Tuesday, September 16, 2008
'hanapbuhay'
ALAS DOS ng hapon kanina at wala akong magawa. Naisipan kong umakyat sa pinakaitaas ng aming bahay. Napakainit ng sikat ng araw at kahit nakaupo lang ako sa hagdan ay pinagpapawisan ako. Natanaw ko ang mga construction worker sa di kalayuan na may itinatayong bahay. Naisip ko, sa tindi ng sikat ng araw, kung isa siguro ako sa kanila at sa taas ng kanilang puwesto… baka nawalan na ako ng malay.
Nagsimula ako sa ganitong trabaho na nakabilad sa sikat ng araw. Noong bata pa ako, pag panahon ng taniman at anihan ng palay ay nakabilad din ako sa sikat ng araw. Gayundin sa ibang gawaing bahay gaya ng pangangahoy at paghahanap ng ipapakain sa alagang baboy at baka. Kahit ayaw kong gawin ay hindi naman puwedeng tumanggi dahil utos ng mga magulang.
Nang magtrabaho ako sa Caltex Refinery ay mas mabigat ang sitwasyon. Mainit na ang planta kapag outside job ang gagawin namin, mainit din ang sikat ng araw. Bukod pa ang panganib na magkaroon ng singaw ang mga kemikal sa paligid na kung minamalas-malas ay puwedeng ikamatay.
Dahil bata pa ako noon, ‘ika nga ay kaya pa ng katawan at hindi ko pa naiisip ang panganib ng naging dating trabaho. Ngayon, habang minamasdan ko ang mga construction worker na ito na nakabilad sa araw habang tinatapos ang kanilang gawain, nagpapasalamat ako sa Maykapal na kahit paano ay nag-iba ang naging takbo ng aking kapalaran at nakawala ako sa ganitong mabibigat na hanapbuhay.
Kaya pag may naririnig akong mga kakilala na magagaan ang gawain at nasa loob ng air-con na opisina pero nagagawa pang magreklamo sa uri ng kanilang hanapbuhay, naiisip kong siguro kung dumaan kayo sa trabahong halos sumuka na ng dugo, ipagpapasalamat ninyo nang sagad-sagad ang maganda ninyong katayuan sa paghahanapbuhay.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
56 comments:
wala nang kokorek pa sa sinabi mo!
Ingkong KC:
Matindi itong huling entry mo. Napakarami mo palang pinagdaanang hirap sa iyong pagiging bata noon. But, I would consider you lucky, grandpa. Dahil sa mga karanasang iyon ay nahubog ang iyong pagkatao at naging daan upang ikaw ay tumibay at maging isang magandang halimbawa sa mga kabataan sa kasalukuyan.
Dahil sa sinulat mong ito'y naalala ko tuloy ang aking childhood. Nang magmulat ako ng mga mata sa mundong ito ay nasa Foprbes Park ang aming tirahan at sangkatutak ang mga katulong, may kusinero pa. Nguni't dahil na rin sa mabuting pagpapalakai ng aming ina, lahat kaming magkakapatid ay may mga assignment sa mga gawaing bahay. Halimbawa, obligado kaming tumulong sa katulong sa paglilinis ng bahay, paghuhugas ng mga dishes at kung anu-ano pang gawaing bahay. Pero ang hindi ko mauunawaan kaylan man ay ang mga karanasan mong pagtatrabaho sa farm o sa factory. Kaya nga kung nagsusulat ako ng mga ganitong karacters, palaging segunda mano ang aking mga information at base sa mga taongpinagtanungan ko at na-obserbahan lamang. Ang kasuwertehan mo'y first hand ang info na galing mismo sa iyong karanasan.
Dahil sa sinulat mong ito ay biglang nagbalik sa akin ang aking youth. Siguro, habang ikaw ay nasa farm, ako naman ay naroon sa bubong ng aming bahay sa Jusmag noong teenager ako, at humihithit ng Mary Jane.
And then I realized how empty and meaningless my youth was.
