon. Ngayon, iba na ang collection ko... Mga sine na. Pero kung pamimiliin ako, gusto ko sana komiks pa rin. Masarap magbasa eh...

Magandang araw sa lahat!

Mabuhay kayo sa industriya!