Out na sa market!
Friday, January 15, 2010
Monday, January 11, 2010
golden acres
BUMISITA ang Entertainment Group ng ABS-CBN Publishing sa Golden Acres na matatagpuan sa likod lang ng SM North EDSA noong December 22 bilang bahagi ng kanilang outreach program. Ang Entertainment Group ay binubuo ng The Buzz Magasin at Star Studio Magazine kasama ang marketing group ng dalawang titles.
First time kong makarating sa Golden Acres at nakasalamuha ang mga matatandang doon nagkakanlong. Marami silang kuwento, iba't iba ang dahilan kung bakit doon sila tila naghihintay ng dapithapon ng buhay. May full article ako tungkol sa nasabing outreach, similar sa spread sa ibaba, na lalabas sa February 2010 issue ng The Buzz Magasin.
Maganda ring maging project ng mga comics group na bumisita minsan sa ganitong mga institusyon at magpasaya ng mga matatandang nami-miss ang kanilang mga mahal sa buhay.
First time kong makarating sa Golden Acres at nakasalamuha ang mga matatandang doon nagkakanlong. Marami silang kuwento, iba't iba ang dahilan kung bakit doon sila tila naghihintay ng dapithapon ng buhay. May full article ako tungkol sa nasabing outreach, similar sa spread sa ibaba, na lalabas sa February 2010 issue ng The Buzz Magasin.
Maganda ring maging project ng mga comics group na bumisita minsan sa ganitong mga institusyon at magpasaya ng mga matatandang nami-miss ang kanilang mga mahal sa buhay.
Saturday, January 2, 2010
cheers for 2010!
MASAYA at maingay sa aming kalye bago pa man sumapit ang 2010. Street party. First time na naging tila fiesta sa aming area ang celebration ng New Year. Kokonti kasi ang tao sa kalye namin. Upbeat ang atmosphere at lahat ay positive ang pananaw sa papasok na taon.
Maging ako ay magaan ang pakiramdam. Bago ang December 31, 2009 ay nag-schedule ako ng mga gagawin hanggang 12 midnight at nasunod ko iyon. Indikasyon na mas mapaplano ko ang aking bagong taon.
Maganda ang aking 2009 kumpara sa 2008, at sana, sa tulong ng Panginoon ay magpatuloy iyon sa mga darating pang panahon. Nararamdaman kong mas magaan na ang sitwasyon ngayon dahil may mga obligasyon akong malapit na ring matapos. May mga gusto akong ma-achieve na kung daragdagan ko ng disiplina ay posibleng makamit ko rin.
Last year ay mas okey ang aking health, at ang nasimulan kong regular na exercise ay naudlot lang noong September. Sa mga pictures ay nakita ko na mas okey ang built ko kumpara noong 2008. At dahil madaragdagan na naman ako ng edad, mas lalong kailangan ang tamang pag-aalaga sa katawan ngayong 2010. Kung healthy ang katawan at isipan, kahit maraming projects (na sana ay mababayaran) ay kayang-kayang gawin.
Isa sa mga goals ko this year ay makatapos muli ng isang short term course, at mahasa ang aking English. Hindi nawawala siyempre ang pagsali sa mga comics activities. May mga simpleng plano kaming mag-anak ngayong taon na matagal na rin naming napag-uusapan in the past at hindi lang maituloy dahil sa pabagu-bagong sitwasyong dumarating na hindi inaasahan.
I’ll make it sure din na bago pumasok ang tag-ulan ay makapagpaayos ng bahay, lalo na ang bubong, dahil 10 years na ang bahay namin at kailangan na ng kumpuni lalo pa at sa mga nakalipas na taon ay malalakas ang bagyong dumaan.
Gusto ko ring higitan ang naging dedication ko sa trabaho sa nakalipas na taon. I love my job… at naniniwala ako na pag mahal ng isang tao ang kanyang trabaho ay mamahalin din siya nito.
Plano ko na ring patawarin ang mga taong nagkasala sa akin, at makipagkasundo na sa mga kaaway ko. Masarap ang buhay na walang dala-dalang mabigat sa damdamin at walang nakatusok na tinik sa dibdib.
Happy New Year sa inyong lahat, at maraming salamat sa patuloy na pagsubaybay!
Subscribe to:
Posts (Atom)