Hmm... dahil na-depress ako, makapag-sindi nga ng isang joint...
"Dahil sa sinulat mong ito ay biglang nagbalik sa akin ang aking youth. Siguro, habang ikaw ay nasa farm, ako naman ay naroon sa bubong ng aming bahay sa Jusmag noong teenager ako, at..."
JM,
akala ko ang karugtong ay tungkol sa inyong magandang maid, na nagmulat sa iyo kung gaano kataas ang langit :)
pareng kabayan, nadale mo na naman si JM. he he he!
Ang mga pinagdaanang "mahihirap" na karanasan ay biyaya ring maituturing. Bukod sa sinabing mga rason ni JM, maidaragdag na we get to appreciate deeply all the blessings that have come after those initial challenges in life.
Nalulungkot ako para sa mga tao na sa halip na magpasalamat sa blessings nila ay nagrereklamo pa.
Thanks, KC, for your insightful post.
kc nakikilala mo ba yung isa sa di kalayuan na worker sa kuha mong pic? siya ung anonymous poster dito sa blog mo.
malinaw ang mga mata ni 'anonymous'. he he! nakilala niya pa 'yun!
pareng kabayan,
baka nakatungga ng isang boteng corex-d kaya luminaw ang mata, hehe.
Tawag sa mga taong puro reklamo na masarap ang trabaho ay... "DI MAKUNTENTO" at "WALANG PAGLAGYAN" meron pa pala... "REKLAMADOR" Hehehe.
Corex D? Nagbebenta ako ng mga bote nyan dati sa mga magbobote ng bata pa ako. Daming adik dito sa amin sa syrup noong di pa uso ang shabu...
pero alam ko sir KC 'di iyon pampatalas ng paningin... pamparami ng nakikita. hehe
Pero, humina ang kalakal ng sumulpot na ang shabu. Tsk.
omeng,
may kapitbahay ako noon sa batangas na uminom ng isang bote niyan, nakakapagpalinaw raw ng paningin ang tama sabi niya. sadyang inihinto ang production ng corex-d kasi nga napapagtripan ng mga ANONYMOUS, ops, hehehe, sori... ng mga adik pala.
di ba iyan ang dapat nyong gawing graphic novel sa halip na mga istoryang walang pakinabang sa masa? tulad lang ito ng mga video games na nakakaadik sa mga bata. siguro kaya walang nangyari sa komiks dahil wala namang silbi ito.bakit hindi kayo gumawa ng mga functional na komiks? baka marecognize pa kayo o kaya bigyan ng award sa mga ginagawa nyo.
Ang maganda nyan. simulan mo na pare...magdo-drawing ako sa iyo ng libre kahit limang isyu. baka nga tama ang haka-haka mo sa "functional na komiks" na sinasabi mo.
malay mo tayo ang marecognize at magka-award. Ganda! :)
omeng,
kaya fan mo ako, eh. malulupit ang mga counter comment mo sa mga anonymous.
pero talagang willing kang idrowing kung makagagawa si anonymous ng functional na script, ha? :)
KC,
Hindi ako aware na hard life pala ang dinanas ng kabataan mo, but the positive thing there is mas lalong pinayabong ang experience mo, na hindi karaniwang nai-experience ng mga bloggers dito, kaya mas maswerte ka pa rin.
Iyang pagbibilad sa araw na iyan ay bawal na bawal sa may mga ALTA-PRESYON, na pwede nilang ikamatay. Nakakalungkot ang ating mga kabataang hindi nakapag-aral, ay tiyak na diyan ang bagsak, to eke out a living ika nga...
