Friday, October 5, 2012

puppy season

Photobucket

NANGANAK na muli si Ampy courtesy of our male dog LA. As usual, kahit cute na cute ang mga tuta ay ipinamimigay lang namin ang mga ito sa mga kaibigan. Kami na rin ang nagdadala sa vet para mapurga, pero ‘yung anti-rabies ay bahala na ang mag-aampon, (LOL).
Ito ang ikalawang panganganak ni Ampy. At dahil magkaiba sila ng breed ni LA, kakatwa ang mga lumalabas na tuta. This time ay dominant ang features ni Ampy sa mga tuta, pero may isang lumabas na sobrang laki at sobrang lago ng balahibo. Nag-iisa rin itong male sa limang tuta.
Naubusan last year si Rommel Fabian kaya ngayon kumbaga sa bidding siya ang priority na pumili, at hindi niya pinalampas ang pagkakataon para mapasakanya ang pinaka sa magkakapatid.
Ipinamigay namin ang mga tuta exactly two months after silang maisilang; healthy at matatakaw. I hope na nag-e-enjoy ngayon sa kanila ang kanilang tagapag-alaga.

Photobucket (c/o ROMMEL FABIAN)   Photobucket (Napunta sa manager ng Spa malapit sa amin).   Photobucket (Napunta sa magsyota na taga-Tondo).   Photobucket (c/o my kumare na editor).   Photobucket (Ito raw ang unang baby nina Meng Estanislao at Ails Casis).

4 comments:

TheCoolCanadian said...

Oh, my God. Napaka-palad naman ni Rommel. Ang pinaka pa ang nakuha niya. I am absolutely envious! At least may pagpapraktisan na siya paano mag-alaga ng bata, in preparation for his fatherhood.

Ang gaganda nila, LOLO KC. Ang dami mo nang apo at ipinamigay mo lamang. He-he.

kc cordero said...

Uncle JM,
medyo maliit kasi ang space namin kaya mahirap i-maintain lahat. ang floor area ng aming house ay ideal laang para sa two dogs.
at tama ka, praktis na rin ito para sa mga nakakuha kung paano mag-alaga ng baby. :)
hayaan mo, pag nanganak uli, ipapa-DHL ko ang isa sa 'yo, hehe.

Hazel Manzano said...

kelangan ng kalaro ni Tara.. naku ako na ang susunod makakakuha diyan!

kc cordero said...

hazel,
by march uli ang puppy season, sige magre-reserve na ako ng pinakamaganda para kay cute na cute na Tara. :)