AFTER two months hiatus ay pumasyal muli ako sa opisina ng ABS-CBN Publishing. Dahil under contract lang ang employment status ko sa opisina ay okey lang na sa bahay ko ginagawa ang aking trabaho. Ganito rin ang aking setup sa ilang small presses na may project ako.
Hindi ko alam kung bakit biglang-bigla ay tinamad akong mag-aalis ng bahay, though once in a while ay nagpupunta ako ng mall para bumili ng libro. May dahilan siguro kung bakit naging anti-social ako ngayon at hindi ko lang matukoy kung ano. Ang pakiramdam ko lang, masarap sa bahay, gigising sa umaga na kung may makitang magandang subject pagbukas ng bintana ay puwedeng kunan ng picture—kahit wala namang malalim o makasining na dahilan.
**
NAGPA-PANIC ang mga kaibigan ko sa The Buzz Magasin dahil kilala na nila ako. Once I distanced myself from them for a long period of time, may ibig sabihin. Naghihinala sila na I’m on my way out at baka lumipat na ako ng company come 2010. Nami-miss kasi nila ang masasarap na kainan na magkakasama ang buong tropa at nagkukulitan. Ang mga eksenang ito ay matagal na; blowout nang ilan sa kanila ang mag-celebrate ng kaarawan.
**
Today, September 10, 2008 ay dumalaw nga uli ako sa opisina. Nanibago ako sa paggamit ng aking automated ID. Mahaba pa rin ang pila sa ATM. Hindi na kasinlinis ng dati ang CR—na binalahura ng mga ka-share namin sa floor na mga taga-call center. I wonder why these call center employees do not know how to use the comfort room properly; may nagpapatugtog nang malakas ng kanilang media player o cellphone na para silang nasa kanilang kuwarto o salas. Another, they treated the elevator as their own. ‘Yun bang tipong papasok na agad sa loob nang hindi alam kung pababa ba o pataas ang direksyon at pipindutin na parang keypads ang control, at nakikipag-usap sa nasa labas at ayaw agad hayaan na magsara pagkapasok. And yes, they talk inside the elevator with their fake American accent.
**
Anyway, isa sa mga dahilan kung bakit ako nagpunta sa office ay kinakailangan na raw naming magbayad sa Komikon sabi ni Ner para maka-avail ng discount. FYI, kumuha kami ng sariling mesa para sa Komikon 2008 sa UP Bahay ng Alumni sa Nov. 22. Kasama namin ni Ner ang isa pang Kapamilya artist na si Rommel ‘Omeng’ Estanislao. Si Omeng ay sumali na last year at kasama namin sa indie tiangge dala-dala ang kanyang creation na si “Kokoy Kolokoy.” May iba pa siyang creation this year, at dahil isa siyang graphic artist and T-shirt designer, may plano rin yata siyang magtinda nito. Ner, of course, will bring his usual gang of Sanduguan.
Napag-usapan din namin ang mechanics ng binubuong project ni Gilbert Monsanto. Kanina ko lang na-realized ang kagandahan ng proyekto ni Gilbert nang ipaliwanag ni Ner—at marami na raw artist ang tumugon kay Santomon. Gilbert, hat off ako, Sir.
**
Nag-usap din kami ng EIC ng The Buzz Magasin tungkol sa estado nito at ang mga plano next year. Kung bumibili kayo ng TBM, mapapansin ninyo na iba na ang layout kumpara sa dati. Tinututukan na ang TBM dahil sa malaking potensyal nito sa maraming aspeto. May editorial workshop din daw kami sa September 24-25, at dapat akong mag-attend.
Ito pala ang aming October issue na lalabas middle of September:
**
Hindi ako masyadong nagtagal sa opisina. Alam kong gustung-gusto pa nila na makatsikahan ako at makapagkape kaya lang ay masyadong maraming ulan ang dala ni Typhoon Marce at mahirap mag-commute kapag rush hour na. Taxi o dyip? Wala akong dalang payong (umbrella… payong…. the Filipino version of Rihanna’s hit is so funny) kaya nag-taxi na lang ako. May mga text messages at missed call sa cellphone na di ko narinig—mula sa mga dating kakilala. May nagtatanong kung OK bang bumili ng sasakyan kasi plano raw niyang mag-car loan; isang dating employer ko sa Japan na nagtatanong kung magkano ang tiket papuntang Bisaya (sana hindi Perhuwicio Lines ang masakyan niya). Sabi ko mag-eroplano na lang. May isa ring texter na nagtanong kung bakit daw di na napapasyal si Cool Mom sa blog na ito. So, may fan base na si CM. Actually, maraming nag-e-email sa akin tungkol sa kanya. It calls for another blog entry.
Home finally. May dagdag na palang P10 ang metro sa taxi. At sinalubong ako ng aking dalawang 'pirated' dogs na nagtataka kung bakit ilang oras akong nawala.
Got another text message mula sa aming managing editor ng TBM na si Tintin habang ako’y nagkakape at nanonood sa Nickelodeon: “Balik kayo sa Friday… treat namin kayo ni Berns [copy ed/writer/soon-to-be editor] ng lunch!”
Tempting. And then I began to think about the CR, the elevator flooded by the call center agents—and their nauseating fake American accent.
3 comments:
ala, tama ka diyan! ako'y napasyal din kanina sa elj building (sept 12) at narinig ko na naman ang sinasabi mong fake american accent.
but in fairness, wala naman kaninang magugulo.
ang hirap lang kumuha ng visitor's ID. grabeeee!
Post a Comment