Monday, June 14, 2010

congrats, kabayan...

Photobucket

ISANG kasing-init ng kapeng barako na pagbati sa aking kabayang Jovit Baldivino, ang kauna-unahang grand prize winner ng Pilipinas Got Talent. Kainam naman, ang dating nagtitinda ng siomai ngayon ay may tumataginting na P2 milyon. Balita ko ay bibili sila ng lupa sa kanilang lugar sa Batangas para mapag-ige ang pagsasaka. Magandang investment nga naman. At sana ay maging matagumpay si Jovit sa kanyang career dahil kitang-kita na rockstar material talaga.
Napansin ko lang, medyo hawig sila ng aking Kakang Mario Macalindong, na balita ko ay milyunaryo na rin ngayon. :)
Congrats, Jovit!

4 comments:

Randy P. Valiente said...

wow! sya pala nanalo. may katapat na si arnel pineda hehehe. at may kakumpitensya na rin si macalindong :)

kc cordero said...

randy,

oo nga. makamandag talaga ang mga batangueno, he-he.

Anonymous said...

KC,

Asan si Mario ngayon? mi balita ka ba ?



Auggie

kc cordero said...

auggie,

nasa abroad si kakang mario, pero ayaw sabihin kung saan. palagay ko nasa saudi. :)