Saturday, March 15, 2008

'gone to the dogs'

Umalis na ako sa Risingstar Printing Enterprise. Nagkaroon kami ng hindi pagkakaunawaan ng mga may-ari sa direksyon na dapat tahakin ng kumpanya, at sa aking tingin ay hindi na rin healthy ang aming relasyon. Minabuti kong umalis na lang agad-agad kaysa magkaroon pa ng mas malaking gulo kapag nanatili ako roon at magkaroon ng demoralisasyon ang mga empleyado.
Two years na ang Risingstar. Dalawampu’t tatlo (23) ang titulo nito na lumalabas kada buwan na ang pinakamababang initial print run ay 12,000 copies, ang pinakamataas ay nasa 22,000. Hindi ko na alam kung hanggang saang bilang ang inaabot kapag may reprint.
Nitong Enero 2008, sa assessment ng National Bookstore ay ang Risingstar ang number 1 sa sales sa entertainment reading materials—nationwide.
May paliwanag tungkol dito.
Ang pinagbabatayan ng NBS ay ang number of copies sold, hindi kung magkano ang kinita. Nagkataon na ang Risingstar ang may pinakamaraming kopya na naibenta last year, beating the Pugad Baboy series by almost 50,000 copies.
Pero itatanong n’yo siguro: “Ano ba ‘yung product ng Risingstar?”
‘Yun din ang dilemma ko. Hanggang ngayon ay walang masasabing flag-bearer ang Risingstar. Malakas ang songhits (2 titles), joke books, puzzles, pocketbooks, ghost stories, etc. pero walang identity. Lahat ay generic. Maganda ang kita pero sablay ang branding na napakahalaga sa product development.
Hindi katulad ng Psicom na kilala sa kanilang Ghost Stories and DC superheroes. O noong panahon ng Jingle, pag sinabi ang salitang ito, alam mo agad na songhits ang ibig sabihin.
Last quarter of 2007 ay nag-propose na ako na magbago na ng direksyon ang kumpanya lalo na sa paglakas ng popular literature at ang pagkakaroon ng interes muli ng tao sa komiks. Gumawa ako ng maraming product study—concept, title, materials, computations—pero hindi nag-materialize. May mga counter-proposal sila na mga proyektong sa aking tingin ay forgettable.
Publishing is all about timing. Noong malakas pa ang ingay ng komiks, kahit nagkaproblema sa Filipino Komiks ay marami akong nai-suggest na pampalit, pero hindi sila interesado. I even failed to convince them to buy the rights of Nestor Malgapo’s book in illustration which I think could have been a bestseller. Ibinigay rin ni Joey Celerio ang kanyang libro tungkol sa dynamic figure drawing pero ni hindi rin sila nag-abalang bigyan ng second look gayung may demand noong time na ‘yon para sa comics illustration book na gawang Pinoy. Sa frustration siguro ni Mang Joey ay binawi na niya ang libro at sabi sa akin ay siya na mismo ang magpa-publish kahit limited copies.
Sa halip ay binili nila ang rights para maisalin sa komiks ang Lupin, isang desisyon na hindi ko alam… at isang proyekto na hindi ako tumulong dahil sa aking kaugnayan sa ABS-CBN. Pero kahit sa Lupin ay nagkamali sila dahil hindi pinag-aralan ang konsepto, and even opposed my suggestion to have this veteran artist illustrate the story. Mayabang daw kasi ‘yung veteran artist. So? Kung may ipagyayabang naman ano ang problema? Sa akin kasi ay hindi issue ang ugali ng contributor, ang importante ay kung ano ang kaya niyang gawin.
Bukod dito ay marami pang issues na sa tingin ko ay hindi ko na dapat talakayin.
Sa pag-alis ko sa Risingstar ay posibleng naalis din sa mga may-ari nito ang ‘perennial monkey on their backs.’ Ang mga batang staff na nakasama ko ay mailalabas naman ang kanilang full potentials sapagkat posibleng may magaganda silang ideya na makatutulong sa company. It’s their time to shine.
Hindi ako emotional na tao kaya naka-move on agad ako, saka ako naman ang nang-iwan so there’e no reason to get 'emo'.
What keeps me lonely about me and Risingstar parting ways is this dog named Diet. Si Diet ay isang Bichon Frisé at sa mga unang buwan ko sa company at wala pang staff kahit isa ay siya ang aking kasa-kasama. Matalino siya at marami akong naiturong tricks sa kanya. Natutulog siya sa may paanan ko kapag nagko-computer ako at sumasama sa akin kapag nagpupunta ako sa tindahan sa kanto kapag oras ng meryenda. Tuwing umaga ay pinasasalubungan ko siya ng pandesal na may palaman. Last December ay na-confine pa siya sa vet clinic at akala ko ay mamamatay na, buti na lang at naka-recover pa rin.
Nakatingin siya sa akin habang papaalis na ako noong last day ko sa Risingstar. Parang nararamdaman niya na hindi na ako babalik, at kinunan ko naman siya ng litrato bilang souvenir. Hindi ko nagawang lumapit sa kanya para magpaalam, baka mapaiyak ako lalo pa ngayon na napapabayaan na siya. Hindi ko na rin tinawag ang kanyang pangalan, nagtitigan na lang kami na parang nauunawaan ang mga nagaganap. Mag-best friend kami, and if only Diet could talk, maybe he would ask me what went wrong.
I’ll miss Diet. He’s the only thing worth remembering in my two years in that company.
Photobucket

