Sunday, March 23, 2008

'isip-bata'

Photobucket
TAONG 2004 ay kinomisyon ako ng tatlong professionals para gumawa ng concept ng isang komiks na pambata. Matagal na akong wala sa komiks noon, hindi na ako nagkomiks since 1996, at sabi ko sa tatlo ay nagkamali sila ng kinausap. Pero dahil ako lang ang kilala nila na may experience sa komiks, sige lang daw. Bumili ako ng mga existing titles noon—local and abroad—at makalipas ang tatlong araw ay ibinigay ko sa kanila ang concept.
“It looks like a trade book,” komento ng isa sa tatlo. At nagkatawanan kaming apat.
Ewan ko ba, sa dami yata ng gusto kong mailagay sa nasabing komiks ay nagkaroon pa ng how to write a comics script, at how to draw comics strip section.
Pero sabi naman no’ng isa, “Ano kaya kung mockup na ang gawin mo? Gumawa ka na ng mga scripts, ipadrowing mo na saka mo buuin. Para mukhang komiks na talaga. Baka lang talagang hindi namin masakyan itong concept mo.”
So, gano’n nga ang ginawa ko. Ang sabi ng ikatlo at siyang pinaka-head sa pagdedesisyon nang makita ang ginawa kong mockup, “Ito na ‘yon!”
Pero hindi natuloy ang project dahil ang tatlong professionals ay may tinanggap na mas malalaking challenge sa kani-kanilang career.
Ang mockup ng nasabing komiks pambata na ang mga kuwento ay ipinadrowing ko sa ilang kabataang dibuhista at ni-layout ng isang topnotch art director from Summit Media ay hindi na-save nang i-reformat ang Macintosh kung saan ito ni-layout. Ang hardcopy ng mockup maging ang mga original illustrations ay hindi ko malaman kung kaninong mga kamay napapunta.
Anyway…
Napag-usapan namin kamakailan ng ilan kong kaibigan ang tungkol sa K-Zone comics at kung gaano ito kalakas sa market. Kung regular naman kayong nagbabasa ng PKMB, may talakayan doon tungkol sa Funny Komiks, ang pinakasikat na komiks pambata sa kasaysayan ng Philippine Komiks industry. Maraming readers at comics creators ang may fond memories ng nasabing komiks, at kanya-kanya sila ng paboritong karakter na lumabas doon.
May isa akong kasamahang editor sa ABS-CBN Publishing na nang-challenge sa akin gumawa ng format ng K-Zone na pangmasa kamakailan. Honestly, hindi pa ako nakahawak nito o nakabuklat man lang. Pero bago ko nagawa ay ibinigay naman ang go signal para asikasuhin ko na ang Sindak!
Malakas na market ang mga bata. Bago ako umalis sa Atlas ay nagsimula rin ako ng isang komiks pambata, ang Pinoy Kids, na hindi ko na nalaman kung nagtagal pa ba o hindi na. Project ito ni Mr. Tony Tenorio dahil wala nga raw pambatang komiks ang Atlas noon.
Sa pagkaalam ko, ang Charm ng Atlas na copycat ng W.I.T.C.H. at pinagyabungan ng career ni Ate Tina Francisco bilang manga artist (ngayon ay nasa Glasshouse na) ay mataas din ang sirkulasyon. Nagtataka nga ako kung bakit hindi na rin yata ito lumalabas ngayon.
Mapapatunayan ang lakas ng market ng mga bata sa show ng ABS-CBN na Kung Fu Kids. Nang ilunsad kamakailan ng network ang kanilang mga bagong programa ay ang KFK agad ang namayagpag sa ratings kumpara sa mas kilalang komiks material na Palos, at maging sa Lobo. Hanggang ngayon ay top-rated din ang Sunday show na Goin’ Bulilit.
Ngunit hindi lahat ng babasahing pambata o palabas ay malakas. Kailangan din na ma-hook sila ng anumang material na makakakuha ng kanilang fancy. Sa isang writing workshop na sinalihan ko ay binigyang emphasis ng mga trainor ang kahalagahan ng sense of wonder bilang elemento ng material, at siyempre pa ay kinakailangan din na ito ay relevant.
Sa pakikisalamuha ko kung kani-kanino; bata, matanda, isip-bata, basta usapang komiks ay ang Funny Komiks ang siguradong unang-unang mababanggit. Hindi na siguro ito maibabalik sa sirkulasyon, pero masarap mangarap na magkaroon muli ng ganitong komiks kung saan may mga bagong karakter na muling mamahalin ng mga mambabasa.
Sana may makita tayong publisher na handang sumugal sa ganitong proyekto…
***
ANG drowing sa itaas ang kaisa-isang materyales na na-salvage ko sa ginawa kong mockup dahil naiwan pala ng artist na si Al Abetchuela sa computer ni Dopski na isang komikero at ine-email niya sa akin. Kasikatan ni Sandara Park nang maisip ko ang karakter na si Krung-Krung. Hindi original pero dahil wala namang nagmamay-ari ay naipa-copyright ko, at noong time na ‘yon ay sikat na sikat si Sandara kaya para sa akin ay relevant at may name recall agad sa mga bata.
Saying, di po ba?