Auggie
auggie,
naku, napakahirap ng dinaanan ko. mahirap pa sa daga, tipikal na isang kahig isang tuka. pag naaalala ko nga ngayon ang mga naging trabaho ko noon, hindi ko malubos-maisip kung paano ko kinaya.
pareng kabayan,
nangahoy, nangumpay ako noon sa batangas; nagtinda ng sigarilyo sa kahabaan ng Harisson St sa pagitan ng V. Cruz at Buendia sa Pasay (kaya doon ako nag-graduate ng high school, sa Lacson College)-- at nagtatago pa ako sa mga tsuper na taga-atin dahil nahihiya ako... naranasan ko ang lahat ng ito bago ko natuklasang ako naman pala'y nabiyayaan ng kaunting talento sa pagsusulat.
magkapit-nayon lang tayo pero di tayo nagkakilala noon, ang komiks ang naging tulay para wika nga'y magkrus (naks!) ang landas natin.
tama si augie, JM at si Wordsmith77 (hi, tita Jo) ang kahirapang iyon ang nagpapatibay sa tao.
kaya nga di ka takot ipaglaban ang karapatan mo pag alam mong nasa tama ka.
kaya rin malakas ang loob kong makipag-"away" kay Ka Badong. he he he! dahil bantad na ako sa hirap, alam ko ring pag may nagsarang isang pinto, meron pang ibang pintong mabubuksan.
teka...
biglang nawala si 'anonymous' nang sagutin ni rommel fabian. he he!
kabayan,
baka gumagawa ng kanyang 'functional' script para sa 'functional' komiks, hehe...
matagal na kaming gumagawa niyan at gradweyt na kami diyan noon pang kalakasan pa ng komiks sa pinas.nasa labas kami ng bansa kasama ang pamilya.
lumapit kayo sa ngo dahil may mga project sila pero wala na akong kontak sa kanila matagal na.
anonymous,
nasa labas ka pala ng bansa e paano mo pang nakita 'yung construction worker dun sa pic? malakas din ang 'amat' mo eh, 'no?
makatutulong ka sa pilipinas kung hindi ka na babalik dito. baka kasi sa mandaluyong ang bagsak mo, gagastusan ka pa ng gobyerno!
kahit saang ngo ka pa nagsulat, ang masasabi ko, may SAPAK ka!
kaibigan
sorry, di ako ang nagsulat nun. kayrami yata ng anonymous dito.
nagaanonymous na rin pala si manong mel fabian.palaban ang banat. kc maganonymous ka na rin hehehehiii.
Abat taran... teka,
Hoy HUNGAS! at kulang sa banlaw! ung gawain ninyong mag-anonymous 'wag ninyong ipasa sa iba.
bakit naman ako mag-anonymous eh, may pangalan naman ako... di nga lang kagandahan, hehehe.
saka masama turo nang turo, baka nuno sa punso maituro mo at lumaki itlog mo. :)
mhel tila nangingiti ka. parang.... uhmmmpptt duda na ako hehehe.
Hehehe. Ako rin duda na. kung saan gawa yang naninilaw mong utak.
kung gawa ba sa tokwa o sa taho.
pinanganak ka talaga para mambwiset ano?! hehehe. :)
Wala ng magawa itong mga posters dito at nagsasayang lang kayo ng oras. I'm not involved in comics pero parang naiisip ko na kung ano meron ang industry na ito. Sino ba namang maglalakas loob na mamuhunan kung ganyan kayo!
masustansya ang tokwa at ang taho.
ang promlema ung lalagyan, mukhang may kalawang...
Tsk, sayang. :)
Magugulo itong mga taga komiks at tsaka may point naman si anonymous poster. Mabuti at hindi ko pinasok ang komiks na yan although bago lang din ako sa pagsusulat.Sa research dept na lang ako.
Lita Mendoza
Ung namumuhunan, di yan tumitingin sa kakonyohan ng sinusuot, o gaano ka kapormal magsalita.
nasa nilalaman yan, 'di ng bibig. kundi sa ano ba ang nagawa mo. at kung paano ka bumanat nang trabaho.
kung hitik ka ba sa talento. hindi sa hangin ng utak at theory mo.
Ung namumuhunan kahit amoy imburnal hininga mo, o amoy patay na daga ang paa mo o, parang kanto ka magsalita... titiisin ka nila, makatrabaho ka lang. :)
hindi sila kumukuha ng puro base sa theory at spoonfeed research lang.
