NAKATANGGAP ako ng imbitasyon kamakailan lang para sa umano’y brainstorming para sa posibilidad na magbukas ng komiks ang isang interesadong pamilya. Nagulat ako sa imbitasyon dahil hindi ko akalain na may interes pa pala “sila” sa komiks.
Masyado akong busy kaya hindi ako nakapangako sa nag-imbita sa akin. Isa pa, batay sa “nakalipas” ay “estranghero” ang pakiramdam ko sakaling makaharap ko ang nag-iimbita. “Magkabilang bakod” kami noon.
Akala ko ay “drowing” lang ang imbitasyon pero nalaman ko na totoo pala na may interes uli “sila” sa komiks. Kinumpirma sa akin ng isang “dating taga-kabilang bakod” at ngayon ay “nakatawid na” na totoong pinag-aaralan “nila” ang “pagbabalik” at ang planong simulan ay isang dating napakasikat na title. Sa kanya raw kasi nagtatanong kung saan mahahagilap ang ibang mga dating taga-industriya. Incidentally, ang nagtatanong sa kanya na “unang-unang editor ng isa sa pinakasikat na title” ay mukhang siyang in-charge sa ginagawang pagbubukas.
Sana ay matuloy kung talagang may plano “sila.”
Alam kasi “nila” ang pasikut-sikot ng komiks.
O baka hindi natin alam ay unti-unti na silang nagbubuo ng editorial team.
Sabagay, mas tahimik… mas planado… mas sigurado.
Sunday, May 25, 2008
Thursday, May 15, 2008
Booksale's ‘certified collectors’ choice’
MAY special section ngayon ang ilang selected outlets ng Booksale Store—ang ‘certified collectors’ choice’. Nasa section na ito ang mga lumang isyu ng mga komiks at libro—na karamihan ay first edition.
Medyo mahigpit ang mga salesclerk pagdating sa mga item dito kaya hindi ko nakunan ng picture ang shelf kung saan naka-display ang mga items. Kailangan mo ring magpaalam kung gusto mong tingnan ang loob ng graphic novel na gusto mong bulatlatin—na bukod sa plastic cover na naka-tape na ay may goma pang nakatali. Ibig sabihin ay talagang iniingatan nila. Noticeable din ang “zeal” na nagpapatunay na ‘certified collectors’ choice’ ang nasabing item. Sa graphic novels, ang presyo ay nagsisimula sa P130.
Medyo nagtitipid muna ako kaya kahit gusto kong mamakyaw sana nang araw na iyon na una rin nilang inilabas ang mga collectors’ item ay pansamantala muna akong nagpigil at binili ko lang muna itong Daredevil nina Frank Miller at Bill Sienkiewics.
HINDI kasama sa ‘certified collectors’ choice’ pero sa ordinaryong comics section ay nakita ko naman itong mga kopya ng Swamp Thing na tinintahan ng dakilang si Alfredo Alcala. Hindi kamahalan kaya kinuha ko na lalo pa at isang Pinoy legend ang kasama sa project.
AT dahil fan ako ng Heavy Metal ay napilitan na rin akong bilhin itong kanilang 30th anniversary special featuring the graphic novel Melting Pot ni Kevin Eastman. Katulong niya rito ang ilan pang artists gaya nina Eric Talbot , Simon Bisley at Rob Prior. Isang kuwento lang ang isyung ito.
HINDI ako fan ng Manga pero nanghinayang naman ako dito sa MangaQuest nina Ben Gibson at Serge Marcos. Mura lang kaya dagdag na koleksyon na rin bilang art reference.
Sa Booksale Mall of Asia ako madalas makahalukay ng mga ganitong great finds.
Friday, May 2, 2008
tintin's basura monster
NOONG April 28, 2009 ay nagbigay ng suporta ang The Buzz Magasin sa sikat na TV personality na si Tintin Bersola sa kanyang isinagawang book reading ng kanyang aklat na 'Basura Monster' sa ilang kabataan sa Makati City. Ang event na ginanap sa Glorietta 3 Activity Garden ay dinaluhan din ng ilang grupo na concern sa pagsagip sa ating kapaligiran. May mga art exhibit din sa nasabing area.
Bahagi rin ng programa ang pag-awit ng editor-in-chief ng The Buzz Magasin na si Benjie Felipe ng kanyang mga orihinal na komposisyon na ang tema, siyempre pa, ay pangkalikasan.
Nag-eensayo ng kanyang mga piyesa si Benjie kasama si Athena, ang managing editor ng The Buzz Magasin.
Ang ilan sa mga dumalo sa book reading.
Full support ang The Buzz. Athena with Dety, our editorial assistant.
Baka isipin n'yo hindi ako kasama, nandito rin ako kahit sobrang init ng panahon.
PAHABOL: Nanalo ako via electronic raffle sa ABS-CBN ng limang (5) tiket para sa Wowowee kaya lang ay late na ako na-inform. Sayang, naisali sana sina Randy, Marboy, John, Gerry at Ner sa Hep-hep hooray at Pera o Bayong.
Subscribe to:
Posts (Atom)