Monday, March 17, 2008

'this one's for you'

Photobucket

MARAMING-MARAMING salamat sa mga naging bahagi at sumuporta sa project na ito. Habang nasa sasakyan ay marami akong inisip na gawing tema ng blog entry na ito, ngunit bandang huli ay nagdesisyon akong magpakasimple.
Ito na po ang final cover ng SINDAK! Horror-Thriller Magazine, at posibleng sa last week ng March 2008 ay nasa market na ito. Matapos ang masusing pag-aaral ng aming brand manager ay napagkasunduan na P60 ang maging cover price—na sa tingin ko ay praktikal.
Sa mga nais mag-contribute, may e-mail address na nakalagay sa first issue at doon po kayo mag-pitch ng inyong materials.
Dahil may mga graphic stories at matagal magdrowing at magkulay, for the meantime ay every other month lang muna ang frequency nito. Nationwide ang distribution.
Salamat muli sa mga komikero na hindi nagpatumpik-tumpik na mag-share ng kanilang mga talento. This one's for you, guys.
Btw, here's a sneak peak of Novo Malgapo's artworks included in this issue—one of the reasons why it is still worth trying making Pinoy comics.
Photobucket

Saturday, March 15, 2008

'gone to the dogs'

Umalis na ako sa Risingstar Printing Enterprise. Nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng mga may-ari sa direksyon na dapat tahakin ng kumpanya, at sa aking tingin ay hindi na rin healthy ang aming relasyon. Minabuti kong umalis na lang agad-agad kaysa magkaroon pa ng mas malaking gulo kapag nanatili ako roon at magkaroon ng demoralisasyon ang mga empleyado.
Two years na ang Risingstar. Dalawampu’t tatlo (23) ang titulo nito na lumalabas kada buwan na ang pinakamababang initial print run ay 12,000 copies, ang pinakamataas ay nasa 22,000. Hindi ko na alam kung hanggang saang bilang ang inaabot kapag may reprint.
Nitong Enero 2008, sa assessment ng National Bookstore ay ang Risingstar ang number 1 sa sales sa entertainment reading materials—nationwide.
May paliwanag tungkol dito.
Ang pinagbabatayan ng NBS ay ang number of copies sold, hindi kung magkano ang kinita. Nagkataon na ang Risingstar ang may pinakamaraming kopya na naibenta last year, beating the Pugad Baboy series by almost 50,000 copies.
Pero itatanong n’yo siguro: “Ano ba ‘yung product ng Risingstar?”
‘Yun din ang dilemma ko. Hanggang ngayon ay walang masasabing flag-bearer ang Risingstar. Malakas ang songhits (2 titles), joke books, puzzles, pocketbooks, ghost stories, etc. pero walang identity. Lahat ay generic. Maganda ang kita pero sablay ang branding na napakahalaga sa product development.
Hindi katulad ng Psicom na kilala sa kanilang Ghost Stories and DC superheroes. O noong panahon ng Jingle, pag sinabi ang salitang ito, alam mo agad na songhits ang ibig sabihin.
Last quarter of 2007 ay nag-propose na ako na magbago na ng direksyon ang kumpanya lalo na sa paglakas ng popular literature at ang pagkakaroon ng interes muli ng tao sa komiks. Gumawa ako ng maraming product study—concept, title, materials, computations—pero hindi nag-materialize. May mga counter-proposal sila na mga proyektong sa aking tingin ay forgettable.
Publishing is all about timing. Noong malakas pa ang ingay ng komiks, kahit nagkaproblema sa Filipino Komiks ay marami akong nai-suggest na pampalit, pero hindi sila interesado. I even failed to convince them to buy the rights of Nestor Malgapo’s book in illustration which I think could have been a bestseller. Ibinigay rin ni Joey Celerio ang kanyang libro tungkol sa dynamic figure drawing pero ni hindi rin sila nag-abalang bigyan ng second look gayung may demand noong time na ‘yon para sa comics illustration book na gawang Pinoy. Sa frustration siguro ni Mang Joey ay binawi na niya ang libro at sabi sa akin ay siya na mismo ang magpa-publish kahit limited copies.