2000 years ago. may nagre-research kung bilog ba talaga ang mundo... pilit pa rin sila sa kakaresearch, at bigay ng bigay ng kanilang mga theory. samantalang 2000 years ago, nakasulat na pala sa bible na bilog ang mundo.
matitigas lang talaga ang ulo nila.
TSK, hanggang theory na lang sila at research.
EXPERIENCE ARE FAR GREATER THAN THEORY OR RESEARCH. :)
kaya truri na lang kayo. :)
Ang hambog naman ng mmag ito. Nagpaimpress pa.Daig mo pa ang mga nagkapangalan na sa komiks.Kami dito sa Saudi di ganyan at low profile lang kami at trabaho lang ng trabaho.Maraming pera dito basta matiyaga ka lang at di nawawalan ng raket dito. Sumubok magsaudi para malaman mo at huwag mo ng bilugin ang mga ulo ng naririto. Nahubog na kami ng mga sikat na artist sa komiks noon. Tumahimik ka na lang mabuti pa.
saan ka naman nakakita ng nagdodrwing na hindi nagereseach? liban na lang kung magaling ang photographic memory mo.di bale ng may kahinaan sa drawing basta propesyunal naman.Nagagamot ang mahinang artist basta marunong lang sumunod.
binibrainwash yata kami ng kumag na ito. hindi kami mga pipitsuging reseacher at alam namin ang ginagawa. At huwag mo kaming pangaralan ng tungkol sa globong pinagsasabi mo dahil matagal na naming alam iyan iho.
Lita M
EXPERIENCE ARE FAR GREATER THAN THEORY OR RESEARCH. :)
pero wala akong sinabing di mo kailangan magresearch? wag mo akong lagyan ng salitang diko sinalita. dagdag ang tawag dyan. ikaw ang nagbe-brainwash. hehe. pakibasa naman ung nasa itaas.
may mga researh nga kayo, ang tanong nagamit ba ninyo sa komiks? may theory nga kayo wala naman kayong experience sa komiks. anong silbi? magtrabaho na lang kayong mga frustrated magkomiks. diko naman sinabing nagkapangalan na ako. GUMAGAWA AKO SA KOMIKS! mahirap s atin. komiks itong blog na pinapasok nten, dapat komiks pagusapn dito. at di iyong research mo na di nman maikomiks. frustrated?
Nahubog ka nga, ang tanong nagamit mo ba sa pagkokomiks? o naiburo mo na ung pangarap mo sa komiks? ako nahubog din, pero nagamit ko. sabagay okey lang ang pagpapantasya, kaya nga patuloy kayong pumapasok sa mundo ng blog ng komiks. un nga lang bigay kayo ng bigay ng mga komentong puro paninira lang sa komiks. at mga theoryang di naman magamit.
low profile? Ah, oo maraming pera dyan. sa komiks kasi wala. low profile?
ung frustration lumilipas yan. :)
"Mga di pla sila involved s komiks?" tpos sbi nung isa, tmigil daw si meng. ang gulo! sino ba dpat tumigil? yng gmagawa o, pro kmento lng at umeeksena lng s komiks?
0_0
ang di nyo alam ay mas marami kaming ginagawang project kaysa inyo at hindi lang kami nagkukuwento.ang iba nito ay para sa vietnam, indonesia at thailand na pinopondohan ng mayayamang bansa. mas marami pa kaming line up sa 2010. sinong maysabi sa iyo na di kami makapasok sa komiks eh ako ang isa sa nagaapproved ng mga script ng mga writer na karamihan ay mga taga probinsiya?
itong mga anonymous ay mga pa impress din naman.wag na kayong magpakitang gilas dito at ikaw tumigil ka na ginoong fabian at wala kang mapapala sa kadedepensa. isa ka ring palalo. tama ung isang anonymous habang binabasa ko ay para ko na ring nababasa ang pagkatao mo. mayabang ka nga kaya kc sabihan mo nga itong kasama mo na tumahimik na. wala namang mawawala sa kanya kung wag ng mag iingay dito dahil masakit lang basahin ang mga sinusulat niya.
