Tuesday, September 16, 2008

'hanapbuhay'

Photobucket
Photobucket

ALAS DOS ng hapon kanina at wala akong magawa. Naisipan kong umakyat sa pinakaitaas ng aming bahay. Napakainit ng sikat ng araw at kahit nakaupo lang ako sa hagdan ay pinagpapawisan ako. Natanaw ko ang mga construction worker sa di kalayuan na may itinatayong bahay. Naisip ko, sa tindi ng sikat ng araw, kung isa siguro ako sa kanila at sa taas ng kanilang puwesto… baka nawalan na ako ng malay.
Nagsimula ako sa ganitong trabaho na nakabilad sa sikat ng araw. Noong bata pa ako, pag panahon ng taniman at anihan ng palay ay nakabilad din ako sa sikat ng araw. Gayundin sa ibang gawaing bahay gaya ng pangangahoy at paghahanap ng ipapakain sa alagang baboy at baka. Kahit ayaw kong gawin ay hindi naman puwedeng tumanggi dahil utos ng mga magulang.
Nang magtrabaho ako sa Caltex Refinery ay mas mabigat ang sitwasyon. Mainit na ang planta kapag outside job ang gagawin namin, mainit din ang sikat ng araw. Bukod pa ang panganib na magkaroon ng singaw ang mga kemikal sa paligid na kung minamalas-malas ay puwedeng ikamatay.
Dahil bata pa ako noon, ‘ika nga ay kaya pa ng katawan at hindi ko pa naiisip ang panganib ng naging dating trabaho. Ngayon, habang minamasdan ko ang mga construction worker na ito na nakabilad sa araw habang tinatapos ang kanilang gawain, nagpapasalamat ako sa Maykapal na kahit paano ay nag-iba ang naging takbo ng aking kapalaran at nakawala ako sa ganitong mabibigat na hanapbuhay.
Kaya pag may naririnig akong mga kakilala na magagaan ang gawain at nasa loob ng air-con na opisina pero nagagawa pang magreklamo sa uri ng kanilang hanapbuhay, naiisip kong siguro kung dumaan kayo sa trabahong halos sumuka na ng dugo, ipagpapasalamat ninyo nang sagad-sagad ang maganda ninyong katayuan sa paghahanapbuhay.

Saturday, September 13, 2008

'trese... wow!!!'

Photobucket

NAKATANGGAP ako kahapon, September 12, ng free copies ng 'Trese' Komiks from Budgette Tan. Pag sinusuwerte ka nga naman. Salamat, sir... at sana lalong maging matagumpay ang komiks n'yo ni Ka-jo!

Wednesday, September 10, 2008

'hiatus'

