TAONG 2004 ay kinomisyon ako ng tatlong professionals para gumawa ng concept ng isang komiks na pambata. Matagal na akong wala sa komiks noon, hindi na ako nagkomiks since 1996, at sabi ko sa tatlo ay nagkamali sila ng kinausap. Pero dahil ako lang ang kilala nila na may experience sa komiks, sige lang daw. Bumili ako ng mga existing titles noon—local and abroad—at makalipas ang tatlong araw ay ibinigay ko sa kanila ang concept.
“It looks like a trade book,” komento ng isa sa tatlo. At nagkatawanan kaming apat.
Ewan ko ba, sa dami yata ng gusto kong mailagay sa nasabing komiks ay nagkaroon pa ng how to write a comics script, at how to draw comics strip section.
Pero sabi naman no’ng isa, “Ano kaya kung mockup na ang gawin mo? Gumawa ka na ng mga scripts, ipadrowing mo na saka mo buuin. Para mukhang komiks na talaga. Baka lang talagang hindi namin masakyan itong concept mo.”
So, gano’n nga ang ginawa ko. Ang sabi ng ikatlo at siyang pinaka-head sa pagdedesisyon nang makita ang ginawa kong mockup, “Ito na ‘yon!”
Pero hindi natuloy ang project dahil ang tatlong professionals ay may tinanggap na mas malalaking challenge sa kani-kanilang career.
Ang mockup ng nasabing komiks pambata na ang mga kuwento ay ipinadrowing ko sa ilang kabataang dibuhista at ni-layout ng isang topnotch art director from Summit Media ay hindi na-save nang i-reformat ang Macintosh kung saan ito ni-layout. Ang hardcopy ng mockup maging ang mga original illustrations ay hindi ko malaman kung kaninong mga kamay napapunta.
Anyway…
Napag-usapan namin kamakailan ng ilan kong kaibigan ang tungkol sa K-Zone comics at kung gaano ito kalakas sa market. Kung regular naman kayong nagbabasa ng PKMB, may talakayan doon tungkol sa Funny Komiks, ang pinakasikat na komiks pambata sa kasaysayan ng Philippine Komiks industry. Maraming readers at comics creators ang may fond memories ng nasabing komiks, at kanya-kanya sila ng paboritong karakter na lumabas doon.
May isa akong kasamahang editor sa ABS-CBN Publishing na nang-challenge sa akin gumawa ng format ng K-Zone na pangmasa kamakailan. Honestly, hindi pa ako nakahawak nito o nakabuklat man lang. Pero bago ko nagawa ay ibinigay naman ang go signal para asikasuhin ko na ang Sindak!
Malakas na market ang mga bata. Bago ako umalis sa Atlas ay nagsimula rin ako ng isang komiks pambata, ang Pinoy Kids, na hindi ko na nalaman kung nagtagal pa ba o hindi na. Project ito ni Mr. Tony Tenorio dahil wala nga raw pambatang komiks ang Atlas noon.
Sa pagkaalam ko, ang Charm ng Atlas na copycat ng W.I.T.C.H. at pinagyabungan ng career ni Ate Tina Francisco bilang manga artist (ngayon ay nasa Glasshouse na) ay mataas din ang sirkulasyon. Nagtataka nga ako kung bakit hindi na rin yata ito lumalabas ngayon.
Mapapatunayan ang lakas ng market ng mga bata sa show ng ABS-CBN na Kung Fu Kids. Nang ilunsad kamakailan ng network ang kanilang mga bagong programa ay ang KFK agad ang namayagpag sa ratings kumpara sa mas kilalang komiks material na Palos, at maging sa Lobo. Hanggang ngayon ay top-rated din ang Sunday show na Goin’ Bulilit.
Ngunit hindi lahat ng babasahing pambata o palabas ay malakas. Kailangan din na ma-hook sila ng anumang material na makakakuha ng kanilang fancy. Sa isang writing workshop na sinalihan ko ay binigyang emphasis ng mga trainor ang kahalagahan ng sense of wonder bilang elemento ng material, at siyempre pa ay kinakailangan din na ito ay relevant.
Sa pakikisalamuha ko kung kani-kanino; bata, matanda, isip-bata, basta usapang komiks ay ang Funny Komiks ang siguradong unang-unang mababanggit. Hindi na siguro ito maibabalik sa sirkulasyon, pero masarap mangarap na magkaroon muli ng ganitong komiks kung saan may mga bagong karakter na muling mamahalin ng mga mambabasa.
Sana may makita tayong publisher na handang sumugal sa ganitong proyekto…
***
ANG drowing sa itaas ang kaisa-isang materyales na na-salvage ko sa ginawa kong mockup dahil naiwan pala ng artist na si Al Abetchuela sa computer ni Dopski na isang komikero at ine-email niya sa akin. Kasikatan ni Sandara Park nang maisip ko ang karakter na si Krung-Krung. Hindi original pero dahil wala namang nagmamay-ari ay naipa-copyright ko, at noong time na ‘yon ay sikat na sikat si Sandara kaya para sa akin ay relevant at may name recall agad sa mga bata.
Saying, di po ba?

9 comments:
Ay sana nga po ay makakita ka
kuya KC ng susugal sa ganitong klase ng proyekto.
Gusto kong magdrawing basta pambata. 3 titles ang hawak ko ngayon na pambata, na ipinagkatiwala ng matalik na kaibigan at magaling na editor sa industriya ng komiks.
pero, gusto ko rin mailabas ang aking idea sa pagsusulat at mga sariling karakter sa isang babasahing tulad ng funny komiks. :)
KC.
Magandang venture iyan KC. Tandaan natin na ang love for reading eh nagsisimula sa pagkabata. Pag na-aadress mo iyan sa bagong venture mo, malaki ang contribution mo sa ating misyon na ibalik ang habit ng pagbabasa. Kahit si Mr. Rio Alma, ay sasang-ayon dito.
At ako ay naniniwalang mas improved version pa ng legendary Funny Komiks, ang magagawa mo....
Auggie
So magagamit mo pa ang materials na ito sir?
kuya kc magtatanong lang ako, san ba nagpapa copyright ng character katulad nung ginawa nyo sa krung krung na character ninyo? at magkano po ang magagastos salamat po
Jay
gilbert,
magagamit pa pero hindi na siguro dapat i-pattern sa porma ni sandara. sayang di ko na makita ang ibang pahina, naroon na 'yung karakter ni krung-krung.
jay,
sa national library sa may m. kalaw street, ermita, manila. madali lang ang proseso nito pero maganda na tumawag ka muna roon (look at their website for the contact numbers) para sa mga detalye para di ka na magpabalik-balik.
salamat kuya KC
Jay
Okay na character itong naisip mo, Ingkong KC.
Maganda sanang maging Franchise na character na puwedeng lumabas sa iba't-ibang media: komiks, tv, film, tapos, sa iba't-iabng genre: comedy, horror, mystery, fantasy.
At saka kahi't na MANGA-ish ang drawing, very appealing ito. Kung ganito ang style ng Manga, tiyak na magugustuhan ito ng mga readers.
KC...
Magkasama kami ni Randy Valiente sa booth noon nakaraang KOMIKON. Ngayon lang ulit ako medyo nagkaroong oras para muling mag-update ng blog ko. Nabasako karamihan ang post mo at mga komento nun anonymous, sya din yata yun bumira sa amin nun nagpost ako kay randy.
Anyway,napadaan lang and goodluck syo. Nai-add na ko na pala ang link ng blog mo sa blog ko. Sana ay mai-add mo din ako sa link mo. Salamat at God Bless.
Myke Guisinga
Post a Comment