hehehe! kawawa naman itong mama si pareng fabian, pinagtutulungan eh. huwag ka nga nga magpost pare para tumigil na sila, pls lang.
guys,
kung nagkakatuwaan kayo rito ay okey lang 'yan dahil i'm cool pero huwag n'yo naman akong utusan na sabihan 'yung isa na tumigil lalo na kung anonymous kayo. anonymous na nga kayo nao-offend pa kayo samantalang 'yung isa ay lantad ang pagkatao. huwag na kayong magpasaklolo sa akin dahil sobra naman ang pagka-insecure n'yo kung di na kayo nagpapakilala natatalo pa kayo sa balitaktakan.
ang masasabi ko lang, kahit pa ano'ng pintas ninyo sa mga kasamahan ko, titindigan ko ang mga 'yan. ako kasi 'yung klase ng tao na hindi takot mapitpit ang balls basta para sa kasamahan.
medyo hostile ang blog na ito kaya pag nakipagbalitaktakan kayo sa mga bumibisita rito, tiyakin n'yo na marami kayong bala at hindi pikon.
Tama ka, KC Cordero.
Mas maganda sana kung maglagay ng pangalan ang lahat na gustong mag-comment para naman hindi tayo nalilito kung sinong ANONYMOUS ang nag-iwan ng mensahe. Anonymous#1,2, or 3 ba? Talaga namang nakababaliw. Yung ganda tuloy ng topic na sana'y nagsilbing inspiration ay nawalang bahala dahil nauna ang EMOTION bago ang KATWIRAN.
Nakita ko ang mga gawa ni Rommel Fabian, at talaga namang magaling ang artist na ito, tunay na may ibubuga. Ang isa pa sa nagustuhan ko sa taong ito'y may sariling PANININDIGAN. May sariling boses at hindi natatakot na ipaalam ang kanyang nasasaloob. Ganito talaga ang isang kahanga-hangang kantangian ng isang tunay na lalaki, kaya hats off ako sa kanya.
Siguro'y magagaling din kayong mga anonymous, pero hindi naman namin alam kung ano ang ginawa ninyo dahil wala nga kayong identity.
Kaming mga nagmamahal sa komiks ay hindi naman namimili ng mga taong pakikitunguhuan namin nang mabuti. Magpakilala lang kayo at kung malaman namin ang mga nagawa ninyo ay pupurihin pa namin ang mga ito kung nararapat.
Ipakilala ninyo ang inyong grupo at malugod naman namin kayong pakikitunguhan bilang tao at kasamahan sa pagmamahal sa komiks.
Salamat.
-JM Lee
Maganda nga ang panawagan ni ginoong JM.Siguro maganda kung makining na lang ang magkabilang panig. Peace!
-Joe
Oo nga. maangas i2ng c fabian. ang mganda sa angs nia pgblik-baliktarin man ang mundo, totoo pa rin ung angas nia. kita ko kc mga works nia. mlupet.
Ang kaso, ung ybang at angas ng mga anonymous. totoo po kya ang ybang nla anonymous. o claim lng nla?! ska bkit cla pikon wla nmn clang pninindigan at pgkatao d2. ^_^
pkilala nlng po kyong mga claimers.
-Joe
magingat ka sa pagsasalita anonymous. puwet mo lang ang walang latay kapag nagkita tayo sa cubao...
tumigil nga kayo. mukhang naglolokohan lang kayo dito eh.pinaglalaruan lang kayo ng mga iyan maniwala kayo:D
"Yung ganda tuloy ng topic na sana'y nagsilbing inspiration ay nawalang bahala dahil nauna ang EMOTION bago ang KATWIRAN."
