BUMISITA ang Entertainment Group ng ABS-CBN Publishing sa Golden Acres na matatagpuan sa likod lang ng SM North EDSA noong December 22 bilang bahagi ng kanilang outreach program. Ang Entertainment Group ay binubuo ng The Buzz Magasin at Star Studio Magazine kasama ang marketing group ng dalawang titles.
First time kong makarating sa Golden Acres at nakasalamuha ang mga matatandang doon nagkakanlong. Marami silang kuwento, iba't iba ang dahilan kung bakit doon sila tila naghihintay ng dapithapon ng buhay. May full article ako tungkol sa nasabing outreach, similar sa spread sa ibaba, na lalabas sa February 2010 issue ng The Buzz Magasin.
Maganda ring maging project ng mga comics group na bumisita minsan sa ganitong mga institusyon at magpasaya ng mga matatandang nami-miss ang kanilang mga mahal sa buhay.
3 comments:
KC,
Marami kang posibleng script sa komiks na mapupulot diyan sa GOLDEN ACRES. Makipagkentuhan ka lang diyan sa mga gurang diyan, siguradong mi -made-develop kang kwento.
Kumbaga sa pagsakay sa eroplano, nasa departure area na sila.
Auggie
auggie,
marami talaga. actually noong may atlas pa, may series na tungkol sa mga nasa home for the aged na lumabas sa true experience komiks. :)
tsk, kawawang mga matatanda
di na kinalinga ng mga pamilya
nila. marami sa mga pilipino
may diyos sa bibig pero
wala sa gawa.
diko ipamimigay o
dadalhin dyan ninuno ko.
kesehodang di ako
kumita ng pera maging care giver lang.
Post a Comment