NAKATANGGAP ako ng imbitasyon kamakailan lang para sa umano’y brainstorming para sa posibilidad na magbukas ng komiks ang isang interesadong pamilya. Nagulat ako sa imbitasyon dahil hindi ko akalain na may interes pa pala “sila” sa komiks.
Masyado akong busy kaya hindi ako nakapangako sa nag-imbita sa akin. Isa pa, batay sa “nakalipas” ay “estranghero” ang pakiramdam ko sakaling makaharap ko ang nag-iimbita. “Magkabilang bakod” kami noon.
Akala ko ay “drowing” lang ang imbitasyon pero nalaman ko na totoo pala na may interes uli “sila” sa komiks. Kinumpirma sa akin ng isang “dating taga-kabilang bakod” at ngayon ay “nakatawid na” na totoong pinag-aaralan “nila” ang “pagbabalik” at ang planong simulan ay isang dating napakasikat na title. Sa kanya raw kasi nagtatanong kung saan mahahagilap ang ibang mga dating taga-industriya. Incidentally, ang nagtatanong sa kanya na “unang-unang editor ng isa sa pinakasikat na title” ay mukhang siyang in-charge sa ginagawang pagbubukas.
Sana ay matuloy kung talagang may plano “sila.”
Alam kasi “nila” ang pasikut-sikot ng komiks.
O baka hindi natin alam ay unti-unti na silang nagbubuo ng editorial team.
Sabagay, mas tahimik… mas planado… mas sigurado.
19 comments:
Uy parang alam ko ang sikat na title na ito ah hihihi. bata pa ako peborit ko ito noon hehe. Tama kaya ako kuya KC?
Parang showbiz, blind item... tama kaya nasa isip ko? Hmmmn...
sana buhayin nila ang 'L na L' komiks hehehe.
Lolo sa tuhod na Ingkong KC:
Parang B-movie ang title ng entry mo ngayon, ha?
"THEM" aliens from Outer Space :-D
Paano nila ibabalik ito kung naging NASTY sila noon sa mga trabahador ng komiks?
father confessor,
sana nga po ay natuto na sila sa aral ng kasaysayan. at sana sa kanilang muling pagkabuhay ay hindi na sila asal-alferez :)
sa mga humuhula,
malinaw nga ba ang inyong bolang kristal? pero sana matuloy...
randy,
hindi kita masisisi kung ang title na 'yan ang nasa wish list mo. tag-ulan na e, hehe
KC,
Kung makaatend ka sa imbitasyon, liwanagin mo agad sa mga mi ari na hindi na pwede ang modus operandi in the past. Iba na ang panahon ngayon, at hindi na pwede ang egregrious exploitation sa mga Komikeros. Mabuti na yung una pa lang engkwentro eh magka -liwanagan na, para walang hassle, stress & tension sa huli, di ba ?
Auggie
auggie,
definitely hindi na ako puwede rito dahil medyo busy na ako ngayon. pero anuman ang mabalitaan ko, i'll keep you posted.
lolo kc, sino ba 'yang 'sila' na 'yan? di ko ma-getz. .yung bang dalawang bakod ay ay nagsisimula sa A & G? Curious lang.
anonymous,
tama po!
so its the 'G' one?
Guererro?
Atlas?
A-antonio G- arrovillo ?
A-KLAS ISIP?
di kaya si Alanguilan Gerry?
o kaya ATLAS at GASI?
-Joey
Naku, kung yung magwaswit na A.G. yan, malamang tablahin sila ng maraming contributors dahil maulit na naman ang 'INDIO' days hahahah. well, kung yung mga indies ang makukuha nila, baka patulan pa sila, pero yung may masasakit na karanasan dati, baka magkabalibagan ulit ng upuan at mesa hehehehe
lolo kc, di ba ATLAS and GRAPHICS lang naman ang dalawang malaking bakod? ikaw ay dating taga 'A', so its 'G' na nga ba? di ko alam marami palang nangyaring di kanais-nais. umalis na kasi ako sa dalawang bakod bago pa sila lumamlam.
atlas and gasi lang ang magkabilang bakod noon. pero sa analysis ko, atlas lang ang may kapasidad na mag-revive ng komiks. ubos na ang mga kapitalista sa gasi. mula nang mamatay si don ramon, nagkawatak watak na sila. si wahoo ay nalugi. ai cookie ay ganon din. lalo naman yung mag-asawa na ang sama ng record sa mga contributors.kung sila ang nag-iimbita sa iyo tama ang desisyon mo na wag pumunta. walang papatol diyan maliban sa mga baguhan na hindi pamilyar sa karakas nila. pero duda ako na yung mag-asawang a.g. ang tinutukoy mo. malamang nga gasi ang tinutukoy mo pero palaisipan sa akin kung sino doon. sana naman deretsuhin mo na kung sino para kung sakali mawarningan natin ang mga magtatangkang pumatol at wag na silang makagoyo.
pareng randy, yung magwaswit na A.G. ba 'kamo? surprising yan kung tama ang kutob mo na sila nga ang tinutukoy ni KC. kasi balita ko ay nagsara na ang kumpanya nila at hindi pa yata bayad yung mga tao.
siyanga pala, ano na ang nangyari sa mga komiks ng sterling? bakit wala na yata akong nakikita sa bangketa? dati kahit pano ay may mangilan-ngilan. sinasabi ko na nga ba at magpa-flop yan. tsk tsk!
Post a Comment