JM,
totoo. lalo na sa blog ni RANDY VALIENTE na talaga namang nagre-research pa pero hindi maging malawak kung minsan ang talakayan. nasasayang...
kung ako sa iyo kc salain ko na lang para walang sakit ng ulo. ayaw mo lang eh. nagmukha tuloy basurahan itong mga post dito.
-jon
Nang mabasa ko lahat ang post ni Mr Fabian akoy nanghilakbot. Ganito na ba talaga ang mga asal ng mga bata ngayon? 3 ang anak kong binata pero pinalaki ko silang ng maayos sa pakikitungo sa kapwa. Payo ko sa inyo wag nyong gantihan ang mga dumudura sa inyo. Pabayaan nyo sila.
Nonoy
Nonoy:
Maganda iyang payo ninyo sa mga kabataan.
Nguni't... may mga pagkakataon na ang mga ilang NAGTATAGO ng kanilang mga identity ay masyadong LIBELOUS ang mga itinatapong akusasyon.
Dati'y hindi rin ako kumikibo sa mga nagtatagong mga nilikhang ito, pero ako'y dinusta, hinamak, at pinagbintangan ng kung anu-anong mga very LIBELOUS na gawain na hindi ko naman ginawa kahi't kaylan man. May mga nag-akusa pa sa akin na ako raw ay BAYARAN... isang MALE PROSTITUTE! Saan ka naman nakakita ng mga taong ganito? Ni hindi ko sila kilala. Hindi rin nila ako kilala. Hindi ko na rin kayang mapalampas pa ang mga pang-aabusong ganito, kaya naging NGIPIN SA NGIPIN na rin ang policy ko sa mga ANINO SA DILIM NA WALANG GAWANG magaling.
Maganda ang virtue na sinabi ninyo, pero kung minsan, Nonoy, ay kailangang matuto na rin tayong HUMAGUPIT para imulat ang mga mata ng mga taong wala na yatang hinahangad kundi ang saktan at ipahiya ang kanilang kapuwa, dahil lang sa sila'y NAIINGGGIT sa kalagayan ng iba. Sa parteng ito'y naintindihan ko ang reaksiyon ni Rommel Fabian. Lumalabis na rin kasi kung minsan ang mga taong ito na mga walang pangalan. Mga nilikhang mistulang anino lamang na may hawah-hawak na karit ni kamatayan at nakahandang pugutan ka ng ulo sa harap ng lahat na nagbabasa ng blog.
Kaya ang tanging masasabi ko lamang kay Rommel ay ito: KEEP UP THE GOOD WORK, MY MAN!
JM,
bakit nga ba ang mundo ay mapanghusga? kapag guwapo at nagtatagumpay sa career, ang iniisip agad ay naiikama ng among bakla o matrona.
tulad mo na hinusgahan agad na isang male prosti 'kamo. hindi ba nila alam na kalahati ng bicol region ay pag-aari ng inyong pamilya at hindi mo na kailangang magpahada para lang sa salapi at katanyagan?
si rommel naman, talented talaga ang batang 'yan kaya may 'k' magsalita.
Hehehe. Ako rin duda na. kung saan gawa yang naninilaw mong utak.
kung gawa ba sa tokwa o sa taho.
Tawag sa mga taong puro reklamo na masarap ang trabaho ay... "DI MAKUNTENTO" at "WALANG PAGLAGYAN" meron pa pala... "REKLAMADOR"
Hoy HUNGAS! at kulang sa banlaw! ung gawain ninyong mag-anonymous 'wag ninyong ipasa sa iba.
saka masama turo nang turo, baka nuno sa punso maituro mo at lumaki itlog mo. :)
EXPERIENCE ARE FAR GREATER THAN THEORY OR RESEARCH. :)
oo nga kc
dapat ito ang iwasan natin. sana wala nang mabasang ganito. sorry po kong naipost ko uli ito.
magkahiwalay na usapan na yung talented at garapal na salita.Yun lang naman.
