Ang layunin ng dalawang proyekto, bukod sa pagsagip sa mga ilog sa Kamaynilaan, ay ang mamulat din tayo sa tamang paggamit ng tubig. Magugulat kayo sa mga nilalaman ng dalawang babasahing ito, lalo na kung bakit mas malaki ang naidudulot na polusyon sa mga ilog ng maruming tubig mula sa mga tahanan kaysa sa mga solid waste.
Ang mga babasahing ito ay inisyatiba ng ABS-CBN Foundation at Manila Water, at pinondohan ng Asian Development Bank.
Maraming salamat sa ABS-CBN Publishing sa tiwalang ipinagkaloob para hawakan ko ang proyekto. Salamat kina Miss An (editorial director), Miss Cathy (brand manager), Sir Adel, Rizza, Dety, Omeng (nag-illustrate ng Tampisaw), Willy Boy (art director ng Maybahay), Mommy Ricci, Karen, Paulo, Tintin, Bernie, at gayundin kay Miss Winnie Cordero. Maraming salamat din sa mga taga-ADB at Manila Water, isang napakasaya at makahulugang karanasan na nakatrabaho ko kayo.
Sana'y ang mga proyektong ito ay magmulat sa ating mga kababayan sa mas higit na pagmamahal sa ating kalikasan.


1 comment:
ganda naman sir nung TAMPISAW....cover pa lang panalo na....KC and Omeng tandem... gusto ko nang magkaroon ng copy nyan...
good luck sir..
dino
Post a Comment