AFTER two months hiatus ay pumasyal muli ako sa opisina ng ABS-CBN Publishing. Dahil under contract lang ang employment status ko sa opisina ay okey lang na sa bahay ko ginagawa ang aking trabaho. Ganito rin ang aking setup sa ilang small presses na may project ako.
Hindi ko alam kung bakit biglang-bigla ay tinamad akong mag-aalis ng bahay, though once in a while ay nagpupunta ako ng mall para bumili ng libro. May dahilan siguro kung bakit naging anti-social ako ngayon at hindi ko lang matukoy kung ano. Ang pakiramdam ko lang, masarap sa bahay, gigising sa umaga na kung may makitang magandang subject pagbukas ng bintana ay puwedeng kunan ng picture—kahit wala namang malalim o makasining na dahilan.
Photobucket
**
NAGPA-PANIC ang mga kaibigan ko sa The Buzz Magasin dahil kilala na nila ako. Once I distanced myself from them for a long period of time, may ibig sabihin. Naghihinala sila na I’m on my way out at baka lumipat na ako ng company come 2010. Nami-miss kasi nila ang masasarap na kainan na magkakasama ang buong tropa at nagkukulitan. Ang mga eksenang ito ay matagal na; blowout nang ilan sa kanila ang mag-celebrate ng kaarawan.
Photobucket
Photobucket
Photobucket
**
Today, September 10, 2008 ay dumalaw nga uli ako sa opisina. Nanibago ako sa paggamit ng aking automated ID. Mahaba pa rin ang pila sa ATM. Hindi na kasinlinis ng dati ang CR—na binalahura ng mga ka-share namin sa floor na mga taga-call center. I wonder why these call center employees do not know how to use the comfort room properly; may nagpapatugtog nang malakas ng kanilang media player o cellphone na para silang nasa kanilang kuwarto o salas. Another, they treated the elevator as their own. ‘Yun bang tipong papasok na agad sa loob nang hindi alam kung pababa ba o pataas ang direksyon at pipindutin na parang keypads ang control, at nakikipag-usap sa nasa labas at ayaw agad hayaan na magsara pagkapasok. And yes, they talk inside the elevator with their fake American accent.
**
Anyway, isa sa mga dahilan kung bakit ako nagpunta sa office ay kinakailangan na raw naming magbayad sa Komikon sabi ni Ner para maka-avail ng discount. FYI, kumuha kami ng sariling mesa para sa Komikon 2008 sa UP Bahay ng Alumni sa Nov. 22. Kasama namin ni Ner ang isa pang Kapamilya artist na si Rommel ‘Omeng’ Estanislao. Si Omeng ay sumali na last year at kasama namin sa indie tiangge dala-dala ang kanyang creation na si “Kokoy Kolokoy.” May iba pa siyang creation this year, at dahil isa siyang graphic artist and T-shirt designer, may plano rin yata siyang magtinda nito. Ner, of course, will bring his usual gang of Sanduguan.
Napag-usapan din namin ang mechanics ng binubuong project ni Gilbert Monsanto. Kanina ko lang na-realized ang kagandahan ng proyekto ni Gilbert nang ipaliwanag ni Ner—at marami na raw artist ang tumugon kay Santomon. Gilbert, hat off ako, Sir.
**
Nag-usap din kami ng EIC ng The Buzz Magasin tungkol sa estado nito at ang mga plano next year. Kung bumibili kayo ng TBM, mapapansin ninyo na iba na ang layout kumpara sa dati. Tinututukan na ang TBM dahil sa malaking potensyal nito sa maraming aspeto. May editorial workshop din daw kami sa September 24-25, at dapat akong mag-attend.
Ito pala ang aming October issue na lalabas middle of September:
Photobucket
**
Hindi ako masyadong nagtagal sa opisina. Alam kong gustung-gusto pa nila na makatsikahan ako at makapagkape kaya lang ay masyadong maraming ulan ang dala ni Typhoon Marce at mahirap mag-commute kapag rush hour na. Taxi o dyip? Wala akong dalang payong (umbrella… payong…. the Filipino version of Rihanna’s hit is so funny) kaya nag-taxi na lang ako. May mga text messages at missed call sa cellphone na di ko narinig—mula sa mga dating kakilala. May nagtatanong kung OK bang bumili ng sasakyan kasi plano raw niyang mag-car loan; isang dating employer ko sa Japan na nagtatanong kung magkano ang tiket papuntang Bisaya (sana hindi Perhuwicio Lines ang masakyan niya). Sabi ko mag-eroplano na lang. May isa ring texter na nagtanong kung bakit daw di na napapasyal si Cool Mom sa blog na ito. So, may fan base na si CM. Actually, maraming nag-e-email sa akin tungkol sa kanya. It calls for another blog entry.
Home finally. May dagdag na palang P10 ang metro sa taxi. At sinalubong ako ng aking dalawang 'pirated' dogs na nagtataka kung bakit ilang oras akong nawala.
Photobucket
Got another text message mula sa aming managing editor ng TBM na si Tintin habang ako’y nagkakape at nanonood sa Nickelodeon: “Balik kayo sa Friday… treat namin kayo ni Berns [copy ed/writer/soon-to-be editor] ng lunch!”
Tempting. And then I began to think about the CR, the elevator flooded by the call center agents—and their nauseating fake American accent.

Tuesday, September 9, 2008

pareng meyo's art

Photobucket
MEDYO nakaligtaan ko ito; dapat ay lumabas sa august issue ng The Buzz Magasin. Pareng Meyo, pasensya ka na... bawi na lang ako sa susunod:
“An art exhibit entitled “A Circle Mall Virgin Art Presentation" was held at the Center Stage, C & B Circle Mall in Marikina City last July 20 - August 2, 2008.
The exhibit was presented by a group of artists who call themselves Coloredo who aim to promote appreciation of arts to aspiring youth of today and help these aspiring artists in achieving their dreams.
Among the featured paintings were the works of Yong Montano, Marite Castro, Andy Urag, Ronnie Eustaquio, Ren Maglalang, Godie Josef, Tony Angeles and Meyo de Jesus.”
(Above image is entitled “Mother and Child” [mixed media] by Meyo de Jesus.)