Thursday, May 15, 2008

Booksale's ‘certified collectors’ choice’

Photobucket
MAY special section ngayon ang ilang selected outlets ng Booksale Store—ang ‘certified collectors’ choice’. Nasa section na ito ang mga lumang isyu ng mga komiks at libro—na karamihan ay first edition.
Medyo mahigpit ang mga salesclerk pagdating sa mga item dito kaya hindi ko nakunan ng picture ang shelf kung saan naka-display ang mga items. Kailangan mo ring magpaalam kung gusto mong tingnan ang loob ng graphic novel na gusto mong bulatlatin—na bukod sa plastic cover na naka-tape na ay may goma pang nakatali. Ibig sabihin ay talagang iniingatan nila. Noticeable din ang “zeal” na nagpapatunay na ‘certified collectors’ choice’ ang nasabing item. Sa graphic novels, ang presyo ay nagsisimula sa P130.
Medyo nagtitipid muna ako kaya kahit gusto kong mamakyaw sana nang araw na iyon na una rin nilang inilabas ang mga collectors’ item ay pansamantala muna akong nagpigil at binili ko lang muna itong Daredevil nina Frank Miller at Bill Sienkiewics.
Photobucket
Photobucket
HINDI kasama sa ‘certified collectors’ choice’ pero sa ordinaryong comics section ay nakita ko naman itong mga kopya ng Swamp Thing na tinintahan ng dakilang si Alfredo Alcala. Hindi kamahalan kaya kinuha ko na lalo pa at isang Pinoy legend ang kasama sa project.
Photobucket
Photobucket
AT dahil fan ako ng Heavy Metal ay napilitan na rin akong bilhin itong kanilang 30th anniversary special featuring the graphic novel Melting Pot ni Kevin Eastman. Katulong niya rito ang ilan pang artists gaya nina Eric Talbot , Simon Bisley at Rob Prior. Isang kuwento lang ang isyung ito.
Photobucket
Photobucket
HINDI ako fan ng Manga pero nanghinayang naman ako dito sa MangaQuest nina Ben Gibson at Serge Marcos. Mura lang kaya dagdag na koleksyon na rin bilang art reference.
Photobucket
Sa Booksale Mall of Asia ako madalas makahalukay ng mga ganitong great finds.

4 comments:

Anonymous said...

KC,

Available ba iyan sa lahat ng BOOKSALE OUTLETS, baka diyan lang sa Mall of Asia ? pakitanong next time mapunta ka doon. Dito sa Iloilo City, wala akong makita niyan, altho mi nakita akong mga Manga Adaptations sa English, 130 bucks yata ang isa.....


Auggie

kc cordero said...

auggie,
selected booksale outlets within metro manila. sa malalaking mall lang daw. pag napaluwas ka sasamahan kita dito sa mall of asia.

Robby Villabona said...

KC, May Free Comic Book Day sa May 24 sa FULLY BOOKED sa Fort Boni. 20% off daw lahat ng graphic novels.

kc cordero said...

rob,
sige... pag hindi bagyo baka makakapunta. wala pa kasi ako ng orc's tale ni alex niño. :)