Sa halip ay binili nila ang rights para maisalin sa komiks ang Lupin, isang desisyon na hindi ko alam… at isang proyekto na hindi ako tumulong dahil sa aking kaugnayan sa ABS-CBN. Pero kahit sa Lupin ay nagkamali sila dahil hindi pinag-aralan ang konsepto, and even opposed my suggestion to have this veteran artist illustrate the story. Mayabang daw kasi ‘yung veteran artist. So? Kung may ipagyayabang naman ano ang problema? Sa akin kasi ay hindi issue ang ugali ng contributor, ang importante ay kung ano ang kaya niyang gawin.
Bukod dito ay marami pang issues na sa tingin ko ay hindi ko na dapat talakayin.
Sa pag-alis ko sa Risingstar ay posibleng naalis din sa mga may-ari nito ang ‘perennial monkey on their backs.’ Ang mga batang staff na nakasama ko ay mailalabas naman ang kanilang full potentials sapagkat posibleng may magaganda silang ideya na makatutulong sa company. It’s their time to shine.
Hindi ako emotional na tao kaya naka-move on agad ako, saka ako naman ang nang-iwan so there’e no reason to get 'emo'.
What keeps me lonely about me and Risingstar parting ways is this dog named Diet. Si Diet ay isang Bichon Frisé at sa mga unang buwan ko sa company at wala pang staff kahit isa ay siya ang aking kasa-kasama. Matalino siya at marami akong naiturong tricks sa kanya. Natutulog siya sa may paanan ko kapag nagko-computer ako at sumasama sa akin kapag nagpupunta ako sa tindahan sa kanto kapag oras ng meryenda. Tuwing umaga ay pinasasalubungan ko siya ng pandesal na may palaman. Last December ay na-confine pa siya sa vet clinic at akala ko ay mamamatay na, buti na lang at naka-recover pa rin.
Nakatingin siya sa akin habang papaalis na ako noong last day ko sa Risingstar. Parang nararamdaman niya na hindi na ako babalik, at kinunan ko naman siya ng litrato bilang souvenir. Hindi ko nagawang lumapit sa kanya para magpaalam, baka mapaiyak ako lalo pa ngayon na napapabayaan na siya. Hindi ko na rin tinawag ang kanyang pangalan, nagtitigan na lang kami na parang nauunawaan ang mga nagaganap. Mag-best friend kami, and if only Diet could talk, maybe he would ask me what went wrong.
I’ll miss Diet. He’s the only thing worth remembering in my two years in that company.
Photobucket

Thursday, March 6, 2008

'the pitch'

Photobucket
WALA pa akong masyadong maikukuwento tungkol dito, but basically, ito na ‘yung cover na ginamit ko sa pagpi-pitch. Hindi ko pa rin alam kung kailan mailalabas since maraming-marami pang study na ginagawa ang aming brand manager. Buo na ang lahat nang pahina, go signal na lang ang kulang kaya I’m hoping na sana… sana ay matuloy. My favorite comics creator Gerry Alanguilan should have done the cover but he’s tied up with Timawa noong binubuo namin ito, and it so happened na nagimbal ako sa isang artwork ni Rommel Fabian at nakiusap ako na gagamitin ko muna. Hindi naman ako nagdalawang salita sa kanya. Btw, Gerry’s katha’t guhit, a graphic story is really attacking.
The guy to beat in this issue (kapag mailalabas) is Randy Valiente. No wonder I’ve read in his blog that he’s nominated somewhere.
Novo Malgapo will prove to all and sundry that he REALLY is a son of Nestor Malgapo. His rendition of one of the graphic stories, ‘Trip!’, is gripping.
Jose Mari Lee contributed a spine-tingling prose.
There’s an interview with Budjette Tan and Ka-Jo Baldisimo, the creators of ‘Trese.’
We featured Rommel Fabian’s artworks. This guy’s for real.
And many more.
Everything but the go signal.
I’m praying everyday…