11 comments:

TheCoolCanadian said...
This comment has been removed by the author.
TheCoolCanadian said...
This comment has been removed by the author.
TheCoolCanadian said...

KC:

Knowing your dedication to your work, it's the company's loss, not yours. But showbiz has a funny way of making things happen. For all you know, you and Risingstar might patch things up one day and might dance to the same music once again especially since both parties didn't burn any bridges during the parting.

And Diet... he's such a cutie. And they don't care about him? Just looking at his photo made me crumble like an APPLE CRUMBLE. Poor doggie.

kc cordero said...

JM,
naaawa rin ako doon sa aso. anyway, 'yung ibang staff naman ay concern sa kanya at laging pinakakain pag tanghali.

Reno said...

Sa Risingstar ba ang Timawa? Sana matuloy pa rin.

Sabi nga, KC, one door closes, another door opens. I'm sure may mga bago kang ihahain sa mga readers in the near future.

Sana inampon mo na lang yung doggie. :)

KOMIXPAGE said...

Iyan ang gusto ko sa tao, may prinsipyo, at bilib ako sa iyo KC.
Sa panahon ngayon kokonti na ang taong tulad mo (natin pala) As a matter of fact, kahit magtanim na lang ako ng kamote at magtinda ng lobo sa Luneta, gagawin ko basta naroon pa rin ang prinsipyo ko.
It's the only thing we had, kung igi-give up pa natin ito, it's like we are walking with unity, este, with the DEVIL pala.

Azrael Coladilla said...

wawa naman yung dog..
pwede sana ampunin

mangungumpay said...

the big boss of risingstar asked me to still write for them (dahil me problema na pala na di ko pa alam). on the other hand, you told me to stay because you know i need it.

yes, i need it. who doesn't need a source of sure income?

pero nang malaman ko mula sa isang insider (taga-risingstar din) ang totoong nangyari, i arrived at this decision: not to see Diet again, too.

but i'll miss sherlak, your smiling and very capable assistant.but most of all, i'll miss writing ghost stories-- for now.

sasabihin mo siguro, di wala ka nang pera?

sanay akong walang pera. he he!

hindi ako nagbebenta ng kaibigan.

TheCoolCanadian said...

Azrael:

Huwag malumbay, anak...
Gagawa ako ng DIET TOY FIGURE...
Type mong bumili?

Anonymous said...

Wise at praktikal lang ang rising star.sila ang player at dapat lang na maging sigurista.nilalaktawan na nila ang ganitong business at nakatuon sa mga ginagawa nilang malakas bumenta.target nila ang masa.ang komiks ay di na para sa masa.para na lang ito sa mga comics enthusiast at mga taong mahihilig magbasa ng mga kuwentong antique.mahilig ang mga pinoy sa hula at feng shui at nakuha nila ang gusto ng masa.

ang mga nasa komiks ay dapat na lang magconcentrate sa graphic novel at imarket ito sa ibang bansa at baka sakali na maka survive pa. malaki nga ang puso ng mga taga komiks sa industriyang ito pero ang komiks ay wala namang magagawa para sa mga gumagawa nito.

Gerry Alanguilan said...

KC... nakakalungkot naman ang kwento mo tungkol sa aso. Dun ako tinamaan kasi malapit ako sa aso. Kawawa naman.