Nonoy
Ayaw ko sanang makisali rito pero nakakapikon na 'yang mga anonymous na 'yan! Ako'y masasabng kabilang pa sa makabagong henerasyon, kaya natural na kay Pareng Meng ang panig ko.
Para sa akin, walang masama sa mga ginamit na kataga ni Meng. Ano pa'ng silbi ng tinatawag nating "Freedom of Expression"? May kanya-kanya tayong pamamaraan ng pagpapahayag ng ating mga sarili at nilalaman ng damdamin. Iba na ang lenguaheng ginagamit ng mga kabataan ngayon kumpara noon. Maging sa komiks ay nag-evolve na rin ang paggamit ng mga salita. Pati nga ang katagang "Shit" ay nagiging "Syet" pagdating sa komiks. Pero tanggap ito ng masa gayong alam naman nating lahat kung ano ang kahulugan ng salitang ito.
Wala namang rules at pamantayan na inilagay rito sa Kuya KC sa paggamit ng mga salita. Kung nabastusan man 'yung isang anonymous diyan sa mga ginamit na kataga ni Meng, problema na niya iyon, sarili niya iyong perception. Walang mali at masama sa mga sinabi ni Meng, matapang lang siyang manindigan sa kanyang ipinaglalaban.
Alam nating lahat na ang komiks ay puwedeng sabihin na isang radikal na mundo. Sa mga blog na tulad nito, i-expect natin ang malayang pagpapahayag ng damdamin ng mga taong naririto. Sa industriyang TILA "naglaho na", normal na magpahayag ng sentimiyento ang mga taong tunay na nagmamahal rito.
Kung ayaw n'yong mga anonymous kayo na makakita ng ganitong mga salita, ibang blog ang bisitahin n'yo...siguro dapat ang puntahan n'yo 'yung mga religious blogs...o 'di kaya...magsimba na lang kayo.
Pinasok ko ang komiks noong 90's, hindi ako bumitaw at nasaksihan ko ang unti-unti nitong paglugmok hanggang sa huling sandali. Hindi matatawaran ang pagmamahal ko sa medium na ito. Kaya ako'y hindi natatakot na magsalita nang lantaran ang pagkatao para rito!
Pareng Meng, higpitan mo pa ang hawak sa bandila natin! Maraming kamay ang nakahandang umalalay!
'Yung project natin, kelan natin uumpisahan? Text mo ako, pare.
oonga naman. tama si jeffrey wala na talagang masabi itong mga anonymous posters dito kundi reklamo at manghiya ng tao. kaya lipat na lang kayo sa ibang blog kung sensitive kayo sa mga ganitong pananalita.
layaasss, ngayon dinnnn!!!
Mheng may raket ka pa ba diyan? Ambunan mo naman ako.
Ipaglaban ntin ang bandila ng ng kasarinlan. Huag taung paapi sa mga lahing mapang api sa ating bayan. Kaisa mo kmi kapatid na Jeffrey Ong.
O_O
Hey! And who are these two anonymous na kakampi? Pakilala naman kayo mga kapatid. :)
matalino itong si mheng sa astronomy ah. isang tanong nga...
pareng mheng bakit kaya may black hole sa outer space? saka bakit kulay itim ito? Tska bakit naman may white sand sa boracay? Bakit puti ang sand na ito?
Hey! And who are these two anonymous na kakampi? Pakilala naman kayo mga kapatid. :)
Malungkot pero solong anak lang ako kuya.Di na nagkaanak pa ulit si mommy.
Pareng Meng, higpitan mo pa ang hawak sa bandila natin! Maraming kamay ang nakahandang umalalay!
aktibista?
"Malungkot pero solong anak lang ako kuya.Di na nagkaanak pa ulit si mommy."
Hmmm...clue ba ito, Anonymous? :)
"Pareng Meng, higpitan mo pa ang hawak sa bandila natin! Maraming kamay ang nakahandang umalalay!"
"aktibista?"
FRUSTRATED AKTIBISTA, anonymous! :)
Post a Comment